WENG Nagising ako dahil sa isang tawag, pagtingin ko sa screen ng cellphone ko nakita ko ang pangalan ng boyfriend ko kaya agad ko naman itong sinagot. "Hello! Mahal napatawag ka gabing gabi na, may problema ba?" "Masama na bang tawagan ngayon ang girlfriend ko." Sagot nya sa kabilang linya. "Wala naman akong sinabi, bakit parang galit ka yata." Inis kong ani. "Can you come here?" "Mahal alam mo naman na hindi ako pwedeng umalis di ba. Saka past 12 midnight na po hindi na ako pwedeng lumabas may work pa ako bukas." "Pag yong amo mo pwede mong puntahan anytime na tawagan ka, pag ako hindi pwede." Nagtatampo niyang sabi. "Mahal alam mo naman ang sitwasyon ko diba, before pa naging tayo alam muna kung ano ang set up ko. Bakit ngayon parang sinusumbatan muna ako?" Mahinahon ko pa din

