"Eww! Amoy pepe ka pa nga, eh!"
Humagalpak ng tawa 'yung Shun na sinabayan din ng mga kaibigan nito sa sala. Saka ko lang na-realize kung ano 'yong lumabas sa bibig ko. Bakit naman gano'n ang sinabi ko? Napayuko na lang ako sa sobrang hiya.
To the rescue naman ang kaklase kong si Siti. Hinila niya ako papunta sa likod niya saka niya hinarap si Hiro—nang nanginginig. Ibang klase talaga ang impact ng pogi, eh. Kayang panginigin ang kalamnan ng babae. Ok pa kaya 'tong si Siti?
"Ah, s-sir. Ako po... ako po 'yung kukuha ng bayad. Cash po at hindi s-sarap," nauutal na sabi ng kaklase ko.
"Jino-joke ko lang ang kasama mo. Kung makatitig kasi para na akong kakainin nang buong-buo."
Walang sinabi ang malamig na buga ng air-con sa temperature ng katawan ko ngayon. Pinagpapawisan na ako.
Nang tingalain ko si Hiro ay nagtama na naman ang paningin namin. Hindi ko kinaya yumuko ako ulit at dumikit kay Siti.
"Nasa impyerno ba tayo? Ang init, eh," bulong ko sa likod ng tainga ng kaklase ko.
Palihim naman niya akong siniko. "Huwag ka nang maingay baka hindi tayo makalabas nang buhay!"
Sinundan namin ng tingin si Hiro na nagtungo sa drawer ng side table. May kinuha siya roong mga papel na pera, puro taglilibo.
"How much?"
"Nasa recibo ho ang lahat ng babayaran niyo," sagot agad ni Siti.
Sinilip naman agad ni Hiro ang balot ng in-order nilang pagkain saka siya nagbilang ng pera.
Tahimik lang akong nakasunod sa bawat galaw niya. Ultimo ang pag-igting ng kaniyang panga, ang paggalaw ng kaniyang muscles at ang pagpitik ng mahahaba niyang daliri ay hindi nakaligtas sa paningin ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa mukha at sa nakahubad niyang upper body nang walang pagsasawa.
Ang sarap naman kasing titigan. Parang ayoko nang mawala siya sa paningin ko.
Gustung-gusto ko talaga siyang sugurin ng yakap kanina. Na-miss ko siya. Na-miss niya rin kaya ako? At naaalala niya pa kaya ako?
Malamang hindi na. Twelve years na ang nakalipas. Ang dami na nga niyang f-buddy, eh.
Eh, kung magpakilala kaya ako? Baka sakaling maalala niya ako at matuwa siya.
'Hiro, ako 'to! Si chubbylita mo! Si Suzette Schneider!'
"Hoy! Hali ka na!" biglang bulong ni Siti sabay hila sa akin palabas.
Tapos na palang makabayad si Hiro.
"Hoy! Tinamaan ka kay Hiro noh? Obvious ka, girl!" ani Siti habang sakay na kami ng elevator.
Dama ko ang pag-init ng buong mukha ko nang salubungin ko ang nanunudyong tingin niya.
"H-Halata ba masyado?"
Napangisi siya sabay tili sa sobrang kilig. Nag-echo ang matinis niyang boses sa hallway nang saktong bumukas ang pinto ng elevator.
"Hindi kita masisisi. Ang hot naman kasi ng Zaragoza na 'yon! Tapos sobra-sobra pa ang binigay na tip sa atin. O, ayan. 500 sa iyo."
Walang pagdalawang-isip ko namang tinanggap iyon at nilagay sa bulsa sa harap. Nasa bulsa naman sa likod ko ang buong isang libo na bigat ni manyak. Hindi ko binawasan kasi balak kong isauli mamaya sa lalaking iyon.
"Salamat dito, Siti. Di mo na dapat ako pinartehan. Sapat na sa akin na makita si Hiro."
"Asus! O, eh di, dalawa na tayong may crush sa TABS boys? Ahehe!" Kilig na kilig siya. "Pero hoy, huwag kang papaloko d'on, ha? Balita ko, wala raw 'yung sinasanto na babae. Lahat ng nakapalda, pinapabukaka no'n!"
Napalunok ako. Ganoon na katindi si Hiro ngayon? Ang laki pala ng ipinagbago niya!
Sa bagay, binata na siya at sobrang gwapo pa. Hindi ko rin siya masisisi kung ganoon siya kauhaw sa laman. Lunukin ba naman ng babae ang tamud niya. Siguradong maaadik ang sinumang lalaki sa gano'n. Pero yuck! Kadiri 'yon!
"Hoy! Ok ka lang?"
Napakurap ako sabay tingin kay Siti na nakasilip na pala sa mukha ko.
"O-oo."
Dinugkol niya bigla ang tagiliran ko.
"Hulaan ko, si Hiro ang iniisip mo, noh? Lagot ka! Hindi na 'yan mawawala sa utak mo!"
Dati nang nasa utak ko si Hiro. Pero mukhang mas lalala yata ngayong nakita ko na siya ulit.
***
"THANKS for this, Siti!"
Tuwang-tuwa ako nang bigyan ako ni Siti ng kopya ng magazines. Tungkol sa mga bilyonaryong angkan at negosyante sa buong mundo ang laman no'n.
Halos magtatalon ako sa tuwa dahil naroon din ang angkan ng limang TABS boys.
Ang mga Nagamori, bilang nag-top na pinakamayaman sa bansa at napabilang sa billionaires' list worldwide.
Ang Villar Mir, na may pinakamalawak na winery business sa parehong continent ng America and Asia. Pinaka-in demand din ang brand ng kanilang wines sa buong mundo.
Ang mga Sloras na laging nangunguna sa politika, tanyag at isa rin sa mga bilyonaryo sa listahan—sa loob at labas ng bansa. Kilala rin sila na may magagandang lahi. Ayun sa survey. At agree naman ako dahil ang gugwapo naman talaga nilang lahat mula sa lolo hanggang sa uncles and cousins. Aba, lalo na yata itong si Mark na kaibigan ni Hiro. Pero syempre, para sa akin, pinakagwapo pa rin ang Hiro ko.
Natuon naman ang mga mata ko sa pamilyang Zaragoza na kilala bilang pamilya ng magagaling na lawyer. Hiro's great-grandfather was a pure Spaniard and was number one on the list as the richest man in Spain during his lifetime. Pero ngayon, mas kilala na ang pamilya nila rito sa bansa bilang matinik na lawyer.
Sila yata iyong narinig kong haka-haka na pamilya ng mga secret billionaire. May-ari sila ng isang prestigious at isa sa pinaka-expensive school sa buong bansa. Syempre alam ko iyon dahil doon din ako galing, kahit hanggang kinder lang iyon.
Tiningnan ko ang kuhang litrato ng mga Zaragoza sa magazine. Nasa gitna ang judge na si Don Roman na Lolo ni Hiro, sa kanang gilid naman nito ang abogadong anak na si Atty. Ricky at ang asawang si Atty. Azami Zaragoza. Sa kaliwa naman ng huwes nakatayo ang seryosong si Hiro. He looks so perfectly handsome in his all black suits.
"May kulang pa 'yan," biglang kalabit sa akin ni Siti. "Hindi nakalagay diyan 'yong tungkol sa frat ng mga Nagamori, Slora at Zaragoza. At 'yung tungkol naman sa cartel na pinamunuan noon ng Lolo ni Lorenz Villar Mir."
"Ba't ang dami mong alam? Sino ba source mo?"
Ngumisi siya.
"Secret."
"Bahala ka diyan! Pero thank you dito, ha? Thank you so much, Siti! Araw-araw ko nang makikita nito si Hiro ko!" wika ko habang yakap-yakap ang magazine.
"Baka kakatitig mo ay maisipan mong mag- finger, ha?"
"Bruha!"
***
SUOT ko pa rin ang ngiti hanggang sa maihatid ako nina Siti sa building kung saan ang condo na akala ko ay kay mommy talaga. Iyon pala, nakikitira lang kami sa boyfriend niya.
Nabura agad ang ngiti ko nang nasa harap na ako ng nakasarang pinto ng condo.
"Nandiyan na kaya si mommy?"
Sumandal muna ako sa tabi ng pinto. Natatakot pa rin akong pumasok. Baka kasi hindi pa nakauwi si mommy. Ayokong makaharap ang mukhang shokoy na bf niya.
Makalipas ang halos twenty minutes na pagtayo roon ay kumatok na rin ako.
Kaagad na bumukas ang pinto at biglang umurong ang mga paa ko nang mabungaran ko ang jowa, live-in partner o kung ano pang tawag sa kaniya ni mommy.
"Mommy!" Para akong nabuhayan ng loob nang makita ko si mommy sa likod nito.
Sinadya ko pang bungguin ang lalaki para lapitan si mother.
"Saan ka galing?"
Napatigil ako.
"K-kina Dimples po."
Napaling ang ulo ko matapos akong sampalin ni mommy.
"Sinungaling ka talagang bata ka! Nagpunta kami kanina sa bahay nila para sunduin ka! Kaninang seven ka pa raw umalis doon! Ang sabi mo kay Dim, uuwi ka na! Pero ano'ng oras na? Ha?! Alas dyes na, Suze! Saan ka galing?!"
Namutla akong tiningnan siya.
"S-sa isang kaklase ko po."
"Naglakwatsa ka na naman?! Kaya mo ba ninakawan ng pera ang Tito Nick mo para sa mga gimik ninyo ng kaklase mong 'yan?!"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ano'ng ninakaw? Wala naman ho akong ninakaw!"
"Ninakawan mo ng pera ang Tito Nick mo!"
Bumaling ang tingin ko sa bf ni mommy na tahimik lang na nakasandal sa nakasarang pinto. Nagtagis ang bagang ko.
"Mommy! Wala ho akong ninakaw!"
"Huwag ka nang magsinungaling! Tama na! Kung alam ko lang na lalala ka ng ganiyan, hindi na sana kita pinagbakasyon pa ng Cebu!"
Naguguluhan pa rin ako. Ano bang nangyari? Ano ang sinabi ng manyakis na stepfather ko? Wala akong ninakaw!
Natigilan ako nang may naalala.
Muli kong binalingan si Tito Nick.
"You liar! I didn't steal money from you! Liar!"
Pumamulsa ito at kalmadong humarap sa akin.
"Suze, kung kailangan mo ng pera, ok lang naman sa akin. Pero sana, matuto kang humingi. Hindi 'yung basta ka na lang papasok sa kwarto namin ng mommy mo at kukuha ng isang libo sa wallet ko."
Nag-akyatan yata lahat ng dugo sa ulo ko. Biglang nagdilim ang paningin ko sa kasinungalingan ng hayop na 'to!
"I didn't steal anything from you!"
"Kung hindi ka nagnakaw, saan galing ang pera na pinambili mo ng magazines na 'yan?"
Lalong tumindi ang galit ko sa sinabi nito. Nagawa pa talagang idamay ang magazine sa kasinungalingan ng hayop!
"Bigay 'to ng kaklase ko!"
Mula naman sa bulsa sa likod ko ay biglang dinukot ni mommy ang isang libo roon na wala pang bawas.
"Ano 'to? Ha?"
Kinakabahan akong napaharap kay mommy.
"M-mom. Believe me, po. Si Tito Nick ang nagbigay niyan."
Isa na namang malakas na sampal ang tinamo ko. Simula noong nag-aaway Sila ni daddy at umuwi kami ng Cebu, lagi nang mainit ang dugo ni mommy sa akin. Kunting pagkakamali ko, sinasaktan ako.
"Sinungaling ka talaga! Ano? Hindi ka ba nakuntento sa binigay ko sayo tapos ngayon nagnanakaw ka para sundin ang luho mo?! Hoy, Suze! Wala na kami ng daddy mo at hindi na siya nagpapadala ng sustento sa 'yo! Kaya huwag kang magpaka-feeling rich kid dahil hindi na tayo mayaman!"
Kumuyom ang palad ko habang hawak ang magazines.
"I'm not a thief!" sigaw ko sa kaniya saka mabilis na nanakbo papasok sa kwarto ko.
Kaagad akong nag-lock ng pinto. I slid down and sat on the floor while crying.
"I'm not a thief! I didn't steal anything! Maluho ako pero hindi ako magnanakaw!"
Yes, minsan nagsisinungaling ako sa kaniya pero hindi naman big deal ang mga bagay na iyon, eh. Hindi pa naman ako nakagawa ng mabigat na kasalanan ng kagaya ng ibinibintang nila sa akin.
Why doesn't mom believe me? She can call me a liar, but I'm not a thief! Hindi ako kailanman nagnakaw! She must've known me. Anak niya ako, eh! Dapat paniwalaan niya ako. Ako kaya ang totoong victim dito.