Chapter 4

1894 Words
I swallowed hard and was about to look away when I noticed something. Lumagpas ang tingin ko kay Rustov, sa labas na kitang kita ko. The wall was made of transparent glass, I clearly saw the man beside a black car who just kissed the girl with him! Nanginig ang kamay ko sa galit dahilan ng pagkatapon ng cocktail. Umalingawngaw sa buong bistro ang pagkabasag ng baso. Pero hindi ko iyon inalintana at agad na tumayo. I made my way out and ran towards my sister's husband. Nagulat si Klyde nang tumigil ko sa harap niya. Driven by anger, I punched his face so hard his nose bled after. Napasigaw ang babae niya sa ginawa ko. "What the f**k?!" "The f**k, huh? Ang lakas din ng loob mong lokohin ang kapatid ko! What? Your libido can't be sated by one woman? Dapat talaga maraming iba? And you! Don't you know that this man is married? Tapos pumatol ka pa?" "Stop it, Audrey!" sigaw ni Klyde, sapo ang dumudugong ilong. "Don't you dare tell me to stop! Wala kang karapatan! My sister gave up her dreams just to be with you! And yet you're here, kissing a woman with rainbow colored face!" I swallowed the flaming bile in my throat. Sa nanginginig na kamay ay galit kong sinampal ang babae. "That's what you get, you crude woman! Mas masahol pa diyan ang bagay sa'yo! Are you that thirsty you settled for a married man?" "Stop it, Audrey!" malakas na sigaw ni Klyde at marahas ni hinawakan ang braso ko. "Wala kang alam sa nangyayari sa amin ng kapatid mo kaya huwag kang makialam!" "Bitawan mo ako!" I spat angrily. "Sugod ka ng sugod, wala ka namang alam!" "I have the rights! Kapatid ko ang niloloko mo!" Humigpit ang hawak niya sa braso ko kaya pumiglas ako. His bloodshot eyes told me he's not taking this lightly. "Let me go, jerk! Though before he could let me go, a sudden force pushed him away. Panibagong kamay ang humawak sa braso ko. The hand went down to my wrist like a warm steel. Hinila niya ako paatras sa kanyang likuran, siguro para protektahan ako kung sakaling maging bayolente si Klyde. "Ang lakas naman ng loob mo, Klyde," galit na sinabi ni Enzo na nasa labas na rin. "Ginago mo si Diana tapos nagpakita ka pa rito?" Kinuwelyuhan niya si Klyde. Napasigaw iyong babae. Lalapitan ko na sana siya para kaladkarin pero pinigilan ako ni Rustov. His hand on my wrist tightened like he knew what I was thinking.  "Bitawan mo ako," I demanded. "Nakipag-away ka na kanina. Makikipag-away ka pa ngayon? Is that your hobby, huh?" "Wala kang pakialam!" Sa matigas niyang paghawak ay wala akong nagawa nang hatakin niya ako palayo roon. Tumigil kami sa harap ng mga nakaparadang kotse at doon pa lang niya ako binitawan. Hindi ko na tanaw sina Klyde mula roon. "You shouldn't be very impulsive," matigas niyang sinabi. "I don't need your opinion about my actions. Gagawin ko kung anong gusto ko!" "At saan ka pupulutin ng pagmamatigas mo? He was on the verge of hitting you!" "Sana hinayaan mo na lang, kung ganoon. You think I'm too weak and I couldn't take it? Then you're wrong! Kaya ko ang sarili ko!" "Really, huh?" hamon niya, may panliliit sa paraan ng pagtingin sa'kin. "Bakit ka ba nakikialam? Hindi dahil pinsan ka ng kaibigan ko ay puwede mo na rin akong pagsabihan! You're not my brother, Rustov!" Pumikit siya ng mariin at nagtangis ang bagang. He sighed deeply after a short while and looked at me darkly. "Malapit ng gumabi, umuwi ka na." Umirap ako at tinalikuran siya. I don't know what's his stand on this, pero masyado ng puno ang utak ko para isipin pa. I stayed late on Enzo's bistro that night. Dahil ayaw kong umuwi ay pinilit ako ni Enzo at siya na mismo ang naghatid sa akin. Medyo naparami rin ako ng nainom kaya wala sa katinuan. Pinlano kong tawagan si Ate nang gabing iyon, pero kalaunan ay pinigilan ko ang sarili. I can't afford breaking my sister's heart at the middle of a cold night. Iniyak ko na lang at hinagpis at galit. I am right all along. You won't gain anything from romantic love but pain. Dahil hindi naman iyon totoo. People just tend to believe about it because it's the ideal. Palaging may nanloloko, palaging may naloloko. Palaging may nasasaktan. And I will never consider the latter part for myself. "Kumain ka muna, Audrey," si Ate Delia. "Sa school na lang po," sabi ko at wala sa sariling lumabas na ng mansiyon. My head was aching so bad. Hindi lang kasi cocktail ang ininom ko kagabi. Buti na lang at napigilan pa ako ni Enzo dahil baka kinailangan pa niya akong patulugin doon sa bistro. Kung nagkataon ay hindi ako makakapasok ngayon. May presentation pa naman kami. "Naku, Ma'am!" bulalas ni Kuya Edu. "What?" I asked, bahagyang hinihilot ang sentido. "Na-flat po tayo!" "f**k!" bulalas ko at napaahon. Binaba ko ang bintana at tumingin sa labas. Medyo malayo pa ang eskwelahan kung lalakarin! Late akong nagising kaya kung matatagalan pa kami rito ay hindi na ako aabot sa first subject. Major iyon at may group presentation pa kami. I can't miss that! "Sana sinuri niyo kanina, Kuya! Wala tayong aasahang iba! Mali-late ako nito!" "Pasensya na po, Ma'am. Titingnan ko muna kung maaayos ko. Kapag hindi, hahanapan ko ng paraan." God! May iba pa kaming sasakyan pero dalawa lang ang driver namin. Kay Mommy at sa akin. Sino ang maghahatid ng ibang sasakyan dito? Kung bakit ba kasi hindi nagdala ng extrang gulong si Kuya Edu, e! "Bilis, Kuya!" And my head is damn aching! Pati ba ang ulo ko sasabay sa sitwasyon? Padabog akong lumabas at isinukbit ang bag sa balikat. Medyo basa pa ang buhok ko at hindi ko man lang iyon nasuklay kanina dahil sa pagmamadali. I don't care about how I look, anyway. All I need to do is attend classes. "Kuya, hindi pa ba 'yan maaayos?" "Susubukan ko po, Ma'am!" Tumingin ako relos. 7:14 AM na at 7:30 ang unang klase ko! Bumuntong hininga ako at sumandal sa SUV. Malayo pa talaga ang eskwelahan mula rito. Kung lalakarin ko ay hindi na ako aabot sa first subject. Wala akong ibang masasakyan! Bubulyawan ko na sana ulit si Kuya Edu nang may marinig akong kakaibang ingay. I turned and saw an old big bike coming. Pamilyar iyon. Kalaunan nang lalong lumapit, natanto ko kung bakit. Kay Rustov iyon! Nawala ang antok at hangover ko nang tumigil ang motor sa harap ko. Rustov took off his black helmet, looking so fresh on his uniform. He looked at me, only for a brief moment and drifted his eyes to Kuya Edu. "Na-flat, Kuya Edu?" "Oo, Rustov. Namomroblema ng ako rito, e." "Sana kasi tiningnan mo muna kanina, Kuya. Para nakagamit tayo ng ibang sasakyan!" "Pasensya na talaga, Ma'am. Sa susunod po." Inabot sa akin ni Rustov ang helmet niya na ikinagulat ko. I raised a brow at him. "Ano 'yan?" sarkastiko kong tanong. "Helmet," he said the word seriously, his lips didn't even curve a bit when it moved. "Alam ko. Anong gagawin ko riyan?" "Isuot mo. Isasabay na kita." Umawang ang bibig ko ng kaunti. My eyes went down on his old, dirty bike. Hindi naman gaanong marumi pero may bahid ng putik sa ibaba at halata talagang luma na. "Seryoso ka? Diyan?" He sighed deeply and turned his engine on. "I get it. Ayaw mo sa marumi at luma. But I'm only giving you a better choice, Audrey. Pero kung ayaw mo sa tulong, it's okay. Akin na ang helmet ko." I can't believe him! Hindi man lang nag-insist! Iyan ba talaga ang gustong tumulong? "My helmet," he demanded impatiently. "Wait!" taranta kong sabi. Ten minutes na lang bago mag 7:30. Wala na akong oras! He craned his neck and watched me darkly. Kumalabog ang puso ko, hindi ko alam kung saan mas kinakabahan. Sa pagka-late o sa madilim na titig niya. "Sasabay na ako!" "Okay." He pursed his lips a little more. "But... is that even reliable? Baka madisgrasya ako niyan?" "Okay pa iyan, Ma'am!" sabat ni Kuya Edu. "Wear the helmet," utos ni Rustov. Nakasimangot kong sinuot ang helmet. I glanced at my pencil skirt and then to the big bike. Paano ako uupo sa ganoon? "You sit sidewards." Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga. "Come here now, Audrey. Mali-late tayo pareho kung magtatagal ka pa riyan." Padabog akong lumapit. Pinasadahan niya ng tingin ang skirt ko. Kumunot ang noo niya. "Your skirt is too short. Is that even allowed?" "Bakit pati uniform ko pinapakialaman mo?" He sighed and tapped his shoulder, gesturing me to hold on to it for support. Iyon nga ang ginawa ko nang inangat ang sarili. I have never ride a motorcycle, tapos ito pa ang unang experience ko! Nang makaupo na ay natanto kong ito ang unang pagkakataon na masyado kaming naging malapit. I know him for years since I'm friends with Janice since grade seven but we've never been so close. Ngayon pa lang. And... he smelled so nice! "Put your bag in your lap," he demanded again. "Okay na sa likod ang bag ko!" "Masisilipan ka kapag hindi mo iyon ginawa. Masyadong maiksi ang palda mo." Umirap ako sa kawalan. "Ano ngayon? E, di silipin nila." "Ano, Audrey?" mababa pero madiin niyang tanong. He sounded calm yet so dangerous. The engine roared loudly. Napatili ako sa gulat. "What the f**k, Rustov!" "Sundin mo ang utos ko." God! Hindi ba kami matatapos dito? Late na ako! Why can't he mind his own business? "Fine! Heto na!" I said irritably. Kumalma na siya roon. "Now, hold on to me." "Okay!" Humawak ako sa mga balikat niya. "On my waist." What? Dapat ganoon kaclose? But then... I looked around. First time ko ito at nakakatakot. Baka tumalsik ako kapag hindi kumapit ng maayos. Okay sana kung iyong mga branded na motor, pero itong gurang pa! Saan ba niya ito nabili? Sa panahon ng mga dinosaurs? "Fine! Fine!" I cursed softly. Nilagay ko ang strap sa mga balikat para hindi mahulog ang bag ko. Then after, I put my arms around his waist unwillingly. Lalong sumiksik sa ilong ko ang amoy niya. And he really smells good. Manly but not too strong. I tensed when the engine roared. Humigpit pa ang kapit ko sa kanya nang umandar na ang motor. His body was like a hot steel, hard but warm. Ganoon ba ang katawan ng lahat ng lalaki? But he has the built and good physique. Maybe it doesn't apply to all? Nang tumigil kami sa harap ng eskwelahan ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. I was unmoving for the first seconds. Natauhan lang nang maalala ang klase at mabilis na bumaba sa motor. "Your speed was too fast, Rustov!" asik ko sabay tanggal ng helmet. "You'd be late if I didn't do that. Besides, I had it under control." Saglit kong inayos ang buhok dahil kung kanina, magulo iyon, ngayon ay mas magulo na. Para na akong ginahasa! "Drink some warm drink later. Mukha kang walang tulog," he said and grabbed his helmet. Pinaandar niya ulit ang motor, para siguro iparada ng maayos. Hindi ko na siya inantay pa at nagmadaling pumasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD