Chapter 17

1760 Words
Chapter 17 Ilang buntong hininga na ang nagagawa ko sa mga oras na ito dahil hindi ako mapakali habang naghihintay ng balita o ang paglabas ng mga article tungkol sa akin. Rence is not also here with me in his condo. He went out after he securely sends me here. Hindi ko alam kung saan siya pupunta basta ang sabi niya ay huwag akong umalis dito. It's been hours since he left at kahit isang text ay hindi ito nagreply sa mga s-in-end ko. Sobra na akong nag-aalala dahil sa alam kong nadadawit na ito sa mga problemang kakaharapin ko ngayong nalaman na ng media ang tungkol sa akin. Pero paano nila nalaman iyon? Pwera na lang kung may nagsabi sa kanila. Who could it be? Who wants to ruin me? Who wants to tell the world that I was a mistress? That I am pregnant by Reece's child? Who? Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pagring ng cellphone kong hawak ko rin naman. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag at nagbabakasakaling si Rence na ito pero napakunot naman ang noo ko nang makitang si Ken ang tumatawag. It's been week since we last saw each other and the last time I heard from him about the case that I want to file on my demonic cousins. Ngayong tumatawag na ito, parang hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag sinabi na niya ang magiging resulta ng kaso ko. Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago tuluyang sinagot ang tawag. "Hello?" pauna kong bati sa kausap at naupo sa sofa sa sala ng condo dahil sa tingin ko ay mawawalan ako ng lakas sa mga malalaman ko ngayon. "Iria" ang baritonong boses nito ang narinig ko na ikinaayos ko ng pagkakaupo. "I have news regarding the case you want to file against your twin cousins" Napalunok ako sa narinig mula sa kaniya. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag malalaman mo na kung maapprove ba at makakafile ka ba ng kaso o hindi dahil sa tagal na nang nangyaring panggagahasa sa'yo. I felt like something stuck in my throat as I wait for him to continue what he has to say. "The case that we filed was finally approved by the head judge but..." narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito sa kabilang linya na dahilan para mahigit ko ang hininga ko. "...we need strong evidence regarding your case that can prove that you were truly rape years ago" "W-what do you mean by that?" walang lakas kong tanong sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niyang malakas na ebedinsiya para patunayan na nagahasa nga ako noon. "We can file a case but there's a small possibility that we can win? That's what you want to say, Ken?" "Yes" naramdaman ko ang pangingiligid ng mga luha ko dahil sa sagot niya. How come? Ano ba ang ebedinsiya na kailangan nila para mapatunayan ang nangyari sa akin noon? "Your statement can be one of the evidences that we need but it's not a strong one to hold until the end. We need something that can prove that you were really abused and harassed ten years ago. Dahil kung ang statement mo lang ang gagamitin natin, they can file a case against you also if they will prove that they are not guilty. That you are only making stories to destroy their image" "No..." garalgal kong usal dahil hindi pwedeng bumaliktad ang lahat ng ito. Hindi pwedeng ako pa ang lalabas na masama rito. "Hindi dapat maging ganiyan ang kalalabasan!" "Is there something in your mind that can help you win this case? Perhaps a person that can testify against them? A witness, Iria. We need a witness or a record that you really were abused" maririnig sa tono ng boses nito na namomroblema rin ito sa kaso kong gusto kong i-file para ipakulong ang mga demonyong iyon. "And you can't use your medical reports now that you are pregnant by that bastard that you wouldn't tell me what his name is" Medical report and a witness? Isang tao lang ang pumasok sa isip ko nang marinig ko ang mga gano'n. The only person who really knows what happened to me years ago is... Rence. Yes! Pwede kong maging witness si Rence! And my medical report years ago can be my big and strong evidence in this case! Dahil sa mga naisip ay nabuhayan ako ng loob na pwede ko nang mapakulong ang mga demonyo kong mga pinsan dahil sa pambababoy nila sa akin noon. Ang pagpatay nila sa una kong anak na naging bunga nang pangggahasa nila sa akin. "Iria, you still there?" parang nabalik lang ako sa sarili ko nang marinig ang nag-aalalang tinig ni Ken sa kabilang linya. "Wala akong maisip na pwede mong pambato sa korte maliban sa statement mo. Nabobobo ako sa kaso mo, Iria" "I have a strong evidence against them, Ken" the corner of my lips tugged up and I wipe the tears away from the side of my eyes. "And I can still use some of my medical reports without them knowing that I am pregnant, right?" "Do you mean..." "Yes, uncle. I can use my dad's connection and all. After all, I am the Delcena Empire Heiress" I combed my hair using my free hand as many scenes played in my mind. "Can you use yours also?" "I didn't know you're that witty, my dear niece" a satisfaction was evident in his baritone voice in the other line. "You change... a lot" "No I'm not. I just know how to use what I have" napabungisngis ako sa hindi malamang dahilan. "Alam kong matutuwa si dad kapag nalaman niya ito. He doesn't expect me to do this alone without the help of his connections" "Now tell me that you're not what I'm thinking of" narinig ko ang natatawa nitong boses sa kabilang linya na dahilan para matawa rin ako. "You should have granted what we wish for. Dahil sa palagay ko, mas magiging successful ka pang abogado kesa sa akin" "If I become a lawyer, baka maubusan ka ng mga kliyente dahil sa mas magaling ako sa'yo" pang-aasar ko sa kaniya na ikinaismid niya lang sa kabilang linya. "Ahh. My dearest niece, don't be full of yourself" pinitik-pitik nito ang kaniyang dila na parang nang-uuyam sa akin. "You're giving me goosebumps" "Uh-huh" napailing-iling nalang ako dahil sa kabaliwan ng kausap ko. "Who told me earlier na 'Nabobo ako sa kaso mo, Iria'?" I heard him scoffed that made me burst into laughter. "Ayaw mo pang aminin?" natatawa kong tanong ulit sa kaniya at alam kong nakanguso na ito ngayon. "You're the one who is full of yourself, Kendry" "I'm still your uncle! Respect me, Iria Marie!" pikon niyang usal kaya napatawa ako nang malakas dahil doon na ikinabuntong hininga niya ng malalim sa kabilang linya. "Tss. Pasalamat ka at pamangkin kita kahit na hindi tiyo ang turing mo sa akin" "Sino ba kasi ang ayaw akong tawagin kang 'tito' and 'uncle'?" diniinan ko ang dalawang huling mga salita para ipaalam sa kaniya ang punto ko. "Yeah. Yeah. Stop mocking me, will you?" suplado na nitong saad na ikinatawa ko na lang. "So back in our topic a while ago. What medical reports are you talking about?" "About that..." a smirk was plastered in my lips. "I'll tell you when we see each other, yeah?" "Okay. I'll text you when and where we will meet" "You're that busy?" kunwaring gulat kong tanong sa kaniya. "Kaya pala wala ka ng time para man lang bisitahin ako" may pagtatampo kong ani sa kaniya at sinusubukan kong pigilan ang tawang gustong kumawala sa labi ko. "You're mocking me again, you bratty lady!" nailayo ko ang cellphone ko sa tainga ko at napangiwi dahil sa pagsigaw nito. "Don't use that card on me, Iria. I swear –" "You swear what, Keny?" nakanguso kong tanong sa kaniya kahit na hindi naman niya nakikita. "I swear when we see each other again, you'll wish that we will never see each other again" I furrowed my eyebrows because of what he just said. "What did you say?" walang buhay ang boses kong tanong sa kaniya at narinig ang tawa nitong may pag-aalangan at may kaba. "I said I miss you, my dearest niece. Didn't you miss your uncle?" nagpakawala ito ng kabadong buntong hininga na ikinangisi ko. "I don't" tipid at malamig kong sagot sa tanong niya dahil nag-eenjoy akong asarin ito kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong hindi na ito mapakali at maipinta ang kaniyang mukha. "Iria Marie, h-huwag ka namang ganiyan. I was just joking a while ago" maririnig na ang desperasyon sa tono ng boses nito na ikinalapad ng ngisi ko. "I'll see you soon, okay?" "I don't want to see your face, Kendry" napapanguso na ako dahil ilang sandali pa ay alam kong sasabog ako sa tawa habang nariririnig ang kaba at hindi mapakali niyang boses. "I hate you..." "No you don't!" I sniff like I was crying. "H-hey. Don't cry. Patay ako kay dad kapag nalaman niyang pinaiyak ko ang unica hija ni ate" "I will tell lolo about this. I will tell him that you're bullying me" piniyok ko ang boses ko para mas kapani-paniwalang umiiyak nga ako habang kausap siya. "I think it was your pregnancy hormones are talking. You need to rest, Iria. I'll make sure that everything will come back on how it was before" "No. You're changing the topic. I'll make sure to tell lolo about this" kunwaring garalgal na boses kong saad. "Oh my god. What will I do?" mahina at problemado nitong tanong sa sarili pero sapat lang din para marinig ko. "Okay. Okay. Stop crying. What do you want? I will give everything what you want. Just stop crying" "You will give everything that I want?" parang bata kong tanong sa kaniya habang nakangisi ng tagumpay. "Yes. So, what do you want?" "I need a new phone, a laptop, a monthly box of brownies and an Ashton Martin" abot langit ang ngiting sagot ko sa tanong niya and I heard his exaggerated sign that made me chuckle. "What the f*****g hell? Mauubos ang savings ko dahil sa Ashton Martin na gusto mo, Iria!" tumawa lang ako sa sinabi niya. "And here I am, I was fooled again" "Oh, I did fool you?" inosente kong tanong sa kaniya. "You manipulative brat!" -courageousbeast
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD