Chapter 3

1627 Words
"Wala pa ang driver niyo?" tanong ni Janice. Nasa harap kami ng gate at kararating lang ng sundo niya. She was looking at me worriedly. Alam kong ayaw niyang siya ang maunang umalis lalo na at may nangyari. She knows me too well I always have a hard time deceiving her. Alam na alam kasi niya ang ginagawa ko. "Mauna ka na." Her eyes narrowed. "Are you sure? Hihintayin ko na lang na dumating ang sundo mo." "Hindi na. Medyo matatagalan daw si Kuya Edu dahil nagpalit pa ng gulong. Baka mapagalitan ka kapag masyado kang nagtagal." "Fine. Basta uuwi ka, ha?" Tumango ako. Ang totoo, sinadya kong itext si Kuya Edu na huwag akong sunduin. Ayaw kong umuwi dahil maaalala ko lang ang mga ginagawa ni Mommy. I am out of her filthy doings, ngunit bakit pati ako nadadamay? Naiinis ako at gusto siyang pagsalitaan ng masama. If only not because of her, I wouldn't have to deal with these shits. Tiningnan ko ang kamay na may bandage. I got it bad this time, huh? Suminghap ako at pinasadahan ng mga daliri ang buhok na hanggang balikat. It was long a year ago. Marami nga ang pumupuri roon dahil natural na tuwid at makintab. But it was one of the traits I inherited from my Mom. Kaya imbes na hayaan iyong mahaba, pinutol ko. Ayokong maging katulad niya sa kahit anong aspeto. "Audrey!" Nilingon ko ang papalapit. It was Byron, the boy Hanna referred as his boyfriend earlier. Hindi ko alam kung paano ako nasabit sa relasyon nilang dalawa. I don't date. At lalong hindi ko trip ang mang-agaw ng boyfriend ng iba. Wala akong panahon doon. "Nabalitaan ko ang nangyari. Okay ka lang ba?" tanong niya. "Tingin ko, mas dapat na tanungin mo ang ex mo niyan. I'm fine. Baka siya hindi." "I'm really sorry about her. Uh, coffee muna tayo bago umuwi?" "I don't drink coffee. Mauna na ako," sabi ko at tumalikod na. My idea of romantic love was tainted with different judgements at a young age. Kaya sa rami ng sumubok manligaw, ni isa, hindi ko pinaunlakan. Kumalat ang usap-usapan na lahat ay basted sa akin kaya minsan na lang may naglalakas loob. Kung mayroon man, gusto akong gawing trophy na ipagyayabang. I want to prove to myself and to everyone that unlike my mother, I can live without a man. Wala silang puwang sa buhay ko. Kahit kailan, hindi ko gagayahin si Mommy. Naglakad ako sa gilid ng tahimik na kalsada. Inaya ako ng isang tricycle driver na sumakay pero tinanggihan ko. I just walked until I reached Enzo's bistro. Malapit lang iyon sa eskwelahan kaya nilakad ko na lang. Matalik na kaibigan ni Enzo si Ate, at minsan na naging manliligaw. Madalas siya sa mansiyon noon kaya madalas ay nagkakausap kami. He was then the brother figure to me. Mas matanda kasi siya ng tatlong taon kay Ate, which makes him seven years older than me. Despite the age gap, close kami sa isa't isa. "Audrey!" Ngumiti si Enzo. "Dito ka..." He pointed the table. "Anong nangyari riyan?" sabay baba ng tingin sa kamay ko. "Nakipag-away ka na naman, ano?" Umirap ako. "Will you please just give a drink?" Lumapit pa siya ng konti at pinitik ang noo ko. Umiling ako at umirap ulit. "Di ba sinabi kong huwag kang makipag-away? Isusumbong kita sa ate mo. Hindi ka dapat nasasali sa gulo. Magtino ka nga." "Oh please, hindi ako ang nagsimula ng gulo. That b***h provoked me. Sino ba ang uupo na lang matapos sabuyan ng juice? You think I'd let that pass?" Ngumuso siya at sandaling bumaba ang tingin sa suot ko. "Kaya pala naka-PE ka ngayon. Bakit ka naman niya sinabuyan ng juice?" "Mommy is having an affair with her dad. And she's accusing me of stealing her boyfriend too. Hindi ako nakapagpigil kaya nangyari ang mga nangyari." "May sanction ka?" "Wala." Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa roon gayong alam kong mas malala pa ang nagawa ko ngayon. If Rustov covered me up, I don't think I need to thank him. Hindi ko gusto ang tulong niya. I'm fine with a sanction instead of accepting his help. "Hay, nakakastress ang buhay mo, Audrey. Ikukuha kita ng pagkain. Diyan ka muna." Narinig ako ng palakpakan. Luminga ako sa paligid at natanto kung bakit pumapalakpak ang mga naroon sa bistro. On his knees, a man just proposed to his girlfriend. Gulat na gulat ang babae at maluha-luha pa. I watched them intently as the man pushed the ring to the girl's finger. Naghiyawan ang marami, samantalang ako ay madilim ang tingin sa dalawa. They had the nerve to show their love in public when I'm sure it won't last at all. According to Dad, maganda ang istorya nila ni Mommy. Mom was a model daughter back then. Mula siya sa angkan ng mga negosyante, habang si Dad naman ay sa mga politiko. Mom was strict and studious, she didn't entertain suitors. Isa si Dad sa masugid na manliligaw nito at kalaunan, naging sila nga. They were very happy, they said. But what happened? Sa huli, naghanap din si Mommy ng iba kahit pa noong naroon pa si Daddy. She cheated on her husband and on her family. Romantic love isn't real. It's only pure sentiment, na kalaunan ay nawawala rin sa pagdaan ng panahon. So what's the use of exerting time on something that will eventually fade? Magsasayang ka lang ng oras. "Congrats sa inyo!" Congrats, my ass. I doubt if they would even make it to ten years. Pinaglandas ko ang daliri sa lamesa habang naghihintay. Humupa na ang ingay ng umalis ang magkasintahan. Nag-angat lang ako nang tingin nang palapit na si Enzo dala ang isang tray. He stopped midway, though. Napatingin siya sa bandang likuran. Napatingin din ako roon at nakita ang pamilyar na grupo. "Bon, Rustov!" Now he is not with those rich boys I know. Siguro kasama lang niya iyon tuwing may practice game o ano. But his buddies are really these people... mahihirap din. Kilala ko ang mga mukha nito. Ang mga matatalino sa batch nila. They were also part of the student government back in their senior high days. Sa iisang paaralan lang kami pumapasok. Sa Vida Riqueza College, ang tanging eskwelahan para sa high school at college sa sentro. Kaya kahit hindi magkabatch, nakikita ko pa rin sila dahil malapit lang ang senior high building sa college. Ate Diana was on his batch years ago. "Buti naman nakadalaw kayo!" si Enzo. Saglit kaming nagkatinginan ni Rustov. The intensity of his eyes made me look away. Binalik ko ang tingin kay Enzo. He was then putting the food and drinks on my table. "Negroni ang akin, hindi pineapple juice," sabi ko kay Enzo. "That's too strong for you, Drey." "What? Cocktail lang iyon!" "Alam mo bang bawal ka pang umorder ng liquors dito? You're still a minor." "Oh, cut the crap. I will be eighteen by the end of the year. Sixteen pa lang ako, mas malala na riyan ang nainom ko. Don't baby me, Enzo. Hindi na ako bata." Bumuntong hininga siya. He glanced at the back and pointed the table next to mine. Kalaunan, lumapit doon ang grupo ni Rustov. Namumukhaan ko ang mga kasama niya, but I don't really know about their names. Muntik pang mahulog ng isang lalaki ang glasses niya nang tingnan ko. I craned my neck a bit and looked at Enzo lazily. "What now, Enzo? Bring me my Negroni. Or what about I try another one? Do you have Death in the Afternoon here? Aunt Roberta?" Nasapo ni Enzo ang noo. "Wala ka bang naisip na hindi masyadong matapang, Audrey? Iyang pineapple juice na lang ang inumin mo!" "Okay," I said and stood up. "Sa iba na lang ako, tutal hindi mo naman mabibigay ang gusto ko." "Audrey!" I turned. "What?" Hindi ko inalintana kung pinagtitinginan na ako rito. Everyone here knows who I am, anyway. I don't adjust for other people's sake. Kung mayroon mang dapat mag-adjust ay sila iyon. Halos umusok na ang ilong ni Enzo. "Fine, umupo ka! Ikukuha kita ng Negroni!" Ayan naman pala, e. Pinapatagal pa talaga. I smirked and sat back. Kinawayan ko ang isang waiter at pinakuha ang pineapple juice na nasa mesa. I hate pineapple drinks. Bukod sa iyon ang flavor na paborito ni Mommy ay ayaw ko lang talaga sa lasa. I was sixteen when I started drinking. Pinili ko talaga iyong malakas na inumin dahil gusto kong makalimot tuwing nagdadala ng lalaki si Mommy sa mansiyon o kapag inaaway ako ng anak ng kinakabitan niya. I was furious and at the same time, pitied myself. Kung noon, naroon pa si Ate para i-comfort ako, ngayon ay wala na. I'm all alone at that big house. "Heto," sabay lapag ni Enzo sa cocktail. "Pagkatapos niyan, uuwi ka na." Naabutan ko ang madilim na tingin ni Rustov sa cocktail. Nasa kabilang table lang sila at magkasalungat ang inuupuan namin kaya kitang kita ko siya. His friends were talking about something, but his attention was on me, on my drink particularly. Lumamig ang sikmura ko sa dilim ng tingin niya roon. Tila ba nanliliit. My eyes went down on his left hand. May bandage na rin iyon. Kailan ba siya pumunta sa clinic? I stayed there for about thirty minutes, pero hindi ko naman siya nakitang bumalik. Or maybe he treated it himself? O baka naman may ibang gumawa noon para sa kanya? I washed my thoughts away through sipping on my Negroni. Napapikit ako nang dumaan ang pait sa aking lalamunan. Pagkadilat ko, ang madilim na mga mata ni Rustov ang sumalubong sa akin. Hindi na siya nakatingin sa inumin, kundi sa akin na mismo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD