Hiro's POV Pagkababa ko ng sasakyan ay lakad-takbo akong nagtungo sa pinto ng malaking bahay ni Lolo. Galing pa ako ng school at dumiretso agad ako sa bahay nito. Tumawag kasi si mom kanina at sinabing gusto raw akong makausap nito tungkol sa insedente kahapon sa condo ko. Bakit kaya? Pagagalitan na naman ba ako? Kinakabahan ako ng kaunti kahit na hindi naman dapat. Wala naman kasi akong ginawang krimen kaya bakit ako kinakabahan? May sa pusa si Hiroshi at ok na ito kahapon matapos magamot ang sugat. Walang seryosong injuries maliban sa balat nito sa noo na nahiwa. Iyon lang kaya wala akong nakikitang dahilan para pagalitan ni Lolo. Ako pa nga ang biktima. "Mom!" Mariin ang titig na ibinigay ni mommy sa akin pagkabukas niya ng pinto. Mukhang inaabangan niya talaga ang pagdating ko a

