Chapter 18
It's been week since the last time I check my Social Medias for some updates about my whole life story. I rolled my eyes because of it. Kaya nga kung pwede lang sana na hindi ako bumalik sa buhay ko noong dalaga palang ako ay hindi ako babalik pero ang inaalala ko ay si dad. Maiiwan siya ng tuluyang mag-isa.
Kapag naipanalo ko ang kasong ito ay alam kong mawawala si Tito Larze sa bansa dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang pamilya niya na sobra ang pagtitiwala niyang hindi nila magagawa ito sa mga sarili nilang mga kadugo.
Rence also took a month of leave in the hospital to help me with my case because that day, when he came home, I told him everything. When I say everything, everything that I planned and the steps that I'll take as I desperately want to win this case.
"Ready?" napadako ang paningin ko sa taong nasa likod ko nang marinig ang tanong nito.
Tumango lang ako sa tanong niya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa at nauna nang maglakad palabas sa condo niya habang si Rence ay tahimik na nakasunod sa likod ko. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga at naramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso sa bewang ko na agad na ikinarelax ng katawan ko.
"Don't stress yourself too much, babe" mahinang bulong nito sa kabilang tainga ko. "Always remember that we can do this. We will win this"
Nanghihina kong isinandal ang ulo ko sa balikat nito at ipinikit ang mga mata habang dinadama ang hinlalaki nitong gumagawa ng maliliit na bilog sa likod ng bewang ko.
"What will I do when you're not in my side?" mahinang balik bulong ko sa kaniya at hinayaan ang sarili na damhin ang init na hatid ng katawan niya.
"I will always be by your side. No matter what, babe" at naramdaman ko ang paghalik nito sa gilid ng ulo ko na ikinangiti ko ng tipid.
Nang oras na bumukas ang elevator ay sabay na kaming pumasok dito at nang sandaling umayos ako ng tayo paharap sa pinto ay agad na nanghina ang tuhod ko. Kung hindi lang siguro nakaalalay si Rence sa akin ay alam kong matutumba ako sa sahig.
Umiwas ako ng tingin at dinako na lang ang tingin kay Rence na wala ng emosyon na makikita sa mukha niya. Pinisil ko ang kamay niyang nagpapahinga sa gilid ng bewang ko na dahilan para mapatingin siya sa akin na may pag-aalala na sa kaniyang mga mata.
"You okay?" he mouthed and he leans closer like he is about to kiss me when we heard a small cough in front of us.
I smiled at him to assure him that I am okay. Umayos ako ng tayo sa tabi ni Rence at walang emosyon na humarap sa harap at nakita ang nakakunot at hindi maipintang mukha ng taong ayaw ko nang makita pa. Tinaasan ko ito ng kilay nang sa akin naman nadako ang nagtatanong niyang mga mata.
Why is he here? At bakit hindi niya kasama ang asawa niya?
"Mr. Xiamin, nice meeting you again" seryosong bati ni Rence at hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko. "What brings you here?"
"I send someone in her condo unit" tipid niyang sagot at hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
"Your wife?" pagtatanong ulit ni Rence sa kaniya na dahilan para mabaling ang tingin niya roon.
Ilang minuto na ang lumipas ng hindi ito sumagot at humakbang na lang ito papasok at tumalikod sa amin na hindi sinasagot ang tanong ni Rence. Dahil doon ay mas lalong tumaas ang kilay ko. Ayaw pang aminin na hinatid niya ang asawa dahil nandito ako? Such a jerk!
"Saan mauunang pumunta? Kay mommy o sa uncle mo?" mahinang tanong ni Rence sa akin pero dahil sa sobrang tahimik ng loob ng elevator ay maririnig ng lahat ng nakasakay at dahil tatlo lang kami ay hindi na maiiwasan iyon.
"Kay Kendry muna tayo tapos sa hospital na para deretso. Magpapacheck up na rin ako dahil sumasakit minsan ang puson ko" hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaharap kong nakatalikod sa amin at napangisi ako nang makita kong lumingon ito sa banda ko nang marinig ang sinabi ko. "Ngayon lang kasi ang available na araw ni Ken at sinabay ko na para isahang lakad na lang tayo kasama niya"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Dapat noong isang araw pa tayo pumuntang hospital" may pangangaral at pag-aalalang ani Rence sa akin na ikinatingin ko sa kaniya at ikinangiti.
"I'm fine. Magiging okay ako, babe. Don't worry"
"I don't want to risk your health, babe. Alam mo naman ang kalagayan mo ngayon" puno na ng pag-aalalang aniya and I saw how the back of Reece stiff because of Rence and I's conversation. "Now that you file a case against your demonic cousins and aunt. The journey will be a lot challenging, babe"
"Trust me, Rence. I will be fine"
"If you say so" labag man sa kalooban niya ay wala na rin naman siyang magagawa dahil alam niyang hindi magbabago ang isip ko kahit na buntis pa ako.
Pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto ng elevator ay wala ng sabi-sabing mabilis na naglakad papalabas si Reece na parang nagmamadali at parang may nakakahawa kaming sakit ni Rence. Ipinagkibit balikat na lang namin iyon at sabay na kaming naglakad papuntang lobby at dumeretso sa parking lot kung saan nakaparking ang kotse ni Rence.
Kalahating oras din ang ginugol namin sa loob ng kotse. Mabuti na lang at wala masyadong traffic kaya mabilis kaming nakarating kung nasaan ang law firm ng magaling kong tiyuhin. Dumeretso na kami sa hagdan dahil nalulula ako sa elevator na ikinatutol ni Rence pero wala rin naman siyang nagawa nang nagsimula na akong humakbang pataas.
Nasa ikalawang palapag lang naman ang office ni Ken kaya hindi naman nakakapagod kapag naghagdan kami at hindi naman gano'n kataasan ang building niya. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa ikalawang palapag at hindi ko na hinintay pa si Rence at dire-diretso lang sa paglalakad papunta sa kung saan ang opisina ni Ken.
Nang makarating sa harap ay kumatok lang ako ng dalawang beses at hindi na hinintay pa ang pagbigay nito ng permiso kung pwede na bang pumasok at hindi. Pero isa pala iyon sa maling ginawa ko dahil agad akong napatalikod at napatakip ng mga mata dahil sa senaryong bumungad sa akin.
"What the f**k, Kendry?!" nakatalikod at galit kong usal at nakarinig ako ng kaonting kalabog sa likod ko na parang natataranta silang dalawa. "Could you just get a f*****g hotel?! Bakit dito pa kayo nagbabakbakan?!"
"You didn't knock, you brat!" galit at natataranta niyang balik sigaw sa akin.
"I did knock! Talagang busy ka lang sa pagbaon ng maliit mong sandata sa malaking butas ng kabakbakan mo! Gago ka talaga kahit kailan. Alam mong pupunta ako rito at gagawa ka pa talaga ng kababalaghan dito sa opisina mo?!" nakita ko ang nakakunot na noo ni Rence nang makita akong nakatalikod sa b****a ng pinto ng opisina ni Ken kaya napanguso na lang ako sa kaniya.
"Kasalanan ko ba na binuksan mo agad na hindi naririnig na pwede na? You should have waited!" narinig ko ang pagsara ng zipper kaya nakapameywang akong humarap at sinamaan siya ng tingin na ikinataas lang ng kilay niya.
"Ang baboy mo talaga, Kendry! That libido of yours can wait but this case! My case can't! You're stressing me out, you moron!" napahawak ako sa noo ko at hinilot ito nang makaramdam ako ng hilo dahil sa walang hiya kong tiyohin.
"You!" pagturo ko sa babaeng nakayuko sa isang gilid na nakabihis na. Agad naman niyang inangat ang kaniyang tingin at dinako ito sa akin habang namumutla ito. "Get out! NOW!" galit kong sigaw na agad naman niyang sinunod at muntik pa itong mapasubsob sa sahig sa pagmamadali niya.
"Hey. Relax, okay?" naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Rence sa likod ko na dahilan para makarelax ako ng kaonti. "Breathe, babe, breathe" mahinang bulong nito sa tainga ko na agad ko namang sinunod.
I close my eyes and I inhale and then exhale until I had relaxed. Sa sandaling naimulat ko na ang mga mata ko ay isang masamang tingin ang ipinukol ko kay Ken na may nakangiwi na ngayong mukha at napapakamot na sa kaniyang batok.
"I-I'm sorry, okay? I didn't know that you'll come here this early" umiwas ito ng tingin sa akin matapos magpaliwanag. "Kung alam ko lang ay hindi dapat gano'n ang bubungad sa'yo pagpasok mo"
"You know that we have an appointment with you! Yet you... My gosh, Ken!" isinandal ko na lang ang buo kong katawan kay Rence dahil para akong nawawalan ng lakas.
"I said I'm sorry. Hindi ko na uulitin, okay?" I just scoffed at him dahil alam kong uulitin niya pa rin iyon. I know him from the strand of his hair until the end of his nails in his foot. "Let's get to business, shall we?"
"By the way, this is Clarence Gomez. Rence this is Kendry Austin, my uncle in my mother's side" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa na agad naman silang nagkamayan.
"So you're the man who took care of my bratty niece, huh?" nakangising tanong ni Ken kay Rence na ikinangiti lang ng tipid ni Rence. "Hindi ka naman ba nahirapan sa kaniya? Lalo na at buntis 'yan ngayon"?
"Medyo, pero nakakaya pa naman. She's the boss, so..." kibit balikat na ani naman ni Rence kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"She doesn't fool you, does she?" ang masamang tingin ko ay pinukol ko naman kay Ken na mas lalong ikinalaki ng ngisi niya. "And I wonder how. Paano ka nakakatagal sa attitude ng isang iyan?"
"I wonder why too, Atty." sabay silang tumawa na ikinalukot ng mukha ko.
"You two are a... thing?" may pag-aalalangan man ay tinanong niya pa rin.
"No. We're best of friends" nakangiting sagot agad ni Rence na dahilan para mapangiti ako ng palihim.
"Are you serious?!" hindi makapaniwalang tanong na naman ni Ken habang may nalilitong tingin na pinapabalik-balik sa amin ni Rence. "But the way you..."
"Could you stop?" naiinis kong usal at umayos na sa pag-upo paharap sa kaniya. "Let's talk about my case, Ken. Now..."
-courageousbeast