Pabagsak akong naupo sa bowl. Nandito ako ngayon sa bahay nina Siti. Siya ang nilapitan ko noong lugmok na lugmok ako. Nakakatawa ngang isipin, eh. Hindi siya kabilang sa tinuring kong circle of friends pero mas may alam pa siya tungkol sa nangyayari sa buhay ko. "Suze? Ok ka lang diyan? Labas na. Titingnan natin ang results." Napatunganga lang ako sa nakasarang pinto ng kaniyang banyo habang ang kamay ko ay nanginginig sa hawak ko. Nagsimula na ring maglandas ang mga luha ko. Iyon lang naman kasi ang kaya kong gawin—ang umiyak dahil sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Bakit naman kasi, lord?! Bakit sunud-sunod na kamalasan ang nangyayari sa buhay ko?! Ano ba'ng nagawa kong malaking kasalanan para parusahan ako nang ganito? Bakit ako tinanggalan ng pamilya? Bakit ako nagkaroon ng

