Hiro's POV Napilitan akong bumangon nang marinig ang sunud-sunod na katok sa pinto. Hindi pa ito nakontento at paulit-ulit ding pinatunog ang doorbell. Ugh! Lalong sumakit ang ulo ko dahil sa ingay. May hang over pa ako pero hindi ako makakapagpahinga nang maayos sa daming istorbo. Ang sarap pa sanang matulog pero simula nang nagpunta rito si Suze, hindi na ako nakatulog ulit. I was bothered by the thought of Suze being pregnant pero hindi sigurado kung ako nga ba ang ama. Lintik! Paano ko siya pananagutan kung may ibang nakasawsaw sa kaniya? Kaasar! Sana hindi na lang siya nagpakita. Ding! Napatayo ako nang muling tumunog ang bell saka ako nagsuot ng puting shirt. Sapo ko pa ang noo nang magtungo ako sa pinto. Pagbukas ko ay sumalubong agad sa mukha ko ang lumilipad na kamao. "

