Chapter 6

1936 Words
It was already 4 in the afternoon when we decide to walk outside the said café. May hindi kahabaang sidewalk sa gilid ng café kaya napag-isipan naming maglakad-lakad muna habang hinintay ang oras na dumating ang sundo ko. Tahimik lang kaming naglalakad at dinadama ang sarap na dulot ng sariwang hangin maula sa maliit na gubat ng café. Walang kahit na sino ang umimik mula noong tinanong niya ako about sa nangyari sa akin. Sampung taon na ang nakalilipas. May gusto akong itanong sa kaniya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan sa gayong hindi ko rin alam kung sasagutin niya o may alam siya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumigil sa paglalakad at napahawak ang metal na railings sa magkabilang gilid ng sidewalk. Naramdaman ko rin ang pagtigil ni Jack sa paglalakad at tumabi sa akin sa pagtayo at paghawak rin sa metal na railings. I lean and closed my eyes to feel the relaxing breeze of nature. Napapangiti lang ako dahil sa mga alaalang pumasok sa isip ko bago mangyari ang trahedyang nagpawala ng lahat sa akin. Ang mga araw kung saan hindi ko pa alam at kilala ang fiancé kong ipinagkasundo sa akin noon. Whenever my summer came, we always go on parks, provinces, beaches and places where they know that I really love and made me smile. Mga lugar kung saan isa kaming normal at masayang pamilya noon. Mga lugar kung saan napapalibutan kami ng mga puno, mga huni ng ibon na masarap pakinggan at ang tahimik na nagdudulot sa amin na mag-ingay. Ingay na hindi masakit sa pandinig at damdamin. Kundi ingay na puno ng saya at walang halong mga problema. Akala ko hindi na mag-iiba at magbabago ang mga gano'ng pangyayari sa buhay ko. Pero akala ko lang pala iyon dahil lahat may hangganan. Lahat nagtatapos at lahat ay hindi puro saya lamang. Ang akala kong perpektong pamilya ay nawala sa isang iglap na parang isa itong bula na pumutok at hindi mo na alam kung nasaan na ito o kung babalik pa ba ito. At ngayon, nararanasan ko ang mga bagay na ilang ulit ko ng itinanong sa sarili ko kung deserve ko ba ito? Ang mga bagay na nangyari sa akin? "I really love to see you smile, Iria" napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang sinabi ng katabi ko. "You're so beautiful that even the word goddess can't describe you" Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. I know he had a thing for me in the past but I don't that he had it until now. Let's face the reality that everything will change. Everything won't work as you pleased and everything has an end. Kaya hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya dahil alam ko. Alam kong may nag-iba. "Kung hindi ka nawala noon. May pag-asa ba ako?" dahan-dahan akong lumingon sa kaniya dahil sa tanong nito at nakita kong nakatingin lang ito sa harap. "Will I be given a chance to make you mine, Iria?" "I don't know..." mahina kong sagot pero sapat lang para marinig niya at agad naman akong napa-iwas ng tingin dahil sa paglingon nito sa akin. "Bakit?" humigpit ang hawak ko sa railings dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Isang simpleng tanong pero bakit parang kay hirap sagutin? May pag-asa ba talaga siya noon kung hindi ako nawala? Magiging kaniya ba ako kapag nagkataon? At ano ang pakiramdam na mahalin ng isang Jackson Cruz? "Dahil ba sa lalaking itinakda sa'yo noon ng mga magulang mo?" napa-awang ang labi ko dahil sa tanong niya. Ito na ang pagkakataon ko para magtanong sa kaniya na hindi siya maghihinala at dahil sa tanong na iyon ay umaasa akong may alam siya kay Ivan kahit na kaonti lang. "Do you know him?" balik tanong ko sa kaniya at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkunot ng noo ko pero hindi ito sumagot sa tingin ko. "I mean, kilala mo ba ang lalaking itinikda sa akin noon? I am just curious dahil madami kang alam sa akin and I just want to know how much you know about me and my life" mahabang litanya ko sa kaniya at nananalangin na sana, hindi niya malaman na wala na akong alam sa lalaking iyon at hinahanap ko ito. "I know him" tuluyan na akong napatingin sa kaniya dahil sa sinagot nito. Umiwas naman ito ng tingin sa akin at tumingin na naman sa harap na parang may magandang tanawin doon. "He's also from a well-known family at isa rin ang pamilya nila sa may pinakamarami ng mga business around the world" "He's that rich, huh?" tanong ko sa sarili ko dahil hindi ko man lang matandaan na gano'n pala kayaman ang ipapakasal sa akin noon. "And up until now, Iria. Mas lalong lumago ang mga negosyo nila dahil iba maghandle at magmanage ang nag-iisa nilang anak" wala lang akong imik sa tabi niya dahil gusto kong sa kaniya magmula ang gusto kong malaman. "But his life is so private. Walang nakakaalam kung kasal na ba ito o hindi pa" "You mean, mula noong nawala ako, hindi niyo na alam ang tungkol sa kaniya?" umiling naman ito sa tanong ko. "I hope he's still waiting for me like what he promised" mahina kong bulong sa sarili ko at mas lalong tumaas ang pag-asa kong hinihintay nga niya ako. "He made his life private. Kahit nga ang mga kasambahay nila ay hindi nagbibigay ng kung anong impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa kanila pwera na lang sa mga business nila. Their household is loyal to them kaya wala rin naman nagagawa ang mga reporter" tumango-tango naman ako sa sinabi niya. "Not until this one charity ball. Nakita itong may kasamang isang babae na ngayon lang din nakita ng media. And I heard a rumor that the woman he was with is the Delcena Empire Heiress, which is you" Natigilan ako sa sinabi nito. It couldn't be, right? Baka mali lang ang narinig niyang rumor. "Pero wala namang picture na nakita dahil siguro binayaran niya ang mga nakakuha ng pictures niya kasama ang kadate nito noon. And I wonder kung binalikan niya ito o binalikan ka niya?" agad naman akong umiwas ng tingin sa kaniya dahil sa paglingon nito sa akin na may matiim na titig. "Do you want to be with him again, Iria?" "Ano ang buong pangalan niya, Jack?" hindi makatangin at balik tanong ko sa kaniya. "Ivan –" hindi nito natapos ang sasabihin dahil sa isang boses ang narinig namin na tumawag sa pangalan ko. "Iria!" dumako ang tingin ko sa direksiyon kung saan ko narinig ang boses at nakita ko ang nakangiting mukha ni Rence. "What is it again, Jack?" lumingon ako kay Jack at nakita ang madilim nitong mukha habang nakatingin sa tanong nasa likod ko. "Hey, Jack!" tawag pansin ko sa kaniya at nakita ko pa ang pagtalon nito dahil sa medyo mataas na boses kong pagtawag sa kaniya. Ang madilim nitong mukha ay napalitan ng ngiti sa mga labi ng tumingin na ito sa akin. "Ano nga ulit 'yon?" nakangiti nitong tanong sa akin. "'Yong full name ni Ivan" "Ah. Ivan –" at sa ikalawang pagkakataon, hindi na naman natuloy dahil sa pagtawag ni Rence sa akin para umalis na kami. Nakasimangot akong humarap nito kaya nangunot ang noo nito dahil sa pagtataka. I mouthed 'damn you' na ikinatawa lang nito na mas lalo kong ikinasimangot. Tinalikuran ko ito para sana magpaalam na kay Jack pero no'ng paglingon ko ay nagtaka ako dahil wala na ito. Nagtataka man dahil hindi na ito makita ay tumalikod na rin ako at naglakad kung nasaan nakatayo si Rence. Nang makarating ako sa kinaroroonan niya at agad ako nitong inakbayan habang tumatawa ng mahina na ikinasimangot ko pa lalo. Hindi pa rin ito tumitigil sa mahinang pagtawa kaya dahil sa pagkairita ko sa kaniya ay siniko ko ang tagiliran nito na nagpa-aray sa kaniya. Winaksi ko ang braso nitong nakaakbay sa akin at nauna nang maglakad dahil sa inis na nararamdaman ko sa kaniya. Wrong timing naman kasi siya, e! 'Yon na sana! Malalaman ko na ang buong pangalan ng Ivan na hinahanap ko ngayon. "Babe, wait!" hindi ko pinansin ang pagtawag nito sa akin at dire-diretso lang sa paglalakad hanggang sa parking lot na hindi pa rin ito pinapansin. "Iria, sandali lang!" Tumigil na ako sa paglalakad pero hindi ko ito nilingon dahil sa iritasyon ko pa rin sa kaniya. Bwesit talaga! "Ba't nakabusangot ang babe ko?" nanlalambing nitong tanong sa akin ng makaabot na ito kung nasaan ako. Sinamaan ko ito ng tingin na ikinataas niya ng dalawang kamay na parang sumusuko na. "May problema ba?" "Nasaan na ang kotse mo?" hindi ko sinagot ang tanong nito at tumingin na sa harap. "Doon sa pinakahuling linya. Bakit?" Hindi ko na naman ito sinagot at nauna na ulit na naglakad dahil pakiramdam ko ay sobra akong napagod ngayon kahit na wala naman ako masyadong ginagawa. Nakarating na ako sa likod ng kotse nito at pinagkrus ang mga braso sa harap ko habang hinihintay itong makarating kung nasaan ako. "Did you have your dinner already?" umiling lang ako sa kaniya at naglakad na papunta sa side kung nasaan ang passenger seat at sumakay na at nilagay ang seatbelt. "What do you want to eat for dinner?" "Anything" tipid kong sagot sa tanong nito nang makasakay na rin ito sa driver's seat. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito bago niya pinaandar ang makina at minaobra ang kotse. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa daan kami pauwi sa condo niya. Tumigil ang kotse dahil sa traffic na. "Iria" pagtawag nito sa pangalan ko pero hindi ko man lang ito nilingo dahil sa naiinis ako sa kaniya. Huminga ulit ito ng malalim. "Tell me what the problem is. Please?" "Alam ko na sana ang buong pangalan ni Ivan kung hindi mo ako tinawag ng dalawang beses" inis kong ani sa kaniya at hindi pa rin tumitingin sa kaniya. "Say that again?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. "You heard me" walang ganang sagot ko sa kaniya at naramdaman ang pag-andar ulit ng kotse dahil sa pag-usad ng traffic. Naging tahimik anng buong byahe dahil hindi na rin naman ako kinulit ni Rence dahil nalaman niya kung bakit ako naiinis sa kaniya. Nakarating kami sa basement ng building at nang mai-park na niya ng maayos ang kotse at napatay na ang makina ay lumabas na agad ako at hindi na siya hinintay pa. "Iria, sandali. Mag-usap muna tayo, please?" napatigil ako sa akmang paghakbang dahil sa sinabi nito. "I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam kung ano ang pinag-uusapan niyong dalawa. Wala lang talaga akong tiwala sa lalaking iyon" "Then you should trust me" humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "You don't need to trust him. All you need to trust is me" "Okay. Okay. I'm sorry. Am I now forgiven?" napangiti ako sa tinuran nito na nagpangiti na rin sa kaniya. "Come here, you dimwit" and I spread my arms for a hug from him. Nakabusangot naman itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit na ikinatawa ko. He dances us side to side and when he let go of me, he kissed my forehead and he smiled at me. "Princess?" sabay kaming napatingin sa taong nagsalita at parang nawala ang lahat ng kulay sa mukha ko sa taong nasa gilid namin na may namumuong mga mata sa kaniyang mga mata. What is he doing here? -courageousbeast
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD