WENG Ilang ulit kong tinawagan si Ethan pero hindi sya sumasagot. Wala akong idea kung ano ang nagyari sa kanya. Hindi ko inaasahan na makasalubong ko sa isang mall si sir Ivan kaya nagbakasakali ako na tanungin siya. Baka alam niya kung ano nangyayari sa kaibigan niya. Malayo pa ako ay nakita ko na si sir Ivan na papasok sa mall kaya hindi na ako nag dalawang isip at agad ko na siyang sinalubong. "Sir Ivan natatandaan niyo po ba ako?" Bungad ko sa kanya. "Ah yeah, you are Weng right girlfriend ni Ethan." "Ah! Opo" nahihiya kong ani. "May itatanong lang po sana ako sa inyo. Alam niyo po ba kung nasan si Ethan, ilang beses na po kasi akong tumatawag sa kanya hindi niya po ako sinsagot. Nag aalala lang po ako sa kanya." "Si Ethan ba, naku wag mo alalahanin ang gago na yun ayos lang sya

