"Sino ka ba talaga?" Pang-ilang tanong ko na ba ito sa lalaki pero lagi niyang dini-deadma. Pa-mysterious-mysterious at bingi-bingihan lang! "Huling tanong," napipikal kong sabi sa kaniya na pilit hinuhuli ang mailap niyang mga mata. "Sino ka ba at bakit ka nangingialam?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay bigla na lamang niya akong hinila paalis sa rooftop. Magkahawak-kamay kaming nagtungo sa elevator. Hanggang sa nakababa na kami ng building ay hindi niya ako binibitiwan. Ilang beses ko ring sinubukan na kalasin ang kamay niya pero lalo naman niyang hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin. Pagdating sa parking lot ay may dinukot siya sa bulsa ng kaniyang pantalon. Akala ko kung ano na pero key fob pala iyon. Pinindot niya iyon pagkatapos ay tumunog ang brand new BMW na nasa harap

