WENG "Si Senor Arnulfo kaibigan mo?" tanong.ko sa aking ama. "Oo! Ang pagta-trabaho mo sa kanya ay hindi isang aksidente ipinakiusap ko sa kanya na bigyan ka niya ng trabaho dahil ang sabi niya ay nahihirapan daw kayo ng inay mo. Nung may naaalala na ako ay muli kong kinausap ang inay mo. Gusto kong maging maayos ang buhay niyong magkakapatid kaya sabi ko magpapadala ako ng pera para sa lahat ng pangangailangan niyo, ngunit tumanggi ang inay mo. Kaya niya daw kayo buhayin without my help kaya gumawa ako ng paraan para matulungan kang magkaroon ng trabaho na hindi ka masyadong mahihirapan. Kinausap ko ang kaibigan ko na si Arnulfo na bigyan ka ng trabaho kaya kinuha ka niyang tagalinis din yun lang ang pwede na hindi magdududa ang inay mo. Nung mamatay siya gustong gusto ko na kayong kuni

