CHAPTER 10

1350 Words
WENG Naghahanda na ako para pumasok na sa aking trabaho nang matapos ay kumatok ako sa silid ni señor para icheck kung ready na ba siya. Pag pasok ko sa kanyang silid ay narinig ko na may kausap siya sa telepono. "Okey magkita tayo sa office ko mamaya, gaano ba kaimportante ang sasabihin mo sa akin at hindi kana makapag hintay." Ang sabi ng señor sa kanyang kausap. "Good morning po senor!" bati ko. "Magandang umaga din iha! Ready ka na ba. "Opo! Kayo po kamusta na pakiramdam niyo, pag hindi niyo po kaya huwag po ninyong pilitin baka mapaano pa po kayo." "Huwag kang mag alala sa akin iha, okey na okey ako! Siya nga pala mamaya ay pupunta sa opisina ang pamangkin ko at ipapakilala kita." Ang sabi pa ng senor. Dumiretso na agad kami sa dining area after kong ayusin ang lahat ng dadalahin nmin sa opisina. Chineck ko na din ang mga gamot ng senor kung kumpleto ba lahat ang nasa medicine kit ko. Bilang tagapangalaga niya sinisigurado ko na maibibigay ko lahat ng kailangan niya at nakaayos lahat dahil ayaw kong magkamali. Nang matapos kaming mag agahan ay sabay na kaming lumabas nauna na siyang punasok sa sasakyan dahil kinuha ko pa ang mga gamit nmin na naiwan ko sa sofa. Dumating kmi ng A. FELICIANO BUILDING at around 9am agad kaming binati ng mga gwardiya pagpasok namin. Dire-diretso kming pumasok sa private lift ng señor, kapag kasama ko siya ay dito rin ako nasakay papunta sa opisina niya, ngunit pag ako lang mag isa ay dun ako sa elevator ng mga empleyado kahit sabihin pa ng senor na dpat ito ang gamitin ko ay nahihiya ako. Sa totoo lang mula ng mapasok ako dito ilang buwan na din ang nakakaraan madami na akong naririnig na usap-usapan tungkol sa akin. Na kesyo daw inaakit ko si senor Arnulfo at tinatawag akong social climber, gold digger at kung ano-ano pang hindi magandang salita. Dahil alam ko naman kung ano ang totoo ay hinahayaan ko na lang ito. Hindi ako nagpapa apekto sa kanila, mas mahalaga sa akin ung tiwalang ibinigay sa akin ni senor at syempre yung perang kikitain ko. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin nila dahil mas mahalaga sakin na kumita ng pera para may pang tustos ako sa pag aaral ng mga kapatid ko. Nakarating kami sa kanyang opisina at tinanong nia si Miss Grace kung ano ang agenda niya ngaun. Alam kong madaming ginagawa ang senor at andto lang ako palagi para alagaan at icheck kung ok ba sya. Bukod sa pagiging Personal Assistant ko ay ako din ang nangangalaga sa kalusugan nia. (Flashback) Nung araw na pumunta ako ng opisina ni senor at pinapirma nia ako ng kontrata, at sinabi nia sa akin kung ano ang magiging trabaho ko bilang P.A nia ngunit hindi ko binasa ang isang kontrata kaya tinanong niya ako. "Iha! Hindi mo naba babasahin ang isang yan bago mo pirmahan." "Okey na po senor, may tiwala naman po ako sa inyo." Ani ko. "Ngunit iha gusto ko na basahin mo pa din para majntindihan mo kung ano pa ang magiging trabaho mo sa akin." Muli kong binasa ang isang piraso ng papel, nagulat ako sa nakasulat dahil ayun pl ay medical history ng senor. Kung ano ang sakit niya? Ano ang dapat gawin? Kung ano oras iinom ng gamot? at kung ano-ano pang bagay na tungkol sa sakit nia. Pinaliwanag ng senor sa akin kung bakit ako ang gusto niyang mag alaga sa kanya. "Pasensya kana iha, kung sayo ko inalok ang trabaho na ito, alam kong mapagkakatiwalaan kita. Gusto din kitang tulungan dahil alam kong wala ka ng ibang aasahan, nag aaral pa ang mga kapatid mo. Hangga ako sa sipag mo at alam kong madali kang matuto. Dahil sa lahat ng gagawin ko ay kasama kita. Hindi ko pa pwedeng iwan ang kumpanya ko dahil wala pa akong mapag iiwanan ayaw umuwi ng anak kong lalaki dito dahil abala din siya sa negosyo nia sa amerika. Si Sofia naman ay hindi ko din masahan kaya hanggat kaya ko ay ako ang magpapatakbo ng kumpanya ko. Kaya wala akong choice kundi kumuha ng personal assistant ko na siyang titingin sa akin. Dahil ang ALZHAIMERS ay bigla biglang umaatake ng hindi ko namamalayan." Mahabang paliwanag ng senyor sa akin. Pinakausap din ako ng senor sa kanyang doctor kinabukasan. Sa ngaun nman daw ay mabagal ang progress ng sakit nia, gusto lang daw makasiguro ni doctor Mendoza na sa oras na umatake ang sakit ng senor ay may kasama siya na aalalay sa kanya. Ayaw din ipalaam ng senor ang kalagayan niya sa kanyang mga anak, ayaw niya daw na kaawaan sya ng mga ito. End of flash back Pumasok si Miss Grace at sinabi nia kay senor na padating na daw si Mr. Sandoval. Dahil knina ko pa gusto pumunta ng comfort room ay nag paalam muna akong lalabas. Inutusan na din ako ng senor na dumaan sa HR para kuhain ung mga dokumentong kailangan niyang pirmahan. Paglabas ko ng opisina ay agad na akong dumiretso sa Comfort Room, naabutan ko ang mga taga Accounting Department na nag chichismisan. Pagpasok ko ay agad akong pumasok sa isang sa cubicle para umihi, narinig ko pa ang sabi ng isang babae. 'Diba siya ung P.A ni Sir Arnulfo," ani niya sa kasama niyang babae. "Siya nga, P.A cross Lover." Ang tumatawang sagot naman nung isang kasama niya. Lumabas ako ng cubicle at diretso ko silang tinignan sa mata. Hindi ako natatakot sa knila dahil wala naman akong ginagawamg masama. "Miss, may problema ba kayo sa akin." Ang sabi ko habang nakatingin sa kanila. "Wala naman miss, wala naman kaming pakialam sayo kaya pano mo nasabing may problema kami sayo." Mataray na sagot ng babaeng matangkad. Hindi ko na sila pinansin at lumabas na ako para pumunta sa HR at kunin ung mga dokumentong kailangan ni Señor Arnulfo. Hindi rin naman ako nag tagal at agad din akong bumalik sa opisina ni Senor. Nakita ko si Miss Grace na abala sa kanyang desk n nakaharap sa computer niya lumapit ako. Saktong nag angat sya ng tingin, kaya sinabi nia sa akin na nasa loob daw ang pamangkin ng Señor kaya hindi muna ako pumasok. Mukang mahalaga daw yata ang pinag uusapan nila yun ang sabi ni Miss Grace. Mga ilang minuto din ang lumipas bago bumukas ang pinto at lumabas ang pamangkin si Mr. Sandoval. Nasulyapan ko ang kanyang muka pero side view lang kaya hindi ko din masyadong nakilala. Kinuha ko ang mga documents at pumasok na ako sa loob, naabutan ko si Señor na nakaupo sa kanyang swivel chair. Maya-maya ay nag salita ito at humihingi ng gamot sa para sa sakit ng ulo. "Senor, ano pong nangyari sa inyo? Okay lang po ba kayo? "Sumakit lang ang ulo ko iha, mawawala din ito pag nakainom na ako ng gamot." Ang mahinang sagot ng Senor. "Sigurado po ba kayo? Mukang namumutla po kayo? Pumunta po kaya tayo sa ospital?" "Hindi na iha! Akin na ang gamot ko para mainom ko na." Gusto ko sana tanungin ang Senor kung anong pinag usapan nila ni Mr. Sandoval, pero nahihiya naman ako dahil alam ko naman na dapat respetuhin ko ang privacy ni Señor. Hindi lang mawala sa isip ko kung bakit mukang ang laki ng problema nang Señor at nag aalala ako para sa kalusugan niya. Naging abala na ako sa aking ginagawa inayos ko na din ang ilang files na pinapaayos sa akin nung mag 3pm na ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Doc. Mendoza. "Hello! Miss Saavedra, I want you to submit your report about the condition of Mr. Feliciano. Send it to my email ASAP, gusto kong malaman kung may improvement ba sa condition nia ang mga gamot na binibigay ko sa kanya." "Okay po doc, I'll send it to you right away." Ang sagot ko kay Doctor Mendoza. Kinuha ko ung Ipad na gamit ko sa pag rerecord ng mga kilos at mga kinakain ng Señor at agad ko itong pinadala kay doktor Mendoza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD