WENG Araw ng sabado masaya kaming lahat na nag eempake dahil ngayon ang araw na mag babakasyon kami sa beach resort na pag aari ng aking boyfriend. Masaya ako dahil makakasama ko ang aking kaibigan at si Troy na manliligaw niya. Kahit hindi aminin sa akin ni Chell ay nararamdaman ko na may pagtingin din siya kay Troy. Mukha namang mabait ang binata bukod pa don ay gwapo din naman siya hindi nman nalalayo ang hitsura nila ng boyfriend ko. Alam ko din na may sinasabi din sa buhay si Troy dahil sa porma ng pananamit niya ay hindi ito basta basta. Narinig kong tumunog ang aking telepono at agad ko itong sinagot si Chellie ang nasa kabilang liny at sinabi niya na nasa parking na ddaw sila ng condo ni Troy. May dala din kasing sasakyan si Troy at mag co-convoy na lang kami mamaya. Sila Senor Ar

