Nagising ako sa tunog ng AC. Napakalamig Pero pawis ako.
Nakadagan braso ni Sebastian sa tiyan ko. Mabigat. Mainit. Amoy sandalwood pa rin ako.
Tumingin ako sa bintana. Madilim pa Pero hindi na magtatagal ay gigising na si Mama.
Tangina. Kailangan ko makaalis.
Gumalaw ako. Dahan-dahan.
"San ka pupunta?" Paos boses niya. Gising pala. Hindi man lang ako naramdaman gumalaw.
Umikot ako paharap sa kanya. Madilim, pero kita ko mata niya. Gising na gising. Gutom pa rin.
"Sebastian," bulong ko. "Kailangan ko na bumalik sa kwarto ko. Gigising na si Mama maya-maya."
Ngumisi siya. Hila niya ako pabalik. Niyakap niya ako mula sa likod. Baba niya nasa balikat ko.
"Paano kung ayaw kitang paalisin?" Hininga niya nasa tenga ko. "Paano kung gusto ko dito ka na matulog? Araw-araw. Gabi-gabi."
Kinilabutan ako. Hindi sa takot. Sa sarap.
"Sebastian, please," sabi ko. Tinutulak ko dibdib niya. Mahina. Hindi ko talaga kaya itulak. "Mahuhuli tayo. Papatayin ako ni Mama."
Tumawa siya. Tahimik lang, pero ramdam ko yung yabang sa dibdib niya.
"Mamahalin ka lang ng nanay mo, Clarisse. Ako... ako yung papatayin niya."
Tapos kinagat niya balikat ko. Hindi madiin. Yung kagat na mag-iiwan ng marka.
"Pero hindi nila tayo mahuhuli," bulong niya. "Kasi magaling ako magtago. Magaling ka rin."
Bumangon siya. Kinuha niya yung robe niya sa sahig. Sinuot niya, pero hindi tinatalian. Kita ko katawan niya. Putangina, ang ganda.
Lumapit siya sa pinto. Binuksan niya ng konti. Sumilip siya sa pasilyo.
"Wala pang tao," sabi niya. "Bilisan mo."
Dali-dali kong dinampot pantulog ko sa sahig. Puro gusto at Amoy siya. Sinuot ko. Walang bra.
Pagdaan ko sa harap niya, hinawakan niya beywang ko. Pinigilan niya ako.
Hinalikan niya ako. Mabilis. Madiin.
"Sa susunod," sabi niya habang nakadikit pa rin labi niya sa labi ko, "hindi lang gabi. Gusto ko pati umaga. Gusto ko ikaw kasabay ko magkape. Dito Sa kama ko. Hubad."
Namula ako. Tinulak ko siya.
"Baliw," sabi ko.
Ngumiti lang siya. Yung ngiti ng demonyo.
Tumakbo ako palabas. Nakayapak. Hawak ko tsinelas ko.
Pagdating ko sa kwarto ko, ni-lock ko pinto. Sumandal ako dun. Hingal na hingal.
Tumingin ako sa salamin.
Gulo buhok ko. Mapula labi ko. May kiss mark ako sa leeg. Sa balikat. Sa dibdib.
At nakangiti ako.
Tangina ko.
Nagbihis ako. Nagsuot ako ng turtleneck. Tagong lahat ng ebidensya.
"Clarisse! Anak, gising na! Almusal!"
Sumagot ako. Normal na boses. "Babangon na po, Ma!"
Tapos tiningnan ko ulit sarili ko sa salamin.
19 years old. Walang boyfriend. Honor student.
At kabit ng asawa ng nanay ko.
Ngumiti ulit ako.
Wala nang atrasan.
Bago ang lahat ng kasalanang nagaganap sa loob ng madilim na silid na iyon, mayroong simula na puno ng pagpapanggap.
Siyam na buwan na ang nakalilipas nang unang ipakilala ni Helen ang lalaking magbabago sa takbo ng buhay ni Clarisse. Si Clarisse ay isang 19-year-old college student na mas nakatuon ang atensyon sa pag-aaral kaysa sa pakikipag-date; sa katunayan, wala siyang boyfriend at tila walang interes sa mga lalaking kasing-edad niya.
Ang kaniyang ina ay isang masipag na career woman na may matatag na trabaho, habang si Sebastian naman ay isang bilyonaryong negosyante na kilala sa pagiging mailap at istrikto. Pareho silang biyuda at biyudo, kaya naman nang magtagpo ang kanilang mga landas, mabilis silang nagpasyang pagsamahin ang kanilang mga buhay sa ilalim ng iisang bubong.
Noong una, tila normal ang lahat. Ngunit habang tumatagal, nagsimulang makaramdam si Clarisse ng kakaibang tensyon sa loob ng mansyon.
Dahil sa nipis ng mga pader sa pasilyo ng kanilang mga silid, madalas niyang naririnig ang malalakas at mapupusok na ungol nina Helen at Sebastian tuwing gabi. Imbes na pandirihan, isang hindi maipaliwanag na kuryosidad ang unti-unting gumagapang sa sistema ng dalaga.
Isang gabi, dahil sa hindi makayanan ang Curiosity, sumilip si Clarisse sa bahagyang nakabukas na pinto ng master bedroom. Doon niya nakita ang bagsik at pagnanasa ni Sebastian hindi bilang isang amain, kundi bilang isang lalaking hayok sa laman. Ngunit ang hindi alam ni Clarisse, sa mismong sandaling nakasilip siya, ay nakita rin siya ni Sebastian sa repleksyon ng salamin.
Doon nagsimulang mabuo ang obsesyon ni Sebastian. Alam niyang mali, alam niyang bawal, pero ang inosenteng titig ng kaniyang stepdaughter ang naging mitsa ng apoy na ngayon ay tuluyan nang lumamon sa kanilang dalawa.