CHAPTER 9

1277 Words
WENG Nakauwi na kmi ni señor Arnulfo sa mansion pero napansin ko na masama ang kanyang pakiramdam nia. Kaya sinundan ko siya sa kanyang silid upang alamin ang kalagayan niya. Pagtapat ko sa kanyang silid ng marahan akong kumatok sa kanyang pinto. Narinig ko ang tinig nia na pinapapasok na ako kaya dahan-dahan kong pinihit ang seradura. Nakita kong nakahiga ang senor sa kanyang kama. "Señor kamusta po ang pakiramdam mo? kanina ko pa po napapanasin na parang may dinaramdam kayo. Gusto niyo bang ipatawag ko si doctor Mendoza para po masuri ka nia." Ang sabi ko habang palapit ako sa kanyang kama. "Napagod lang siguro ako iha! Marahil dala na din ito ng edad ko alam mo naman hindi na ako bumabata kaya madali na akong manghina. Bukod sa may iniinda pa akong sakit." Malungkot na sabi ng senor. "Cge po pahinga lang po kayo, ipaghahanda ko lang po kayo ng pagkain para po makakain na kayo at makainom ng gamot." Ani ko sa kanya. Lumabas na ako ng kanyang silid para tignan kung ano ang inihandang hapunan ni Nay Lita. Naabutan ko siyang abalang nagluluto sa kusina, katulong si cora na isa ding kasambahay. "Nay, cora, kamusta po, ano pong hinanda niyo para kay Señor?" Bating tanong ko sa kanila. "Nag request ang Señor nang may sabaw na ulam anak kaya bulalo ang niluto ko para sa kanya. Meron ding enseladang talong at pritong isda." Sagot ni nay Lita. "Kamusta na pala ang lagay nang Señor iha, mukhang napansin ko kaninang dumating kayo na medyo matamlay ang Señor." Aning tanong ni Nay Lita. "Napagod lang daw po siya Nay Lita kaya hinayaan ko muna po siyang magpahinga sa kanyang silid. Ayaw naman po niyang tawagan ko si Doctor Mendoza para matignan siya, ang sabi po niya ay ayos lang naman daw po ang pakiramdam nia." "Salamat iha at nandiyan ka para alagaan ang Señor, alam mo ba na mula ng dumating ka dito sa mansion ay naging masayahin na ang senor. Napansin ko din na sumigla na siya, ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganyan. Mula ng mamatay ang senyora naging mag isa na ang senor kaya natutuwa ako na pumayag kang alagaan siya." Ang madamdaming sabi ni nay Lita. Nalulungkot ako para sa amo ko, may mga anak nga siya pero hindi niya maramdaman ang mga ito. May mga pagkakataong naiisip ko na, paano kaya kung malaman nila ang totoong lagay ng kanilang ama? Alagaan kaya nila ito? Mga katungan sa isip ko na hindi ko mabigyan ng tamang sagot. Dahil sa araw araw kong nakakasama ang senor alam kong nangungulila siya sa pagmamahal ng kanyang mga anak. Nung araw na pinapunta niya ako sa kanyang opisina doon ko nalaman ang totoong dahilan kung bakit ako ang gusto niyang maging Personal Assistant niya. Naawa ako para kay senor sa dami ng naitulong niya sa amin simula ng mawala ang inay ay hindi na ako nag dalawang isip na tanggapin ang kahilingan niya. Sobrang bait nang senor at mahal niya ang kanyang mga anak, ngunit ayaw niyang mag alala ang mga ito sa kanya kaya ayaw niyang ipaalam ang totoo niang kalagayan sa mga ito. Kaya naintindihan ko ang galit sa akin ni ma'am Sofie hindi niya alam ang totoo kaya marahil ay iba ang tingin niya sa akin. Nang maihanda ko na ang pagkain ng Señor ay agad ko na itong dinala sa kanyang silid. Nadatnan ko siyang nagbabasa ng kanyang libro, nang makita niya ako ay agad niya itong itinabi. Inilapag ko ang kanyang hapunan sa maliit na lamesa at inalalayan ko siya papunta doon upang makain na. "Señor, ubusin niyo po ang pagkain niyo para mabilis kayong lumakas at wag na po kayo masyado nag iisip ng kung ano-ano kayo din mabilis kayong tatanda." Ang pabiro kong sabi. Natawa naman ang señor at agad ding sumagot. "Naku iha, wala na akong itatanda kasi matanda na talaga ang senor mo. Ikaw talaga lagi mo akong pinapatawa." "Pero señor wala po ba kayong balak sabihin sa mga anak niyo ang tunay niyo pong kalagayan. Para naman po maintindihan at maalagaan nila kayo." "Hindi muna siguro sa ngayon iha, ayaw kong istorbohin ang mga anak ko alam ko na abala din sila sa mga sarili nilang negosyo. Lalo na ang panganay kong si Andrew na nasa amerika masyadong busy ang anak ko na yon at tutok sa negosyo niya. Si Sofie naman ay ganun din may sarili din syang botique na pinapatakbo kaya abala din siya ngayon." Ang malungkot na kwento ng señor. "Hayaan niyo po señor, pangako ko po sa inyo na ako po ang mag aalaga sa inyo hindi ko pp kayo pababayaan. Hanggat gusto niyo po ako hindi po ako aalis sa tabi niyo." "Salamat iha, unang kita ko pa lang sayo alam ko na mabuti kang anak at kapatid. Salamat at hindi ka tumangi sa alok ko, alam kong mapapagkatiwalaan kita. Hayaan mo lang ang ibang tao na mag isip ng hindi maganda sa iyo dahil alam naman natin ang totoong dahilan kung bakit kita kasama dito sa mansion at bakit ikaw ang kinuha kong Personal assistant ko." Matapos ko siyang painumin ng gamot ay agad kong niligpit ang pinagkainan ni senor at dinala na sa kusina. Umakyat na din agad ako sa aking silid para magpahinga. Nag shower na din ako para naman maging presko ang pakiramdam ko sa aking pag tulog. Nang matapos akong mag shower ang nag suot lang ako ng aking pantulog at tinuyo ang aking mahabang buhok ng blower. Habang nakahiga ako sa aking kama iniisip ko ang kalagayan ng senor, gusto ko siyang kumbinsihin na magpagamot ngunit palagi niya namang sinasabi na ok lang siya. Hindi ko namalayan na unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. May isang lalaki akong narinig na tinatawag ang pangalan ko, ngunit hindi ko makita kung sino siya. Nakangiti sya sa akin, nakasuot ng isang kulay puting polo at napaka gwapo nia sa kanyang suot. Habang papalapit siya sa akin ay unti unti kong naaamoy ang kanyang mabangong amoy na nanunuot sa aking ilong. Kahit hindi ko makita ang kanyang muka ay alam kong napaka gwapo niya at parang ang sarap niyang yakapin. Nang akmang hahalikan niya na ako ay narinig ko ang malakas na tunog na nang gagaling sa aking celphobe at bigla akong napabalikwas at nagising... "PANAGINIP LANG PALA....." "Sayang akala ko totoo na, ayon na eh hahalikan na ako. Sino ba naman kasi ang istorbong tumatawag sa akin ng dis oras ng gabi? Panira din ng panaginip nakakasira ng moment." Inis kong kausap sa sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table at tinignan ko kung sino ang tumatawag. CHELLIE 5 MISSED CALLS... Basa ko sa screen ng cellphone ko. Pag bukas ko ng cellphone ko ay nabasa ko na may chat pala siya sa akin na hindi ko napansin. Agad kong sinagot ang chat niya. "Chell bukas na lang tayo usap, antok na ako GOODNIGHT!" Hindi ko na hinintay na mag reply ang kaibigan ko. Humanda ka talaga sa akin bukas bruha ka minsan na lang managinip ng pogi tumawag ka pa, napaka wrong timing niya talaga. Ipinatong ko na ulit ang C.P ko sa table at ipinikit kp na ang aking mata. Iniisip ko kung sino ang lalaki sa aking panaginip, siya na kaya ang forever ko. Pero parang kilala ko siya hindi ko lang maisip kung saan ko ba siya nakita. Sana mapanaginipan ko ulit ang lalaking yon, parang may kilig akong naramdaman habang patuloy kong iniisip ang lalaki sa aking panaginip. Hindi ko namamalayan na unti unti na akong tuluyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD