Pagka uwi ko ng bahay ay agad akong nagbihis at naghanda nang aking lulutuin para sa aming hapunan. Wala pa ang inay at tiyak na pagod na un pag uwi. Ang dalawa ko namang kapatid ay abala sa kanilang mga assignment, sila ay pareho pang nag aaral sa highschool. Ang sumunod sakin na si Arjay ay nasa grade 10 na ngaun samantalang ang aming bunso na si Samantha ay nasa grade 7 na.
Hindi pa ako nakakatapos mag luto ng ulam ng dumating ang inay.
"Kamusta po ang araw mo inay, mukang pagod na pagod po kayo ngaun."
" Mabuti naman anak medyo matumal ang bentahan ngaun sa bangketa at nagkakahulihan. Bakit ba nmn kasi kaming maliliit na vendor ang pinag iinitan nila, mabuti na lang at doon sa pwesto ko ay hindi ako pinapaalis ng may ari kaya hindi ako hinuli dahil legal naman ang pwesto." Ani ng aking ina na nagpapaypay dahil medyo mainit ang aming bahay.
Pagtapos ng aming hapunan ay agad din akong nag imis ng aming pinagkainan. Habang naghuhugas ng pinggan ay biglang may narinig akong tumatawag sa akin. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si chellie na ngiting ngiti at mukang masaya ang aking kaibigan, may magandang balita yata ang bruha.
"Oh! Chellie ba't naman ang ganda yata ng ngiti natin diyan abot hanggang Baguio, anong meron?" Ang pabirong sabi ko sa aking kaibigan.
"Ito nga kasi, alam mo ba na may nakita akong hiring dun sa isang coffee shop malapit dun sa pinag tatrabahuan ko na building." Ang sabi skin ni chellie. Janitress kc ang kaibigan ko doon at 8-5 din ang pasok nia.
"Gusto mo bang mag apply sayang din kasi yun, kaya lang pang gabi ang pasok. Nagtanong na kasi ako dahil gusto ko sana mag apply at lagi pa din kapos ang sweldo ko para sa pang araw araw namin. Alam mo naman ako din nag papaaral sa tatlo kong kapatid ky dpat double o kung pwede pa nga tiple work ako." Ang mahabang litanya ni chellie habang nakikinig lang ako sa sinasabi niya.
"Kailan ba tayo mag aapply nag iipon din kc ako para pambayad sa review center na pag eenrollan ko para makapag take na din ako ng board exam. Alam mo naman ang pangarap kong makapagturo kaya kailangan makapag ipon ako hindi ko din pwede iasa kay inay ang pang enroll ko at malaki laki djn ang 8k." Ani ko sa aking kaibigan.
Napagkasunduan nmin na bukas na kmi mag aapply ng umaga dahil day off niya din bukas. Tamang tama at wala din akong pasok kila señor arnulfo kaya makakapag apply ako. Sana lang matanggap para mabilis akong makaipon.
Maaga akong nagising kinabuksan dating routine namalengke muna ako para makapag luto bago umalis para pag uwi ni inay at ng mga kapatid ko ay may makakain na sila. Maaga kc umalis si inay knina para daw makarami ng tinda, nag aangkat kc siya ng kakanin na siya nman niyang ititinda sa bangketa.
Bandang alas nueve ng umaga ng marinig ko na ang boses ni chellie na tumatawag sa labas ng bahay. Agad kong tinignan ang aking sarili sa salamin kung ok na ba ang ayos ko fitted maong h0at white shirt lang ang suot ko at ipinuyod ko lang ang aking mahabang suot saka ako lumabaa para magsapatos.
"Chel tingin mo ba matatanggap tayo sa cofee shop," tanong ko sa aking kaibigan habang naglalakad kmi.
"Mukhang malaki ang chance mo kasi college grad ka naman ky may pag asa, samantalang ako highschool lang ky medyo kinakabahan ako." Wika naman sakin ni chellie.
Pag baba nmin ng jeep ay naglakad lang kami ng konti at nasa harap n kmi ng coffee shop. Agad kaming nangtanong sa guard tungkol sa nakapaskil na hiring kung may available pang posisyon na pwede naming applyan.
"Manong guard mag tatanong lang po sana ako bakante pa po ba yang nkpaskil diyan na service crew at cashier." Tanong ko sa guard na naka duty.
"Oo miss, mag aapply ba kayo akin na ang resume niyo at ako na ang mag dadala sa loob para maipili ko na may 3 na kasing nauna sa inyo at iniinterview na sila." Sabi ni manong guard sa amin ng kaibigan ko at agad akong nagpasalamat sa kanya.
Nag abang kami dto sa gilid ng coffee shop kung tatawagin na ang pangalan nmin pra sa interview.
"Chellie Sanchez, pasok ka na," tawag ng secretary kay chel.
Maya maya lang ay lumabas na nakangiti ung kaibigan ko. Agad ko sya nilapitan para tanungin.
"Ano chel natanggap ka ba?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumango at sinabing natanggap nga siya. Masaya ako para sa kaibigan ko sabay hiling na sana matanggap din ako.
"Rowena Saavedra" narinig kong tinawag na ang pangalan ko. Agad kong inayos ang sarili ko at pumasok sa isang maliit na opisina para sa aking interview.
Umupo ako sa harap ng isang magandang babae, maputi at may katangkaran din. Mukha lang siyang istrikto pero tingin ko mabait naman siya.
"Good morning maam," bati ko.
"Good morning Miss Saavedra, nabasa ko sa iyong resume na college grad ka pala at BSEd ang natapos mo." Wika ng nag iinterview.
"Yes po maam," agad ko namang sabi.
Itinanong pa nia kung bakit daw gusto ko mag apply sa coffe shop kung pwede nmn daw ako mag apply bilang isang guro para makapag turo sa tinapos kong propesyon. Na agad ko namang sinagot.
"Nag iipon pa po ako maam ng pambayad sa review center na papasukan ko di naman po kasi kaya ng aking ina na mabayaran ang magagastos ko sa aking pag rereview kaya po habang dipa ako nakakapag review ay gusto ko po muna magtrabaho pr sa pambayad ko sa aking pag aaral." Mabilis kong sagot.
"Kung ikaw ang kukunin dto sa shop kaya mo bang magtrabaho ng nightshift at maging isang cashier. May experience ka na ba sa pag kakahera." Tanong niyang muli sa akin.
"Willing naman po akong matuto ma'am kung sakali po na tatangapin niyo po ako sa posisyon madali naman po akong matuto at payag din po ako sa nightshft na trabaho ma'am wala pong problema sa akin." Mabilis kong tugon habang nakangiti.
Pinalabas na ako ng opisina dahil may huling aplikante pa na sasalang para sa interview. Isa lang kc ang tatanggapin bilang kahera kaya papatapusin muna yung huling aplikante para malaman kung sino ang matatanggap sa aming dalawa.