bc

Refuge in You

book_age16+
621
FOLLOW
3.4K
READ
age gap
dominant
badgirl
powerful
brave
heir/heiress
tragedy
twisted
heavy
wild
like
intro-logo
Blurb

Audrey Escareal is the heartless heiress of Vida Riqueza. How her family got ruined at her young age that broke her heart. Her soul was shattered and her idea of love was tainted with betrayal and prejudices. But despite everything, she still learned how to love. She tried to deny it first. She may be young and inexperienced but she knows her type! He's out of her league, intense and very much intimidating. But like they said, as tight as you hold on to something, the more you will push it to explode. She couldn’t suppress herself anymore. She loved him with all her bruised and scarred heart... only to be burned by his flames at the end.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Mango shake sa'yo?" tanong ni Janice. Katatapos lang ng klase at dumaan kami sa bagong cafe malapit sa eskwelahan. Gusto ni Janice sa ice cream shop pero ako itong namilit. But now, I don't think I can drink anything anymore. Kumalat ang lamig sa aking tiyan. Nawala ang lahat ng bagay sa isip ko. Kung sana ilang taon na ang lumipas nang makita ko iyon, hindi ako masasaktan ng ganito. I wasn't dumb. Gossips about my mother, Priscilla Escareal, having multiple affairs with different man hurt. Inignora ko ang mga naririnig dahil naniniwala akong hindi iyon kayang gawin ni Mommy sa amin. But to see her with my own two eyes was too much. Halos dalawang buwan pa lang mula nang mawala si Daddy! "Audrey, anong sa'yo?" Tears pooled my eyes. Padabog akong umupo sa bench sa labas ng cafe. Nang makita ni Janice ang mga luha ko ay taranta siyang lumapit. "Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali? Ayaw mo na ba rito?" Lalo akong napaiyak. "Nakita ko si Mommy, Janice!" With a cheap man, she went in with a car and drove to somewhere else! She didn't even bother to wait for a year! Did she even grieved for the husband she lost? "Huh? Saan?" Luminga-linga ang kaibigan ko sa paligid. I cried more. She panicked and sat down beside me. Niyakap niya ako at inalu. "Baka kamukha lang, Drey-" "No, I'm sure! Kilalang kilala ko siya! At kotse pa na niregalo ni Daddy ang ginamit niya! It's true, Janice! May mga lalaki siya!" "Calm down, okay? Baka kakilala lang niya iyon. Mag-usap kayo, Drey." Noon, kami ang larawan ng isang perpektong pamilya rito sa Vida Riqueza. Daddy was a good leader and a loving father. He was this town's governor for years, nagretiro lang noong nagsakit. Mommy's family is old rich. We own factories and lands that fed many people here. Iyon ang dahilan kung bakit lubos kaming ginagalang ng marami. Dahilan rin kung bakit kahit ganito ang inaakto ni Mommy ngayon, walang lantarang nagsasalita sa kanya ng masama. No one dared to tell me about her filthy doings. Ang mga alam ko ay naririnig ko lang sa mga nag-uusap. At tuwing nalalamang nasa malapit ako, itinitikom ang bibig. My father was a very good person. I love him so much, I can't take Mommy's actions lightly. Mahal na mahal siya ni Dad. Binalewala ko ang hindi niya masyadong pagbibigay ng atensiyon kay Daddy nang nagkasakit ito. But thinking of it now, paano kung kahit noong buhay pa si Dad ay may kinikita na siyang lalaki gaya ng mga naririnig ko noon? I didn't pay much attention on the gossips because I believed she couldn't do such thing! "Inom ka muna," sabay abot sa akin ni Janice ng biniling mango shake. Tumigil na ako sa pag-iyak at medyo kalmado na pero nakatulala pa rin sa kawalan. Hindi ko alam kung alin ang mas mabuti. Ang manatili sa dilim o malaman ang totoo kahit masakit. "Pasensya ka na, Drey. Wala akong masasabi tungkol sa sitwasyon mo. Mahirap kasi kapag pamilya na ang pinag-uusapan. Ang advise ko lang, huwag kang masyadong magpadala sa emosyon. Kausapin mo muna ang Mommy mo. Mahal pa rin naman niya kayo, hindi ba?" "Hindi ko na alam..." Dinungaw niya ako at hinawakan ang kamay. "May mga ganito talagang nangyayari minsan, Audrey. Walang perpekto." "Pero sana man lang pinaabot muna niya ng taon bago siya nanlalaki, 'di ba? And what if the gossips are true? Na kahit pa noong hindi pa namatay si Daddy ay may affairs na siya? Kung mahal niya kami ay hindi niya iyon magagawa!" Bumuntong hininga siya. "At kung sakali mang malaman kong totoo ngang nangabit siya noon pa man, I don't think I can ever forgive her!" "Look, you don't know what your mother is going through. Paano kung way niya ito sa pagcope up sa pagkamatay ng Daddy mo?" "No! Kung talagang nagluluksa siya, hindi siya maghahanap ng kalinga sa ibang lalaki!" "Iba-iba kasi ang paraan ng pag-iisip ng mga tao, Drey. Pero sigurado akong mahal pa rin kayo ng Mommy mo." I swallowed the bile in my throat. Naiiyak na naman ako. Mommy was indeed a loving mother. But her image in my head now is tainted with betrayal and my judgements. "Real love is always true, Janice. Kapag hindi ka totoo, hindi iyon purong pagmamahal!" "Baka ayaw niyang sabihin dahil ayaw niyang masaktan kayo ng kapatid mo." "If she truly love us, on the first place, hindi siya gagawa ng ikakasakit namin. Ang totoo, masyado siyang makasarili! Hindi man lang niya naisip si Daddy!" "Janice, anong nangyayari?" Isang baritonong boses ang nagpatigil sa akin. Pinalis ko ang mga naglandas na luha at nilingon ang mga nakatayo hindi kalayuan sa aking likod. Naroon ang pinsan ni Janice. Behind him were the boys familiar to me, mostly. Sons of the wealthiest people of the region. Kung hindi anak ng politiko, anak ng negosyante. Alam ko dahil madalas kong makita sa mga gatherings. Nga lang, nahaluan sila ng iba ngayon. My friend's cousin isn't living as wealthy as them. Although he's son of Don Hilario Melgarejo, anak lamang siya sa labas. Anak lang ito sa isang katulong at gusto mang bigyan ng suporta, ginusto ng ina nito na mamuhay ng simple, nang walang impluwensiya ng mga Melgarejo. So despite of his very rich ancestry, he's living opposite to us. Maayos naman ang trato sa kanila ng mga Melgarejo, kaya si Janice at iba pang mga relatives ay tanggap siya. I just don't get it why he has to live that poor life when he has all the rights of living like a rich boy. I mean, sino ba ang mas pipiliing maghirap? "Nag-away kayo?" His brooding eyes were looking at me with concern. Pero sa dilim ng mga mata niya ay duda ako kung totoo ba iyon o guni-guni ko lang. "Hindi, Kuya. May pinag-uusapan lang," si Janice. "Alas singko na, umuwi na kayo." Tumango si Janice at kinuha ang cellphone ko para siya na mismo ang magtext sa aking driver. Pinauna ng pinsan niya ang mga kasama sa loob at inantay hanggang sa dumating ang mga sundo namin ni Janice. I was then fourteen, at my eight grade when I started hating Mom because of what I saw. Nang gabing iyon, ginusto kong kausapin siya. I waited for her to go home, but she didn't. Lumakas ang kutob ko na kasama niya iyong lalaki, at lalo pang umigting ang galit nang madatnan silang nag-aaway ni Ate Diana kinabukasan. I listened to their argument. Doon ko natanto na alam din pala ni Ate ang lahat. She was only suppressing it. "Bata pa si Audrey, Mommy! Kung nakita kita, posibleng makita ka rin niya! Please have a little decency even just for her!" "Huwag mo akong pangunahan, Diana!" "Kung hindi mo magawang magluksa para kay Dad, sana naman respetuhin mo ang mga anak mo! The town is talking about your affairs! May isa pang sinabi na nakipagrelasyon ka pa sa may asawa! I can handle these, but what about Audrey? Naisip mo ba ang epekto nito sa kanya? Naisip mo man lang ba?" Nasampal ni Mommy si Ate. Hindi ko na pinanood pa ang ibang ganap at nagmadaling bumalik sa kuwarto. Iniyak ko na lang ang labis na sama ng loob. So the people were right all along. Talagang iba ang pagkakakilala ko kay Mommy. Respecting her was all a waste. I grew up as a daddy's girl. Kaya siguro malaki ang epekto ng pagkawala ni Daddy sa buhay ko. The perfect family I thought I had crumbled. Pakiramdam ko kahit nariyan pa si Mommy ay pati siya nawala sa akin. The gossips about her continued, at alam ko mang totoo iyon, hindi ko na siya kinompronta pa. Sa sumunod na taon, lalo pang nagulo ang buhay ko. Ate Diana was on her first year in college when she got pregnant. Pinalayas siya ni Mommy at alam kong matagal na niyang gustong umalis sa mansiyon. She was just thinking about me. But that time, hindi na niya napigilan pang umalis. Mommy was very mad and shoved her away like she wasn't a disappointment herself. Sinundo si Ate ng boyfriend niya nang gabing iyon. Umiiyak siya nang kausapin ako. "I'm so sorry, Audrey. Kailangan kong umalis. Ayokong madamay ang baby ko. So please be good while I'm not here, okay? Alagaan mo ang sarili mo. Aalis kami ng Vida Riqueza at pupunta sa probinsya ni Klyde. We'll stay in touch, I promise," iyon ang huling sinabi niya. Lalo akong nagalit kay Mommy. Pati si Ate ay nawala sa akin ng dahil sa kanya. If she was only considerate. Nagkamali rin naman siya, ah? Ang rami niyang kasalanan sa amin tapos si Ate na nabuntis lang, pinalayas na? She's a mother, at siya dapat ang unang taong tutulong dito! But she shoved her away instead. Para ano? Para wala ng magpamukha sa kanya sa mga ginagawa niya? Ginusto ni Mommy na magkawatak-watak kami. Itinatak ko iyon sa isipan. Hindi ko alam kung naging dahilan ba iyon kung paano ako kumilos ngayon. Siguro ganoon nga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook