"Hi!" Napakapit ako sa laylayan ng damit ko matapos makita ang gwapong mukha ni Hiro na nakadungaw sa bintana ng kaniyang puting sports car. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko ngayong nandito na siya. Nakasuot siya ng puting pulo and he looks fresh kahit pa kagagaling niya lang sa party nila. Kung gano'n, iniwan niya ang mga kaibigan niya para sunduin ako? Gusto kong magtatalon. Kinikilig ako. "Suzette Schneider?" "Ah. Y-yeah. H-hi!" "Get in." Mula sa loob ay binuksan niya ang pinto ng passenger's seat. Kaagad naman akong sumakay. Nasamyo ko kaagad ang mamahaling pabango na ginamit niya na lalong nagpakabog sa dibdib ko. Is this really happening? Kasama ko talaga ngayon si Hiro? Gusto kong tumili sa sobrang kilig. "Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" "Hindi," pagsi

