WENG Habang tumatakbo ang kotse na sinasakyan ko ay nahihilo ako at nagdidilim ang paningin ko. Hindi mo alam kung bakit pero parang pinagpapawisan ako ng malamig. Kinakausap ako ng driver pero hindi ko na sya maintindihan hanggang sa unti unti nang nagdilim ang buong paligid ko. Nagising na lang ako sa isang silid na may puting kisame. Tinignan ko ang paligid at wala akong makitang tao. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at may isang matandang lalaki ang pumasok. Matangkad ,maputi may pagka mestiso at higit sa lahat ay may pagkakahawig kami. Kinakabahan ako dahil.parang kilala ko siya, pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Bigla ulit bumukas ang pinto at pumasok si Troy. "I- ikaw ung taxi driver na sinakyan ko kanina diba?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya umiimik kundi p

