WENG Matapos namin kumain ay nagpunta na kami sa kanya kanya naming villa. Si Chellie at Troy ang magkasama sa iisang villa. Ang mga kapatid ko naman at si Senor saka si Nanay Lita at Cora ang magkasama sa isa ding villa. Kami naman ni Ethan ay sa glass house mamamalagi, ayon daw talaga ang tinitirahan niya kapag nandto siya sa resort. Bandang 4pm ng hapon ng magkayayaan kaming lahat na mag swimming, pumasok ako sa banyo para mag palit ng swimwear. Napili kong isuot ang isang kulay pula na two piece bikini na nagpatingkad lalo ng aking kaputian, humarap ako sa malaking salamin at sinipat ko ang aking katawan. Hindi rin naman papahuli ang hubog ng aking katawan sa mga nag gagandahang modelo na nakikita ko sa mga TV at social media. May ibubuga din naman ako kung paseksihan rin lang ang l

