"Suze, narinig mo na siguro ang pinag-usapan namin kanina nina daddy?" Nilingon ko si Siti na abala sa pagpapatuyo ng kaniyang buhok. Tapos ko na ring maayos ang kama na pinalitan ko ng bedsheets. Umupo ako sa gilid niyon paharap sa kaniya. "Tungkol ba sa pagma-migrate ninyo sa Canada?" Malungkot siyang tumango saka tumabi sa akin. "Sorry, Suze. I wanted to help you until you give birth pero kasi, aalis na kami ng bansa next week." Kinagat ko ang labi sa pagpipigil na maiyak. Kanina ko pa iniisip ang tungkol doon. Pakiramdam ko ay nagmekus-mekus na ang utak ko kakaisip ng solusyon sa problima ko kung saan ako pupunta kapag wala na sina Siti. "I am worried about you, Suze." "Ok lang ako, Siti." "Sabihin mo na kaya sa mga kaibigan mo? I'm sure tutulungan ka nila." "Matindi rin

