ETHAN Nagulat ako nang sabihin ni Weng na doon na lang daw matulong ang unggoy na Bryan na yon, nagpupuyos ang aking kalooban dahil ako nga hindi niya pinapayagan na matulog sa condo niya kaya umisip ako nang paraan para hindi sila magkasama. Hindi ako papayag na maisahan nang Bryan na yon, nararamdaman ko na malaki ang pagkagusto niya sa mahal ko lalaki din ako kaya alam ko ang mga galawan niya. Sinabi ko na papayag ako na doon matutulog si Bryan kung sa penthouse ko siya matutulog hindi ko din alam kung papayag siya pero gusto ko lang masolo si Weng. Kung ayaw niya naman ay isisiksik ko na naman ang sarili ko sa kwarto niya bahala siyang magalit basta hindi ako papayag na magkasama sila sa isang bahay ngayong gabi. Hindi ko inaasahan na pumayag si Weng na sumama sa akin sa penthouse pa

