WENG Naging maayos ang relasyon namin ni Ethan sa mga nagdaang buwan nag celebrate na din kami ng aming 1 year anniversary at hindi na muling nag krus ang landas namin ni Olivia. Abala ako ngayon dahil pupunta ako sa school ng mga kapatid ko magtatapos na din kasi siya sa senior highschool, konting panahon na lang mapapatapos ko na siya kaya masayang masaya ako dahil lahat ng pangarap ko ay unti-unti na ding natutupad. Nakarating kami ng Holy Cross Academy at napaka dami ng tao may mga nag titinda ng mga bulaklak na panabit sa leeg, masayang muka ng mga magulang ng magsisipagtapos, at mga batang halata mo ang saya sa kanilang mga mukha dahil natapos na nila ang isang kabanata ng kanilang buhay. Lahat ng pagod nila ay nagbunga na dahil ngaun ang araw na aanihin na nila ang ilang taon nil

