9- Banta

1738 Words

"I said, get out." Mangiyak-ngiyak kong dinampot ang damit ko sa sahig saka iyon isinuot. Tiningnan ko pa muna si Hiro na madilim ang mukhang nakayuko sa sahig. Masakit, na sa kagustuhan kong maalala niya ako ay nagalit ko tuloy siya. Ano'ng meron sa nakaraan? Bakit ayaw niyang maalala? O baka naiinis lang siya dahil hindi niya maalala? Mapait akong ngumiti. "Salamat sa gabing 'to, Hiro. Masaya pa rin ako na makita ka ulit. Kahit na... P-pinagtabuyan mo ako." Pigil ang sarili ko na bumagsak ang luha. Nagmadali kong pinihit ang busol saka binuksan ang pinto. Palabas pa lang ako ng condo niya ay kung anu-ano na agad ang mga katanungang naiisip ko. Saan ako ngayon pupunta? Saan ako matutulog? Uuwi ba ako? Pero malalim na ang gabi. May masasakyan pa kaya ako? Paano kung mapahamak ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD