7- this is it

1793 Words

"Hoy! Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap, ah?" salubong ni Siti sa akin nang makita niya akong pabalik sa pwesto namin. Kagat-kagat ko pa ang labi ko dahil hanggang sa mga oras na iyon, parang nararamdaman ko pa rin ang halik ni Hiro. Ibang klase siya kapag lasing. Kung sinu-sinong babae pala ang hinahalikan niya. Pero hindi ako nagsisisi na siya ang unang nakahalik sa akin. Kinikilig pa nga ako, eh. Hanggang sa paghiga namin ni Siti sa kama niya ay baon namin ang enjoyment mula sa party ng TABS. Pareho kaming nakangiting pumipikit. *** KINABUKASAN, urong-sulong ang mga paa ko nang nasa mismong harapan na ako ng pinto ng condo unit ni Tito Nick. Natatakot akong pumasok. Ok lang sana kahit na mapagalitan ako o masampal ni mommy. Basta hindi lang si Tito Nick ang maabutan ko sa loo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD