"Hindi ka pa ba uuwi? Baka mapagalitan ka ni Tita Sylvia, Suze."
"Hihintayin ko na lang ang out ni mommy."
Nandito kami ngayon sa labas ng gate ng kaklase at kaibigan kong si Dimples. Tambay at nakaupo lang kami sa bench. Kakatapos lang namin mag dinner. Gabi na pero wala akong ganang umuwi dahil sa stepfather ko. Natatakot ako sa kanya kaya hindi ako uuwi hangga't wala si mommy.
Medyo inaantok na nga ako, eh. Gusto ko na ring mag-relax. Nilibot ko kasi kanina halos buong Ayala mall sa Cavite. Pagkatapos kong bumili ng sadya ko, nag-ikot-ikot muna ako. Wala naman talaga akong balak na magtagal sa labas kung hindi lang dahil sa manyak kong stepfather.
Kaya after kong mag-window shopping ay dumiretso agad ako kina Dimples at dito na nga ako inabutan ng gabi.
"Di ba, nagtext na si Tita na mamayang 9:00pm pa siya makauuwi kasi nag-OT siya?"
"Basta. Boring kasi do'n sa condo. May multo."
"Hala siya! Naniniwala ka pala sa multo?"
Humagikhik ang napakaganda kong kaibigan. Ang cute niya. Kahit na mag-wacky pa siya, ang ganda pa rin niyang tingnan. Natural din na maganda ang katawan niya. Hindi gaya ko na chubby. Pero bakit gano'n? Chubby na nga ako, minamanyak pa rin ako ng mukhang adik na nobyo ni mommy! Kadiri!
"O, bakit?" biglang tanong niya nang mapansin ang pag-pout ko.
"Dim, kung sakaling... lumayas ako sa amin, papayagan mo ba akong manatili dito sa bahay ninyo?" I asked jokingly but I couldn't help but be a little nervous at her answer. Umaasa kasi ako ng oo.
"Ahm, para sa akin, oo. Syempre, kaibigan kita, eh. Pero desisyon pa rin ni mama ang masusunod. At kilala mo ang mama ko. Hindi niya kinukunsente 'yang mga ganiyang desisyon. Maliban na lang kung valid ang reason mo."
Napalabi ako.
Sasabihin ko ba ang tungkol sa stepfather ko at ang panghihipo na ginawa nito sa akin para maging valid ang reason ko?
Baka hindi nila ako paniwalaan. Baka isipin lang nila na nagrerebelde ako. Kilala pa naman akong spoiled brat.
"Hoy! Lagi kang tulala diyan!" pukaw ni Dim sabay tapik sa akin. "Wait! Dito ka muna, ah? Kukuha lang ako ng drinks at dessert."
Pangiti akong tumango.
Napabuga agad ako ng hangin pagkaalis niya sa tabi ko. Ewan. Dahil sa nangyari kanina, parang bigla akong nagka-panic attack. Hindi ako mapakali, eh. Gulung-gulo ang isip ko. Ayoko nang bumalik doon sa condo pero wala naman akong ibang mapupuntahan. Hindi ko rin alam paano sabihin kay mommy ang totoo.
Isumbong ko kaya kay daddy?
Hay! Ni wala na ngang paramdam sa akin, eh. Alam na kaya niya na may boyfriend si mommy?
Malamang hindi. Busy si Dad sa Germany. He is a parademic who saves lives in his country. Maituturing siyang hero dahil sa trabaho niya.
Bata pa lang ako ay madalas nang wala sa tabi namin si daddy. Busy siya kasi bukod sa pagiging parademic ay may sarili rin siyang coffee shop doon. Pero kahit gan'on, hindi siya nagmimintis sa pagpapadala buwan-buwan kay mommy.
Okay naman ang communication nila noong una hanggang sa nangyari nga 'yong pagdukot sa amin noong five pa lang ako. Madalas na silang nagtatalo. Sinisisi niya si mommy kasi nga raw, pinapabayaan ako.
Sa sobrang inis ni mommy, dinala ako nito sa Cebu, sa lugar ng relatives namin.
Overprotective sa akin si Dad kaya siguro nang malaman niya na nadukot ako at muntik pang mapahamak ay nagalit siya kay mommy.
Daddy loves me so much
I'm his only princess, eh. 'Kapag nagbabakasyon siya dito sa Pilipinas, lagi niya akong kinakandong at pinapasyal sa mall. Binibili niya lahat ng gusto ko. Galante siya when it comes to my needs and wants. Sobrang spoiled ko sa kaniya. Pero tiklop naman ako pagdating kay mommy. My mother is hard-hearted and very strict. Lalo na ngayong seventeen na ako last November three. Kulang na lang, itali ako. Pero I always find ways na makalabas. Yeah, pasaway talaga ako.
Dalaga na ako at pasaway pa rin. Isang taon na lang, hindi na ako minor. I hope daddy will contact me again so I can tell him about my experiences as a teenager. Pati na ang ginawa sa akin ng boyfriend ni mommy.
Ang kaso...
"Hiwalay na sila ni mommy at ayaw nitong nakikipag-communicate ako kay daddy."
Paano ko makakausap si dad kung hinaharangan ng mommy ko?
Lumabi ako at pigil ang sariling maiyak.
I miss him so much. Na-miss ko rin ang mga araw na complete and happy family kami.
Ang sakit lang kasing isipin. Nag-iisang anak nila ako. Prinsesa pa nga raw nila ako pero para namang hindi ako parte ng pamilya. Nagdesisyon sila na maghiwalay at hindi man lang ako kinausap tungkol sa naging hiwalayan nila.
May boyfriend na si mommy. At malamang, may gf na rin si dad. Paano na ako?
Napukaw ang atensyon ko nang biglang tumunog ang notification ng messenger sa phone ko.
Si Siti, kaklase namin ni Dim. Isa rin itong kikay. Pareho kami ng taste sa mga material things pero hindi kami close. Iba kasi ang circle of friends niya at iba rin sa akin.
[Hi, Suze! Nabasa ko post mo. Lumabas ka pala. Pauwi ka na ba?]
Nag-post nga pala ako kanina noong nasa mall ako. Bale dalawa ang pinost ko today sa sss account ko. Yung huli ay nung nag-dinner kami ni Dim sa bahay nila.
Kaagad akong nagtipa ng reply kay Siti.
Me: Yes, Siti. I'm here pa nga sa house nina Dim, eh. Why?
[May um-order kasi online sa resto namin. Need to deliver it to their condo. I need kasama. Saw your last post, naisip kong magpasama sa iyo. Nahihiya kasi ako mag-deliver mag-isa. Kulang kami sa tao ngayon, eh.]
May-ari ng restaurant ang daddy ni Siti. May kaya rin sila sa buhay. At ang nakakabilib, super hands on sila pagdating sa business nila. Bukod doon, down to earth din pamilya nila. In fact, afford nila sa private school mag-aral pero mas bet niya sa public schools. Kikay lang talaga siya. Walang nagbago sa kaniya simula pa noong first year kami pero hindi siya maarte.
Actually, it's not her first time na humingi ng tulong sa akin pero first time na ganito ang oras.
Paulit-ulit kong binasa ang huling message niya at pinag-iisipan kung pagbibigyan ko ba siya. Gabi na kasi.
Nang hindi agad ako nakapag-reply ay tumawag na siya.
"Hey! Ano? Payag ka ba? Susunduin naman kita."
"Ahm, kasi... Hindi ka ba takot mag-deliver door to door? Baka mamaya, prank lang pala iyan."
"Uy, no! Seryoso 'to! Ganito kasi 'yon, yung um-order sa amin through online ay hindi basta-bastang customer. Anak siya ng mayamang negosyante. Super crush ko nga siya, eh kaya nag-volunter ako na mag-deliver ng food. Si daddy dapat iyon."
"Sino ba ang um-order?"
"Baka magwala ka sa kilig kapag sinabi ko."
"Luh. Di ka sure."
Humagikhik siya.
"Okay! Si Kairo Nagamori! Kilala mo ba siya? Siya ang leader ng bandang TABS. Siya rin ang anak ng CEO ng Ryu electronics. Sikat siya, Suze kaya imposibleng hindi mo siya kilala. Nasa magazines ang mukha niya. Nagmo-model din 'yan kasama ang mga kabanda niya. May billboard pa nga 'yan sila ng friends at kabanda niya sa ini-endorse nilang fashion clothing brands."
"Wow. Dami mong alam, ah? Stalker? Hehe!"
"Yes! Crush ko, eh!"
My god! Crush din 'yan ni Dimples, eh!
"Sige na nga. Basta ihatid mo rin ako pauwi, ha?"
"Yeaheey! Oo naman! Thank you, Suze! Maaasahan ka talaga!"
I know Kairo dahil anak siya ng amo ni mommy at crush siya ng kaibigan ko. Pero bukod doon, wala na akong alam pa tungkol sa kaniya. Ngayon ko nga lang nalaman na may banda pala siya.
Pagdating ni Dimples ay sinabi ko kaagad sa kaniya na aalis ako. Hindi ko na binanggit ang tungkol kay Siti. Sinabi ko na lang na uuwi ako para wala nang tanong.
Nag-chat ako kay Siti na sa labasan ako mag-aabang. Madami pa namang tao sa kalsada kaya no worries.
Hindi rin nagtagal at dumating ang van nina Siti. Pagpasok ko ay sumalubong kaagad ang bango mula sa car defuser nila. Na-miss ko tuloy ang Fortuner namin na binenta ni mommy dahil sa kagipitan. Ganito rin kasi ang amoy.
"Suze! Excited na akong makita sa personal ang crush ko!"
"Baka mamaya mga rapist pala 'yan!"
"Uy! 'Wag mong pangarapin!"
Tinawanan ko lang siya.
Pinagtuunan naman niya ang kasuutan ko.
"Ang sexy mo ngayon, ah? May katagpo kang boyfie, noh?"
"Wala, ah!"
Sumiksik siya sa akin at ipinulupot ang kamay niya sa braso ko. Feeling close?
Payat siya kaya kalahati lang ng braso ko ang forearm niya. Pangarap ko ring pumayat pero ang hirap mag-diet!
"Balita ko boyfie mo si Marco. Ex ko 'yon. Hiwalayan mo na agad. Gwapo lang 'yon pero mabaho hininga no'n. Di mo ba naaamoy?"
Napahagalpak ako ng tawa sabay hampas sa kaniya.
"Bruha ka! Hindi ko kasi kinakausap 'yon."
"Boyfie mo pero di mo kinakausap? Bah! Mas malala ka pala kaysa sa akin!"
"Makulit kasi kaya sinagot ko."
"Wala na kayo no'ng Jake?"
"Wala na."
"Why?" Ngumunguya na siya ngayon ng baon niyang sushi. Naglalaway tuloy ako.
"Ahm, nalaman ko kasing pinagpupustahan lang ako ng mga barkada niya," sagot ko habang ang mga mata ay nakasunod sa bawat subo niya.
"Oh... Ganiyan dapat. Wag kang papayag na paglaruan, girl!"
"Pahingi ngang sushi!"
Ayun, hindi ko talaga matiis. Mas natitiis ko pang titigan magdamag ang pera nang hindi nahahawakan kaysa sa pagkain nang hindi natitikman.
***
"WE'RE here!" bulalas ni Siti nang mahanap namin ang unit ni Kairo sa Red Dragons tower.
Bitbit niya ang paper bag na nagkalaman ng food boxes.
Nag-doorbell siya. Mayamaya ay bumukas iyon at bumungad sa amin ang napakagwapong tsinito. Kamukha ito ni Kairo pero mas bata nga lang.
"Hi, babes!"
"Hi!" Sabay pa kaming kumaway ni Siti. Kinikilig siya at kinikilig din ako.
Pareho kaming mahilig sa ganito kagwapo, eh.
"Ah, h-heto na o-order niyo." At nauutal na nga si Siti.
"Thanks. Pasok muna kayo. By the way, I'm Shun."
Nag-uunahan pa kami ni Siti na makipagkamayan dito. Pero teka, ba't kailangan pa naming pumasok? Kinabahan tuloy ako.
Pagpasok namin ay halos malaglag ang shorts ko nang makita sa sala ang tatlo pang nagugwapuhang lalaki na nakaupo sa sofa. No way! Are they for real?! Super handsome ang mga shuta!
Yung isa na poging mestiso ay walang pakialam sa pagdating namin at hindi man lang kami tinapunan ng tingin. Si Kairo naman, saglit lang kaming sinulyapan at deadma na agad. Pero infairnessas gwapo siya sa personal. Mukhang suplado nga lang.
Buti pa 'to si Shun at 'yong tisoy na super gwapo rin. Mukhang friendly.
"Upo muna kayo. Busy pa ang may-ari ng condo. Hintayin niyo lang saglit. Siya kasi ang may malaking allowance kaya siya ang magbabayad ng order."
Tinanguan lang namin si Shun pero hindi na kami umupo. Nanatili kami sa nakasarang pinto, just in case... na may gawin silang masama.
Awtomatiko kaming napatingin sa isa pang nakasarang pinto sa tapat ng sala, matapos namin marinig ang malakas na halinghing ng babae. Hindi ko malaman kung nasasaktan ba ito o... Nasasarapan? What the hell!
"Ahh! f**k! f**k! Idiin mo pa! Yes! Ahhh! Oh my gosh!"
Nagkatinginan kami ni Siti at parehong nanlaki ang mga mata.
"Oh! You're so good! Sooo good! Ah yes! Ah yes!"
Napangiwi ako at kinikilabutan sa naririnig ko. Parang gusto ko nang takpan ang mga tainga ko. Kadiri si ate!
Pagtingin ko sa apat na lalaki ay nakatingin na pala sila sa amin at naaaliw na tinututukan ang naging reaksyon namin ni Siti.
Mayamaya ay boses naman ng isang lalaki ang umuungol.
"Oh! f**k you, baby! Yeah! Ahh! Suck it! Suck it! Ahhh... Ffffuck! Ang galing mo talagang lumunok ng sperm!"
ANO RAW?!
Sabay kaming napanganga ni Siti at parehong dilat na dilat ang mga mata.
"Grabe na 'yon! Pinalunok sa babae?! Yuck!!!"
Bumunghalit ng tawa si Shun sa sinabi ko. Pati ang tatlong kaibigan nito ay natawa na rin.
"Virgin na virgin ang reaksyon! Haha!"
Nag-init ang mukha ko sa hiya at napatungo.
Biglang tumayo si Kairo at kinalampag ang pinto ng silid.
"Hiro! Hurry up! Dumating na ang order! The payment, bro!"
Hiro?
Tila tumigil saglit ang t***k ng puso ko. Hiro ang pangalan ng lalaki sa loob. Posible kayang...
Kinaltukan ko ang sarili. 'Madaming Hiro na pangalan sa mundo. Hindi lang naman siya ang may first name na Hiro.'
Bumukas bigla ang pinto ng silid at iniluwal doon ang isang matangkad na lalaking nag-uumupaw sa s*x appeal.
Naglakad ito palapit sa amin habang puno ng senswalidad na ikinakabit ang sinturon ng pants niya. Halatang katatapos lang sa sagupaan.
Pawisan pa nga ang magandang pangangatawan niyang walang pang-itaas.
And oh! Ang lapad ng dibdib at mukhang matigas. Patag ang tiyan, makinis ang balat at...
Nang mag-angat ako ng tingin ay saka ko narealize na nakaharap na pala siya sa akin.
Luh! Ang bilis niyang nakalapit!
"Cash o sarap?" tanong niya sa akin.
Dahan-dahan akong tumingala sa pawisan niyang mukha na kasing kinis ng mannequin sa mall. As in! Wala man lang ka-pores-po—wait!
Oh s**t!
My eyes widened and my heartbeat became abnormal!
Siya si Hiro?!
Ngayong natitigan ko sa malapitan ang mukha niya, masasabi kong siya nga! Siya nga si Hiro! Ang Hiro na kaibigan at protector ko noon! Ang Hiro na matagal ko nang gustong makita! Ang Hiro na nami-miss ko nang sobra!
Napahawak ako sa dibdib ko. Gusto kong maiyak sa tuwa at sugurin siya ng yakap.
"Hoy. Cash o sarap?"
"H-ha?"
"Uulitin ko pa ba o hahalikan kita?"
Luh! Ang bastos na niyang magsalita!
Kagagaling niya lang sa sagupaan tapos didiga na naman siya?
"Hahalikan mo po ako?"
Ngumisi siya and my gulay! Ang gaganda ng ngipin!
"Higit pa do'n."
"Eww! Amoy pepe ka pa nga, eh!"