WENG Nakauwi na kami ng Manila galing sa 3 araw na bakasyon. Balik na uli kami sa dati naming buhay. Hinatid ko na ang mga kapatid ko sa condo dahil may pasok pa sila bukas. Nauna ng umuwi sa mansion sila Senor kaya ako ay ihahatid na lang ni Ethan. Matapos kong maayos ang kailangan ng mga kapatid ko ay agad na din akong nagpaalam sa kanila, nag aya pa kasi si Ethan na kumain daw kami sa labas kaya naman pinagbigyan ko na. Nakarating kami sa isang fine dining restaurant at agad kaming pumasok. Iginiya kami ng waitress sa isang table na nasa gilid na hindi masyado dinadaanan ng tao. Ipinaghila naman ako ni Etham ng upuan bago sya umupo. Hindi ko napansin na may 3 kababaihan pala na kanina pa nakamasid sa amin simula pa lang pag pasok namin sa resto. Dumating ang waiter para kuhain ang ami

