Chapter 2

1245 Words
"Ano ang sa'yo, Miss Escareal?" tanong ng tindera sa cafeteria. "Chicken meal at mango juice," sagot ko sabay sulyap kay Janice. "Anong sa'yo?" "Iyong beef steak. Softdrinks na rin." Nagbayad ako matapos ibigay sa amin ang order. Pabalik na kami sa table nang makita ko ang isang grade ten na kakapasok lang. Malayo pa lang, nakilala ko na agad. Her eyes scanned the cafeteria briefly. Tumigil ang tingin niya sa akin. Ngayong nasa grade eleven na ay nasanay na ako sa usap-usapan tungkol kay Mommy. This time, she's having an affair with a married man again. Hindi ko na iyon ikinagulat. "Drey, si Hanna palapit," si Janice. "Lumapit siya kung ganoon," sabay lapag ng tray sa lamesa. Galit na tumigil si Hanna sa tapat ng aming mesa. Hindi ko siya binalingan. "You thick faced b***h! Masaya ka bang nakakasira ng pamilya ang mommy mo, ha? At hindi ka pa nakontento! Inakit mo pa talaga ang boyfriend ko! Pareho kayo ng mommy mong mang-aagaw!" "Huwag ka ngang magsimula ng gulo rito, Hanna!" si Janice. Ilang beses na ba akong nakompronta ng ganito? I am tired of this drama. "Ano? Wala ka man lang sasabihin? Ang kapal din ng mukha mo, ano? You think you are too high dahil sa yaman niyo pero sira ka naman sa loob! Wala kang konsensiya!" Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga. Pinagkrus ko ang mga braso at tiningala ang nanggagalaiting si Hanna. "Siguro kaya nangabit ang daddy mo dahil masyado ng losyang ang mommy mo. Look at my mom. She's always beautiful. And about your boyfriend, hindi ko siya inagaw. Siya ang kusang nakipagbreak sa'yo dahil gusto niya akong ligawan. Why? Because I'm better. People always prefer the beautiful and better ones, right?" I said softly and smiled. Napapikit ako sa lamig at lagkit ng mango juice na isinaboy sa akin. I can feel the cold liquid in my uniform too. Pati na rin sa aking buhok. "Hanna!" suminghap si Janice. "Iyan ang bagay sa'yo! Para mahimasmasan-" Hindi nagsegundo nang makatayo ako at mahila ang buhok niya. She shrieked in pain but no one dared to stop me. Alam nila na mahirap akong kalaban pag nagkataon. But this girl here, hindi niya alam kung anong pader ang binabangga niya. Kaya kong lunukin ang mga salita. But how dare she go beyond the lines! Wala siyang karapatan! "Ito gusto mo, hindi ba? Then deal with it!" Sinampal ko siya sa magkabilang pisngi at marahas na pinaghihila ang kanyang buhok. May naghiyawan dahil sa kaganapan. The stupid girl had the audacity to pull my hair back. Pero dahil maikli ang buhok ko ay agad rin siyang napabitaw nang hatakin ko. I am taller and stronger kaya talagang dehado siya. She managed to slap me once. Nalahasan ko ang metal sa aking labi mula sa singsing niya. I grabbed her hair harshly and pushed her to the table. Impit siyang napasigaw dahil sa sakit. Kinuha ko ang baso sa lamesa at sinadyang ibagsak sa sahig. Nagkalat ang piraso niyon. I grabbed the large piece of glass and smirked evilly. Walang puso. Walang konsensiya. Iyan ang naririnig ko tungkol sa akin. Kaya dapat lang na panindigan ko, 'di ba? "Audrey!" isang pamilyar na boses. Pero hindi ako nagpatinag at naglakad palapit kay Hanna. She spilled my mango juice, slapped me once and pulled my hair. Dapat lang na masugatan ko siya! Gritting my teeth, I lifted my hand, holding the sharp piece of glass with so much anger. "This is what you deserve!" Tumalsik ang dugo sa aking puting uniporme. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nagsigawan ang mga estudyanteng nasa paligid, gulat sa nakita. Kahit ako ay nagulat din. I was supposed to hit Hanna! Pero hindi siya ang natamaan. The tall, dark and dangerous looking, Rustov Melgarejo was the one I hit! Everything happened too fast all at once I didn't saw him coming. Narinig ko ang boses niya kanina pero hindi ko inakalang pipigilan niya ako sa ganoong paraan! He was gripping on the glass hardly, the blood was flowing down to his arm. Kitang kita ko pa ang pagtulo ng pulang likido sa sahig. "That is not the right thing to do!" Nag-angat ako ng tingin. Kumalabog ang puso ko sa lamig at dilim ng mga mata niya. Bumitaw ako at umatras. The piece of glass that is now tainted with blood fell on the floor. "Tingnan mo kung anong nagawa mo, Audrey! Napakasalbahe mo! Katulad ka lang ng mommy mong-" "Shut up!" I spat angrily and turned to Rustov. "At ikaw? Bakit ka humarang? Hindi ko na kasalanan kung bakit ka nasugatan! That is your fault for taking that stupid girl's side! Bakit mo 'yang pinagtatanggol? Kaibigan mo? Girlfriend? Palibhasa, pareho kayong basura!" "Tara na, Drey," si Janice na sinubukan akong hilahin pero hindi ako nagpaawat. "Don't worry about my Mom, Hanna. Cheap ang daddy mo kaya pagsasawaan rin niya 'yon. But who knows makahanap ng bagong kabit ang daddy mo? Nagawa niya ngayon kaya mauulit at mauulit din 'yan." "You b***h!" Bago pa man ako atakehin ni Hanna ay isang hawak lang ni Rustov sa aking palapulsuhan ay nahila na niya ako palabas doon. Mistulang bakal ang hawak niya habang ako ay nanghihina at naiiyak dahil sa galit. Hinatid niya ako sa clinic. Sandaling kinausap ang nurse bago ako nilapitan. "Bakit dito mo ako dinala?" I spat. "May sugat ka rin," mariin niyang sabi at binaba ang tingin sa kamay ko. Napatingin din ako roon at natantong tama nga siya. Pero hindi ko naman iyon naramdaman kanina! "Hindi mo iyon dapat ginawa," he said coldly. Malamig ko siyang tiningnan. "Ano ba ang pakialam mo sa buhay ko? Wala kang pakialam sa gagawin ko! You didn't even know what she did to me! Kumakain ako ng maayos ay bigla niya akong nilapitan para sabuyan ng juice! You think that's reasonable?" Hindi ko alam kung bakit nagpapaliwanag ako sa kanya pero sa sobrang galit ko ay hindi na ako makapag-isip ng matino. I was even so sure that I'll receive a suspension or something! "Resorting to violence is also not reasonable." "Huwag mo akong pagsabihan dahil hindi naman kita kaano-ano! I don't care what you f*****g say!" Umigting ang bagang niya. Kinausap saglit ang nurse at lumabas na. The blood from his wound was still dripping. Saan siya pupunta? Ginamot ako ng nurse. Sa ilang minuto kong pagtatagal doon ay narealize ko kung gaano kasama ang nagawa ko. I hit a person using a sharp glass! Natanto ko ring masyadong masakit ang mga salitang binitawan ko. I was sure Mommy's attention will be called by the principal because of this. "Magbihis ka muna. Kinausap ni Kuya Rustov ang principal," si Janice at nilapag ang PE uniform ko. "Anong sabi? Ipapatawag ba si Mommy? Ipapasuspend pa ako?" "Ang sabi raw ng principal, magpahinga ka muna rito sa clinic bago umuwi." "What?" Nagulat ako. Iyon lang? "Siguro sinabi ni Kuya na hindi naman talaga ikaw ang nagpasimuno noon. Sinabuyan ka ng juice ni Hanna kaya nagalit ka." "And what about his wound?" "Baka hindi na niya nabanggit? O baka sinabi niyang hindi mo sinadya." Napayuko ako at napapikit ng mariin. I was worried I'll be reprimanded or worst, face some legal actions because I know what I did was really below the belt. I got too emotional and I was very impulsive. Tama lang ang suspension kung sakali. But what the hell did he do? I should deserve something at least!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD