WENG Ipinilit talaga ni Ethan na sasama siya sa pamamasyal namin ni Bryan, ayaw niya talagang pumasok sa opisina niya sasamahan niya daw ako dahil baka itakas daw ako ni Bry pabalik ng America. Ibang klase din pala mag selos ang lalaking ito, noong magkasintahan pa kami ay never siyang nagselos madalas ako ang naiinis kapag may lumalapit sa kanyang mga babae. Pero ngayon ko napatunayan na mas malala pala ang pagiging seloso niya kesa sa akin. Dahil gusto ni Bryan na makasama na lang ang mga anak ko ay nag yaya na lang siya sa isang amusement park, mas mag eenjoy daw siya kung kasama ang mga bata sa pamamasyal. Napagdesisyunan namin na sa Star City na lang pumunta dahil ito ang malapit, ayaw ko nang lumayo dahil pareho pa kaming may trabaho kinabukasan. Dahil maaga kami umalis nang bahay

