Tahimik akong humarap sa mesa. Ito ang unang araw ng pagbabalik-eskwela. Saktong day-off ni mommy at walang lakad si Tito Nick kaya sabay-sabay kami ngayon sa hapagkainan.
Engineer pala itong stepfather ko. Magiging stepfather ko na talaga siya kasi nag-propose na pala siya kay mommy bago pa man kami lumipat dito. Kapag natuloy raw ang divorce nina daddy at mommy, magpapakasal na sila ni Tito Nick at ako ang pinakamalas na tao sa buong mundo kapag nangyari iyon!
Dating nakadestino sa ibang bansa si Tito Nick pero ngayon ay dito na siya magtatrabaho sa Pilipinas at dito na rin mamamalagi para raw magkasama na sila ni mommy at mabigyan daw niya ako ng buong pamilya. Nek-nek nila! Mas gugustuhin ko pang mamuhay nang mag-isa!
"Kain ka, Suze."
Pailalim akong tumingin kay Tito Nick nang lagyan niya ng ham ang plato ko. Dinagdagan din niya ang kanin ko.
"Tama na. Wala akong gana."
Ibinalik ko ang inilagay niyang ulam at kanin.
"Kailangan mong kumain nang marami, Suze. Baka mangangayayat ka. Ayokong isipin ng dad mo na pinapabayaan ko kayo."
Nagtagis ang bagang ko.
"Eh, di si mommy ang patabain mo!"
"Suze!" sigaw ni mommy.
Sinulyapan ko lang ito na nanlilisik na agad ang mga mata sa akin.
"Here. Uminom ka na lang ng tubig. Mukhang masama ang gising mo." Sinalinan ng tubig ni Tito Nick ang baso ko pero sa inis ko ay tinabig ko iyon kaya natapon sa kaniya.
Natigilan siya at bakas sa mukha ang galit na pilit pinipigilan. Bigla namang tumayo si mommy at hindi ko inaasahang sasabuyan ako nito ng tubig sa mukha.
"Wala ka na talagang galang!"
Nanginginig akong napakuyom. Gusto ko nang maiyak sa inis.
"Para sa kaalaman mo, si Tito Nick mo ang nagpapaaral sa iyo ngayon! Kaya igalang mo siya!"
Paano ko ba igagalang ang isang manyakis na kagaya niya?!
"Alam mo bang kung anu-ano na lang ang binibili niya para sa iyo? Kapakanan mo ang lagi niyang iniisip, Suze! Hindi katulad ng walang kwenta mong ama na wala nang paramdam! Hindi ko nga alam kung buhay pa ba iyon o hindi na, eh!"
Lalong nagtatagis ang bagang ko.
"Kumuha pa si Nick ng driver para sunduin ka sa school kapag pareho kaming abala sa trabaho tapos ganyan mo siya tratuhin?"
"Sino bang may sabi na ikuha niya ako ng driver?! Kaya ko namang mag-commute!"
"It's for your safety!"
"Safety? Eh, dito pa nga lang sa loob ay hindi na ako safe!"
"Talk back again at sisiguraduhin kong tatabingi na 'yang mukha mo sa akin!"
Tuluyan na akong humikbi at padarag na tumayo. Pagkatapos kong damputin ang nakahanda kong bag sa sofa ay nagmadali na akong lumabas. Naririnig ko pa ang pagtawag ni mommy pero hindi ko ito pinansin.
Kaagad ko namang pinunasan ang mga luha ko pagkarating sa hallway.
'It's fine, Suze. Tiisin mo na lang. Hindi mo rin masisisi ang mommy kung bakit siya nagkakaganiyan.'
Alam kong dumaan sa depression si mommy. Noong nasa Cebu pa kami ay halos mabaliw siya. Lagi siyang tulala at hindi gaanong nakakausap nina lolo't Lola. Kapag nilapitan ko naman ay kinukurot ako sa hindi malaman na dahilan. Siguro nga ay nakahanap si mommy ng kakampi sa katauhan ni Tito Nick. Malas lang dahil ang lalaking iyon ay may itinatago palang kademonyohan! Sana makita iyon ni mommy. Masyado siyang nabulag sa pekeng kabaitan na ipinapakita nito sa kaniya.
"Kumusta?" salubong kaagad ni Siti sa akin suot ang matingkad na ngiti.
Napangiti na rin ako.
"Gabi-gabi kong katabi ang mukha ni Hiro."
Nanlaki ang mga mata niya sabay takip sa bibig niyang napanganga.
"Oh my G! So, in-imagine mo siya?"
"Gaga! Tinitingnan ko lang siya bago matulog. Hindi ko siya in-imagine pero iniisip ko siya lagi para mapanaginipan ko siya. Ahehe!"
"Ibang klase! Haha! Ma-try ko nga rin 'yan mamayang gabi."
Nang dumating ang mga tropa niya ay nagpaalam na siya sa akin. Dumating na rin sina Dim at ang dalawa ko pang friends na sina Letticia at Lelanie.
"Suze!" Hinila agad ako ni Dim palayo sa nakararami. "Saan ka galing kagabi? Nagpunta sina Tita Sylvia sa bahay. Pinag-alala mo kami. May nangyari ba?"
Bakas sa mukha ni Dim ang pag-aalala.
"Sorry, Dim. Hindi ko binanggit sa iyo na may dinaanan muna ako bago umuwi sa amin."
"Napagalitan ka ba ni Tita?"
Nginitian ko siya. "Hindi naman. Kinausap niya lang ako. Nag-sorry lang din ako tapos, ok na."
"Sigurado ka, ha? Sobra akong nag-alala sa 'yo, eh. Baka 'ka ko napano ka na."
Pinisil ko ang kamay niya.
"Sus! Ok lang ako."
Hindi na ako nagkwento pa para hindi na humaba. Alam kong kapag nadulas ako, hindi na ako tatantanan ni Dim katatanong hanggang sa mapaamin niya ako.
***
Friday afternoon, naka-receive ako ng private message from one of my classmates.
[Suze! May gig mamayang gabi ang TABS! Sama ka!]
Paulit-ulit kong binasa ang chat ni Siti. Nagdalawang-isip pa ako kung sasama ba ako sa kaniya. Ayoko pang umuwi, eh. Pero ayoko ring mapagalitan.
Mayamaya'y natanggap ko ang message ni mommy.
[Susunduin ka ng Tito Nick mo. Hintayin mo siya sa labas ng school around five.]
Kung gano'n, hindi si manong driver ang susundo sa akin kundi ang hayop na 'yon.
Humigpit ang hawak ko sa phone. No! Bahala siya! Hindi ako sasama sa kaniya! Baka kung saan pa ako dalhin.
Nagtipa kaagad ako ng reply kay Siti.
[Me: Game. Saan?]
[Siti: Sama ka na lang sa akin. Daan muna tayo sa bahay namin.]
[Me: Naka-uniform?]
[Siti: Sus! Pahihiramin kita damit.]
[Me: okay (✷‿✷)]
Pagkatapos ng last subject ay nagpaalam ako sa mga kaibigan ko.
"Dim, Mauna na kayo, ha? Susunduin kasi ako nina mommy."
"Okay. Take care, ha?"
Nag-group hug muna kaming magkakaibigan bago nagkaniya-kaniya.
Nang masiguro kong nakaalis na sila ay saka ako nagtungo sa quadrangle at doon hinintay si Siti gaya ng usapan namin.
"Hey!" Malayo pa lang ay nakangisi na agad si Siti.
Tumayo ako at sinalubong siya.
"Nasa labas na ang sundo ko. Let's go?"
"Sige!"
Sa bahay na nina Siti ako naghapunan. Pinagamit din niya ako ng shower sa kwarto niya at pinahiram ng magarang damit na kulay pula. Ang sexy! Halter iyon na manipis ang tela, bukas sa bandang dibdib at kitang-kita ang aking cleavage. Oo, seventeen pa lang pero may cleavage na. Chubby kasi. Tapos 'yong maiksing denim shorts na pinahiram niya ay nakabukas ang butones kasi ayaw nang masara. Mas malaki kasi ako kaysa sa kaniya at mas matangkad din.
"Ok lang iyan. Natatakpan naman siya. Tsaka, 'yung iba nga, sinasadya talagang buksan ang mga butones nila, fashion na rin iyan ngayon, 'di ba?"
Napahagikhik kami pareho.
"Oh, Suze! Tamang-tama! May in-order si mommy para sa akin na boots with heels. Masyadong malaki sa akin. For sure magkakasya iyon sa iyo."
Kinuha niya ang isang shoe box sa ilalim ng kaniyang bed saka niya iyon pinasukat sa akin. Tama nga siya, saktong-sakto sa akin.
"Harbor ko na lang 'to?"
"O ba! Bigay ko na 'yan sa iyo. Sayang din kasi. Nabayaran na ni mommy."
Napangisi ako at kinikilig na napayakap sa kaniya.
"Thank you, Siti!"
"You're welcome! Like kita, eh!"
Pagkatapos naming maglagay ng make-up ay nag-spray rin kami ng pabango bago lumabas ng silid.
"Dad! Alis na kami!"
Sumulyap lang sa amin ang daddy ni Siti na nasa late forties na. Nakasuot ito ng specs habang nagkakape sa veranda at nakaharap sa laptop nito.
"Take care. Bawal maabutan ng madaling araw, ha?"
"Yes, dad!"
"Ang cool ng dad mo, noh? Hindi galit kahit maggagala ka," sabi ko nang makasakay na kami sa kanilang van.
"Syempre, tiwala sila sa akin, eh. Lagi rin kasi akong nag-a-update sa kanila at never akong nagsinungaling sa kanila kaya may tiwala sila."
Napalunok ako. Ganoon din ako rati. Sinasabi ko ang totoo kay mommy tungkol sa mga lakad ko pero simula noong naging malupit siya sa akin, kinailangan ko na talagang magsinungaling. Iyon nga lang, nahuhuli niya ako lagi.
***
WE were excited as soon as we entered the exclusive bar club. Halos mawalan na ng space sa loob sobrang dami ng taong dumalo. Mapapaindak ka na lang din sa masiglang tugtugan at pati na sa mga laser lights na nakapiligid. May mga umuusok pa mula sa sulok na amoy strawberry. Nakakahilo.
"Look, Suze! Ang TABS!"
Kumabog ang dibdib ko. First time ko silang mapanuod na tumutugtog. Lalo na si Hiro. Ang angas niya habang nagda-drum doon sa gitnang nagsisilbing stage.
Lahat sila ay nakasuot ng itim na shirt, ripped jeans at combat shoes, may silver dog tag sa leeg na abot hanggang dibdib ang haba, nagkikinangang mga hikaw at nagmamahalang mga relos. Magulo ang mga buhok nila na parang sinabunutan ngunit sa gwapong paraan.
"Ang gugwapo nila, noh?"
Kinikilig akong napatango at mayamaya lang ay pareho na kaming nakikisigaw. Talon kami nang talon habang nakikisabay sa tugtugan.
Ngayon ko lang naranasang mag-i-enjoy nang ganito. Ang sarap pala sa feeling. Nakakalimutan ko lahat ng problima sa bahay lalong-lalo na ang Nick na iyon.
Muli nagtilian ang mga fans ng TABS nang palitan ang kanta. Sa intro pa lang ng pagtugtog ng kanilang guitarist na sina Shun at Renzi, para nang mababaliw ang mga babae roon.
I swear! Sa susunod na imbitahan ako ni Siti sa gig ng TABS, dadalhin ko na talaga si Dimples! Sigurado akong matutulala iyon kapag nakita kung gaano kaguwapo si Kairo habang kumakanta!
"She's got a smile that it seems to me
Reminds me of childhood memories
Where everything was as fresh as the bright blue sky..."
Pati kami ay napapasabay na rin sa pagkanta habang nagtatalon.
"Whoa-oh-oh! Sweet child o' mine
Whoa, oh-oh-oh! Sweet love of mine"
"Hooh! I love you, Hiro Zaragoza!" hindi ko napigilang sumigaw.
Gumaya naman si Siti.
"I love you Mark Dillion Rojas!"
"Hoy! Akala ko ba si Kairo ang crush mo?"
Ngumisi siya at parang kiti-kiti na sumiksik sa akin.
"Tinamaan ako ng smile niya noong nag-deliver tayo ng food sa kanila!"
"Hindi ka pala loyal Kay Kairo."
"Oo na! Two-timer talaga ako!"
Nag-aper kami sabay bungisngis.
Hindi natapos amg party sa pagkanta lang dahil pagkatapos mag-perform ng TABS ay pumalit naman ang isang sikat na dj na inupahan para tumugtog.
Nagsayawan na lahat ng mga tao.
"Hoy, Siti! Bawal pa tayong uminom." Pinandilatan ko ang kaklase ko nang makitang may bitbit itong dalawang maliliit na bote ng flavored beer.
"Sus, ito lang naman. Tsaka, light lang 'to. Lasang nestea nga lang ito, eh."
"Wala pa tayong eighteen!"
"Pero malapit na!"
Umirap na lamang ako at tinanggap ang inabot niyang isang bote.
"Huwag kang mag-alala, nandiyan naman sa labas ang driver namin. Naghihintay lang sa atin."
Kampante na rin ako nang maalalang siguradong may maghahatid sa amin. Nakapagdesisyon na rin kasi ako na hindi uuwi sa amin. Total, wala namang klase bukas dahil Sabado. Tatanggapin ko na lang din ang sampal ni mommy bukas. Sanay naman na ako.
Naubos ko rin ang isang bote. Tama si Siti, light lang iyon at hindi matapang ang lasa pero medyo nakaramdam pa rin ako ng pag-init ng katawan at kaunting pagkahilo.
May nagsimula na ring lumapit sa amin na mga boys at nakipagkilala sabay hingi ng number. Karamihan sa mga dumalo ay parehong students from DRIS. At kaya pala kami nakapasok kahit na exclusive itong party ay dahil jinowa ni Siti ang isa sa mga officer sa DRIS. Hanep. Iba talaga kapag pretty.
Abala na ngayon si Siti sa new bf niya. Simula nang makita kami ng lalaki ay binabakuran na agad nito ang kaklase ko.
Um-exit naman agad ako at nagtungo sa Cr. Paliko na sana ako sa isang kanto sa madilim na pasilyo nang biglang may sumulpot na lalaki at nabangga ako. Malaking bulas at matangkad ang lalaki kaya diretso akong gumeywang. Buti na lang at sinalo niya agad ang bewang ko sabay yakap sa akin. Napasubsob ang mukha ko sa mabangong dibdib niya.
"Ahm, t-thank you," sabi ko sabay tingala sa kaniya ngunit nanigas ang buong katawan ko nang makilala ito.
"Ayoko ng thank you lang. I prefer kisses."
"H-ha?"
Napaatras sa dingding ang likod ko nang itulak niya ako saka kinorner ng dalawang braso niya.
"Payag ka ba?" tanong niya sabay lapit ng kaniyang mukha sa akin.
No'n ko lang napagtanto na lasing na pala siya. Namumungay na ang mga mata niya at humahalo na sa mabango niyang hininga ang amoy ng alak na ininom niya.
Hindi ako nakapagsalita dahil pati dila ko ay naninigas. Nalulunod din ako sa malakas at mabilis na pintig ng puso ko. Kahit na hindi maliwanag sa bandang iyon pero kitang-kita ko pa rin ang kaguwapuhan niya dahil sa bumabanaag niyang kutis. Natulala tuloy ako at namalayan ko na lang, sakop na niya ang mga labi ko.
"Lips of a virgin. s**t. Pinapainit mo ang kaluluwa ko."
Sunud-sunod akong napalunok. Hindi ako makapaniwalang kahalikan ko na si Hiro ngayon. At ano raw? Pinapainit ko ang kaluluwa niya?