Chapter 5

3196 Words
"May nang-away daw sa'yo noong nakaraan? Sino at ipapakick out ko sa school mo." Kapag umaabot kay Mommy ang tungkol sa mga gulong sangkot ako sa eskwelahan ay ganoon lagi ang sinasabi niya. Kahit pa marami siyang pinagkakaabalahang iba ay inaalam pa rin naman niya ang nangyayari sa buhay ko kahit paano. I will always get what I want if I'd only tell her. Pero hindi kagaya noon, hindi na ako nanghihingi ng kung anu-ano. And I don't tell her to manipulate anything for my sake. Hindi na lang ako sumasagot at pinapalipas ang galit. Kahit pa sabihin kong ipakick out niya iyon, ano naman ang magagawa niya? That girl is her lover's daughter. Duda ako kung kaya nga niya iyong gawin. Besides, that wasn't the first incident. Sanay na ako. Mommy asked more about it. But with my vague response, kalaunan ay tumigil din siya. "Ate, nakita mo ba iyong panyo kong kulay pink na may burda ng pangalan ko sa upper part?" tanong ko kay Ate Delia. "Iyon bang paborito mo? Nalabhan ko na lahat ng panyo mo. Nagtaka nga ako nang hindi ko nakita, e." Bumalik ako sa kuwarto at hinanap ang panyo sa paligid. I still remembered bringing it yesterday! Naiwan ko ba sa school? That was the last gift Daddy gave to me. Hindi lang iyon basta panyo para sa akin. May sentimental value 'yon. I can't lose that! I called Janice to ask if she saw it yesterday. Sabado pa naman ngayon at walang pasok. Kung naiwan sa room ay posible ko pa iyong makita. Pero ang dami kong pinuntahan kahapon! We were in the com lab, cafeteria, gym, at nagpunta pa ako sa library! Kung nagkataon na nahulog 'yon sa daan o sa field ay baka hindi ko na makita. Hindi naalala ni Janice kung saan ko nawala ang panyo. Hindi ako mapakali dahil talagang importante iyon sa akin kaya kalaunan, nagdesisyon akong pumunta sa eskwelahan. Iilang estudyanteng naka-civillian ang naabutan kong pumapasok sa gate. Siguro mga college students o iyong may practice sa dance group at may practice game sa sports. "Mga college lang po ang pinapayagang makapasok ngayon, Miss Escareal. Bilin po ng head," nag-aatubiling sabi ng guard. "May titingnan lang ako, Kuya. Hindi naman ko magtatagal. Mabilis lang ako, promise!" "Pero... hindi po talaga puwede, e. Baka ako ang mawalan ng trabaho kapag nagpapasok ako ng high school." "Kung ganoon, hindi ka natatakot sa'kin?" hindi ko na napigilang magtaray. Dapat alam niya kung sino ang mas nakakataas dito! I don't want to break the school rules but this is an urgent matter to me! Namutla ang guard dahil sa sinabi ko. "P-Pasensya na po. Tatawagan ko muna si Mrs. Jackosalem..." "Puwede mo namang hindi na tawagan, e! She knows me, at sigurado akong papayag din siya kapag nalaman ang rason ko! May naiwan lang ako sa loob, importanteng bagay. Why can't you just let me in for a while? As if naman may nanakawin ako sa loob o ano!" "Chief," mula sa aking likod. Lumingon ako. Nagtama ang paningin namin ni Rustov. His dark eyes made me still. "Sabado ngayon, Audrey. Hindi pinapapasok ang mga high school." The authority on his voice made want to step back for a moment. "I know, right! May kailangan lang akong kunin pero hindi naman ako magtatagal!" "Sa Lunes na lang iyan kung ganoon." "Kung paaabutin ko pa ng Lunes, liliit lang ang tsansa na mahanap ko 'yon!" He sighed deeply. He looked at the guard, and it was like he's imposing something to him in a silent way. Wala ni isang salita, pumasok ang guard sa loob at iniwan kaming dalawa roon sa labas ng nakasaradong gate. Saglit akong natigilan sa simpleng kilos ni Rustov. How could he make him follow that easy? And without a word! Ako nga hindi sinunod! Wala naman siyang sinabi kumpara sa akin! He's just a no one! Lalong sumama ang loob ko nang matanto kung bakit ganoon na lang siya kadaling sundin ng kahit sino. I looked at him longer. He looks really calm at a glance... though at the same time, hard. His stance, the way he moves and speak, it's magisterial. It was like he's born to impose rules, not to abide. Na kahit alam mo ang katayuan niya sa buhay ay hindi ka mag-aatubiling sundin ang utos niya. He has that air and it intimidates me. Hindi ko alam kung nakuha niya iyon sa dugo ng mga Melgarejo o talagang ganoon lang siya. "Ano ba ang kukunin mo?" he asked. Suminghap ako nang matauhan. "I-I will look for my handkerchief! Nawala ko kahapon at sigurado akong sa campus ko naiwan kaya kailangan kong mahanap ngayon dahil baka matapon ng utility!" Hindi siya kumibo at tinitigan ako ng matagal. Lalo ko siyang tiningala. I don't expect a help from him this time, pero tatanggapin ko kung sakali. I'm desperate to find that. "Iyon bang pink na may burda ng ngalan mo?" My eyes widened. "Iyon nga!" "I have it. Nakita ko sa library kahapon. Alam kong sa'yo kaya itinago ko. Plano ko sanang isoli sa Lunes." I was relieved. Halos mayakap ko na si Rustov sa saya dahil doon. For the first time in my life, I felt so relieved because of him. "Nasaan? Dala mo ba?" Umangat ang sulok ng labi niya. "Sabi ko, sa Lunes ko pinlanong isoli. I don't have it now, Audrey. Nasa bahay." "Kung ganoon, sasama ako sa'yo roon!" Hindi siya nakakibo, hindi makapaniwala sa gusto kong mangyari. "Kadadating ko lang. Mamaya pa ako uuwi," he said patiently. "But I want it back today. Anong oras ba kayo matatapos? I don't have plans for the rest of the afternoon, so I think I could wait until you're done." Now he looked problematic. "Alas kuwatro siguro o baka mas matagalan pa. Ala una pa lang ngayon." Tatlong oras. I guess it's not that long. Hindi ako mapapakali kung hindi ko iyon makukuha ngayon. Hihintayin ko na lang siyang matapos. Besides, wala naman akong ibang lakad. "Sa bistro ni Enzo ako maghihintay. Ano, deal?" His eyes grew darker. "Malayo pa ang alas kuwatro, Audrey. Isa pa, maglalasing ka lang doon sa bistro. You think that's a good hobby? You're still a minor," he said like it's a very big deal. "I will be eighteen soon." Bumuntong hininga siya. Gusto pa yatang kontrahin ako pero hindi na lang pinatulan. "Fine. Papayagan kitang hintayin ako sa bistro, pero hindi ka iinom." "What? Bakit may kondisyon?" "Huwag ka na lang maghintay kung ganoon," he said quietly, very impatient. "Sa Lunes na–" "Alright! Hindi ako iinom!" Tinantya niya ako ng tingin, nagdududa. I lifted my hand and make the promise sign. Saglit siyang tumingin sa ibaba. Nang ibalik sa akin, mas naging seryoso ang mukha. "Okay. But I won't be there at five, umuwi ka na lang. Puwede namang ipagpabukas." "No! Kailangan mo 'yong ibalik ngayon, Rustov. Be there at four or else..." Umangat ang sulok ng labi niya sa banta ko. He looked humored by it for some reason. "Alright. I'll try. Papasok na ako." Tumango ako. I waved and turned my back on him. Masaya ako na hindi pala nawala ang panyong regalo ni Daddy. I was so worried the whole morning. Kaya naman pagkadating ko sa bistro ay masigla akong humarap kay Enzo. He was talking to a man on his age when I arrived. I went on my usual spot. At siyempre, ang may-ari mismo ang lumapit sa akin. "Masigla ka ngayon, ah? May sinagot ka ng manliligaw?" I smirked sarcastically. "You think a boy could make me happy that way? Hindi, Enzo. Huwag mo akong asahan sa ganyang bagay." "So, ano? Plano mong tumandang dalaga?" Hindi ako nakasagot. "Tama na nga ang usapan tungkol diyan. Give me a mango shake and blueberry cheescakes." "Woah. Walang cocktail sa order?" mangha niyang tanong. Kapag pumupunta kasi ako rito ay palaging may alcohol drinks. "Daang matuwid muna ngayon," I joked. Nangingiti siyang umiling at nagtawag ng waiter para kunin ang order ko. I crossed my legs under the table and glanced at the table parallel to ours. Iyon ang lamesa nila Rustov noong nakaraan kong punta rito. A couple was occupying it now. Dumaan ang pait sa lalamunan ko habang tinatanaw silang puro ngiti at pa-sweet. "I bet, maghihiwalay din 'yan..." Sinundan ni Enzo ang tinitingnan ko kaya nakuha niya agad ang ibig kong sabihin. He chuckled when he looked at me again. "Alam mo, masyado ka lang bitter. Palibhasa, NBSB. Try mo kayang magboyfriend?" Ngumiwi ako. "Ikaw ang dapat magkagirlfriend. You're old." His lips parted, looking so offended. "Twenty-four lang ako, Drey! I'm not old!" Natawa ako. Kalaunan, sa gitna ng usapan ay may text akong natanggap mula kay Ate. The smile I had faded. Nakaramdam ako ng guilt sa hindi pagsasabi sa kanya ng totoo. The last time she called, which was some days ago, she told me she's pregnant with their second child and she was so happy about it. Sasabihin ko na sana ang tungkol sa nalaman ko pero pinigilan ko ang sarili dahil alam kong maselan kapag nagbubuntis. I don't want her to have a hard time during pregnancy. Ate Diana: Bakit hindi mo sinabing nakipag-away ka last week? Kung hindi ako nagtanong kay Janice tungkol sa'yo, hindi ko pa malalaman. Call me if you have time later this night. Bumuntong hininga ako at itinago ang phone sa maliit na sling bag. After glancing at Enzo who's now talking with someone at the bar counter, I sipped on my mango shake. Kung kanina ay magaan ang loob ko, ngayon ay hindi na. I pitied my sister. Si Mommy ang may maraming kasalanan, pero bakit kami ni Ate ang palaging naaapektuhan? Ate's dream was to be an architect. Ngunit dahil sa maagang pagkabuntis ay hindi na niya natuloy ang kurso. May kaya sina Klyde kaya hindi na niya naisip pang bumalik sa pag-aaral dahil ayaw daw nito na may kahati sa oras sa pamilya. Ate loves her family so much, it was okay with her. Ang sabi ko, hindi siya dapat pinapangunahan ni Klyde sa pagdedesisyon. She shouldn't let him control her. But she only told me it's okay because after all, he is her husband and she trusts his decisions. I don't agree with her on that matter, though. Hindi dahil asawa mo na siya ay desisyon na niya ang nasusunod lagi. In a relationship, it should always be balanced. Equal rights. Higit sa lahat, hindi dapat nagpapa-under ang babae sa lalaki. The woman shouldn't always depend to the man, she should have her own stand. "Hi, pretty. Waiting for someone?" A man maybe on his early twenties aggressively sat in front of me. I looked at him lazily. How come this man had the guts to sit on my table? Who is he? "Nicks! s**t!" Another man hurriedly came towards the arogant guy, panicking. Para siyang aatakehin sa nerbiyos nang tumigil sa harap ko. Hinatak niya ang kaibigan patayo. "P-Pasensya na, Audrey. Bago lang kasi itong pinsan ko rito at hindi ka pa kilala..." Tumaas ang kilay ko. "Alis." He nodded indulgently and pulled the other guy away. That's always the case. Kapag hindi nakakilala sa'kin, mabilis lang magpalipad hangin. Iyong nakakilala naman, nag-aatubiling lumapit. I have some courageous suitors, though. Iyong mga anak ng mga kilalang tao, at talagang may ibubuga. "Bakit mo ako pinigilan? Type ko 'yon!" "Escareal 'yon, ano ka ba! Anak ng may-ari ng factory na pinagtatrabahuan ko!" Pagod kong tiningnan ang malaking baso ng mango shake. Ubos na iyon pero wala pa rin maski anino ng inaantay ko. It was still three, pero sobra na akong nababagot. Ano ba kasi ang dapat niyang gawin roon at kailangan pang magtagal ng ilang oras? May practice game ba siya sa football? If that's the case, aabot pa kaya siya rito ng alas kuwatro? Pero kailangan ko iyong panyo! He should be here by four. Lagot siya sa akin kapag hindi siya dumating. I've given so much time for this tapos hindi siya sisipot? Sa pagkabagot ay nagcellphone na lang ako at tiningnan ang makalat na inbox. There were chats from some classmates about school stuffs, mayroon ding sa mga manliligaw. Hindi ko na binuksan pa at nagscroll sa newsfeed ng f*******:. I am not really into social media. I have i********: and twitter, pero 'di naman masyadong ginagamit kahit iyon ang uso ngayon. I don't have a large circle, anyway. I think I don't need too much online interaction. "Kanina ka pang ala una rito, ah? Quarter to four na, Drey. May inaantay ka, 'no?" si Enzo. Pungalumbaba ako habang nilalaro ang straw ng panibagong mango shake. "Na kay Rustov ang panyo ko, kukunin ko lang. And I'm waiting for almost three hours now." "Dahil lang sa panyo, nag-antay ka ng tatlong oras?" gulat na sabi niya. "Importante 'yon sa akin, Enzo. That was Dad's last gift to me before he died. Iyon madalas ang gamit ko." "Hay. Sana pinagbukas mo na lang." "I'm free the whole day kaya bakit ko pa ipagpapabukas?" He was about to speak again when he saw something at my back. Ngumuso siya at tumayo, walang isang salitang bumalik sa bar counter. Lumingon ako at nabuhayan ng konti nang makita ang kakapasok lang sa bistro. Binalik ko ang tingin sa mango shake at pinakiramdaman ang paglapit ni Rustov. Doon pa lang siya tiningnan nang maupo sa tapat. I suddenly got conscious after I scanned him briefly. Siya itong may ginawa pero parang ako pa yata itong mas haggard tingnan? I don't find him handsome at all. I have another definition for that word. My handsome is a man with angelic face, soft features and the mestizo type. At sigurado akong hindi siya iyon. His features killed the word angelic. All of him looks hard. Walang bahid ng lambot, kahit sa mga mata. He looks like he don't have weakness at all, na sigurado akong imposible. "Akala ko 'di ka na sisipot," sarkastiko kong sinabi. "I told you I would take long. Hindi ba?" "May practice game kayo?" "Wala. Naghanda kami para sa event para sa college students sa Lunes. So, shall we leave? Hapon na. Baka matagalan ka." Nauna siyang tumayo. Nagpaalam ako kay Enzo bago kami umalis. Nga lang, hindi ko napigilang mapairap nang matanto kung anong sasakyan namin papunta sa kanila. It's his damn big bike again! Mabuti na lang at hindi na ako nakapalda ngayon kaya hindi na masyadong mahirap. "Kung ayaw mong sumakay dito, maglakad ka na lang," supladong sabi ni Rustov nang mapansin ang maarte kong tingin sa motor. "Sinabi ko bang ayaw ko?" He smirked. "You don't have to say anything. Kitang-kita ko sa mukha mo." "Whatever. Akin na ang helmet." Sumakay na siya at sumunod na ako agad pagkatapos isuot ang helmet. I was relieved I wore jeans. Mas madali ang pag-upo ko at komportable. Kaya hindi na ako gaanong natakot. Besides, looking at him, mukhang hindi naman siya ang tipong papalpak sa kahit ano. Though that's quiet unrealistic, he really has that air like everything will be under control. That idea somehow consoled me. Nang tumigil kami sa harap ng lumang bahay na may picket fence, agad kong nalaman na iyon ang bahay nila. I know since Janice told me once about it. Nadadaanan din iyon papunta sa amin kaya madalas kong makita. The old house is all hard wood. Medyo kupas na ang pintura at pati ang sliding windows ay halatang luma na. I heard, mula pa ang bahay na ito sa mga magulang ng mama ni Rustov. Katulad ng sa amin, medyo malayo iyon sa mismong bayan ng Vida Riqueza. May mga bahay man sa paligid, hindi talaga tabi-tabi. Beyond the house, a small coconut plantation lies. Duda ko, iyon ang maliit na negosyo nila. "Dito ka na lang, kukunin ko sa loob," he said. "Am I not allowed to go inside? O baka naman hindi mo alam ang mga common etiquettes? Dapat imbitahan mo man lang ako." Nilingon niya ako, kunot ang noo. "I thought you don't like places for the poor?" he asked with obvious mockery. I get it. Maraming alam ang buong school tungkol sa akin. Isa na riyan ang pagiging matapobre ko raw na hindi ko alam kung sino ang nagpakalat. Suplada ako sa kahit sino kapag hindi ko kaclose. So maybe they assumed I'm thinking too high of myself I don't bother looking at the people lower than me. "Isa pa, bakit ka naman papasok sa bahay ng isang basura?" he asked a bit coldly. Umawang ang bibig ko. What? Hindi pa niya iyon nakalimutan? "Don't tell me you have some grudge against me because of that?" Natawa ako. "You take your sharp words so lightly as that, huh?" His expession was serious. Medyo kinabahan ako. "Galit ako no'n, Rustov. You see, I am very impulsive when I'm mad. Kung anu-ano na lang ang nasasabi at nagagawa ko. At nagkataon na humarang ka para protektahan ang babaeng 'yon. I was so mad at you then." Nagtagal ang tingin niya sa akin. Ngunit bago pa man makapagsalita ulit, isang ingay mula sa tarangkahan ay napabaling kami roon. I saw a middle-aged woman. Agad kong nakilala ang mukha nito. Graciana Montilla, his mother, minsan na itong nagtrabaho sa aming pabrika noon kaya pamilyar sa akin. Her gentle eyes darted at Rustov first, kalaunan ay napunta sa akin. "Rustov, may bisita ka pala. Bakit hindi mo pinapasok?" She looked at me more. Later on, as if realizing something, her eyes widened a fraction. "Audrey Escareal?" gulat na tanong. I smiled. "Ako nga po, Tita. Gusto ko nga pong pumasok saglit, kaso ayaw po yata ng anak–" "Ah, narito siya para kunin ang napulot kong panyo na sa kanya pala, Ma." Rustov looked at me sharply. "Pareho ba kayong galing sa paaralan?" "Hindi. Nasa senior high pa lang si Audrey." Inirapan ko si Rustov. "Kung ganoon, pasok ka muna sa loob at magmerienda. Teka, maghahanda lang ako. Rustov, papasukin mo na si Audrey." I saw how he sighed deeply after his mother turned away. He hated my presence that much, huh? Dahil ba iyon sa nasugatan ko siya at nasabihang basura? Bukod kasi doon ay wala naman akong naaalalang atraso sa kanya.  Dumaan ako sa harap niya, pero bago pa ako makalampas ay nahawakan na niya ako sa siko. He looked at me darkly. "Please don't give rude comments when you're talking in front of my mother," he warned. "Are you saying I will offend her with my words dahil wala akong pakialam sa feelings ng iba? Come on! Ganoon na lang ba kasama ang tingin mo sa akin?" Hindi siya kumibo, nanatiling nakatitig. "You think the worst of me, huh..." I smirked bitterly. "But it's okay. Wala naman akong pakialam sa iniisip mo tungkol sa akin," malamig kong sinabi sabay hawi ng kanyang kamay. And without a word, I made my own way towards their house. Naiinis ako kay Rustov. But I like the warm welcome his mother gave me. It reminded me of the feeling of the warmth from a family. Isang pakiramdam na hindi ko na halos matandaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD