CHAPTER 3

1194 Words
"Rowena Saavedra," tawag sakin ng sekretarya. May binigay sakin na listahan ng mga requirements, kumpletuhin ko daw bago ipasa para makapag umipasa na daw akong magtrabaho. "Your schedule is from 5pm -1am are you sure na kaya mo ang night shift." Ang tanong sakin ng manager ng coffee shop. "Yes, maam kaya ko po aayusin ko na po lahat ng requirements ko pr makapagpasa na po ako agad. Maraming salamat po maam sa tiwala." Mabilis kong sagot. "Ok you may go now, make sure na makakapag report kana dito by monday at maibigay mo na lahat ng requirements mo." Sabi ng aming manager. Paglabas ko ng opisina ay agad akong sinalubong ni chellie. "Ano Weng tanggap ka din ba?" Ani niya. "Oo kailangan ko na din magpasa ng requirements sa monday kaya kukumpletuhin ko na itong mga nasa list para ready na sa monday." sagot ko sa kaibigan ko habang naglalakad na kmi. Habang palayo na kmi sa coffee shop bigla akong nabungo sa isang matigas na bagay na akala ko pader. "Ouch! Ang sakit ah," pagtingala ko natulala na lang ako bigla dahil tao pala ang nabanga ko. Isang matipunong lalaki na sobrang gwapo matangos ang ilong maputi at may katangkaran din. "Hoy! Weng ano na di ka ba hihingi ng sorry kay sir." Napakurap ako dahil sa sinabi ng kaibigan ko bumalik ako sa huwisyo. "Miss next time pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo." ang sabi ng gwapong lalaki. "Naku pasensya na po sir hindi ko po kayo napansin, pasensya n po talaga." Hinging paumanhin ko sa gwapong kaharap ko. Pagka hingi ko ng paumanhin dire diretso nang naglakad ang lalaki papasok sa coffee shop. "Chel nakita mo ba yon, ang pogi di ba! Jusko lumuwag yata ang garter ng panty ko. May ganoong lalaki pa pala napaka perfect." Ang sabi ko kay chellie na kumukurap kurap pa ang mata ko. Pagkauwi nmin ay kaagad ko ng inayos ang aking mga requirements para handa na ako sa pag submit ko sa monday. Sabay na din kmi ng aking kaibigan na babalik ng coffee shop dahil same lang din naman ang schedule namin na pang gabi. Kinabukasan maaga akong pumasok sa mansion ni senor arnulfo nadatnan ko si nanay lita sa kusina na nag hahanda ng almusal para kay senor. Mukang wala yatang pasok ang senor ngaung araw. "Anjan kana pala Weng," bati ni nanay lita sa akin. "Magandang umaga po nay, kumusta po inagahan ko po tlg ang pasok para mabilis po akong matapos." Tipid kong sagot, saktong palabas na ako ng kusina ng makasalubong ko ang senor. "Magandang umaga mo senor Arnulfo" agad kong bati at bumati naman sya sakin pabalik sabay ngiti. Mabilis na akong tumungo sa taas at nag umpisang maglinis hindi ako hirap ngaun dahil may kasama akong nag lilinis si Cora kasambahay sya dito sa mansyon at kadarating nia lang daw galing probinsya at nagbakasyon. Habang naglilinis ako ay pakanta kanta pa, kaya hindi ko nmalayan na nakapasok na pala si Senor Arnulfo dto sa kanyang silid na nililinisan ko. Ako ay nagulat paglingon ko. "Ay, kabayong bundat," ang malakas kong sigaw dahil sa pagka gulat. Dahil sa sigaw ko ay nagulat din ang senor at napatawa din sya. "Ano nga bang pangalan mo iha? Ilang taon kana?" Tanong nang senor. "Rowena po ang pangalan ko, pero pwede nio po akong tawaging weng. Twenty two na din po ako senor." Agad kong tugon. "Ikaw ba ay nag aaral pa," muljng tanong niya. "Sa ngaun po ay nakapag tapos na po ako sa kursong education, nag iipon na lang po ako para makapag enroll po ako sa review center. Medyo mahal po kc ang tuition at hindi po kaya ng aking inay kaya po ako nagttrabaho para maka ipon po ng pang enroll ko." Tugon ko habang nakangiti. "I think with your hard work you will go far in life. A person like you who has persistence in life will definitely be successful when the time comes." Muling sabi ng senor. "Naku maraming salamat po senor at naniniwala din po ako sa kasabihan na KAPAG MAY TIYAGA MAY NILAGA AT MAY ULAM NA MASARAP NA HINANDA SI INAY." ang tumatawa kong sagot sa senor sabay na nagpaalam na ako sa kanya dahil madami pa akong lilinisin. Patapos na akong maglinis ng timingin ako sa aking orasang pambisig. Mag aalas kwatro na pala ng hapon, buti na lang at maaga ako makakauwi ngaun kausap ko sa aking sarili. Pagbaba ko sa living area ay nakita ko si cora na patapos na din sa kanyang gawain. Sakto pag labas ni nay lita ay inaya na nia kaming mag miryenda. Habang nag mimiryenda ay masaya kaming nag kikwentuhan ni cora ng bigla naman pumasok si aling belen na kaibigan ni Inay. "Weng andto ka pa pala akala ko nakauwi kana." Ang magiliw na bati sa akin ni aling Belen "Kakatapos lang din po namin mag linis aling Belen, maya maya lang din po ay pauwi na ako pagtapos lang po nmin mag miryenda." Mqbilis kong tugon. "Ay ganun ba, oh sya maiwan ko muna kayo at di pa tapos ang ginagwa ko sa likod mag sasampay pa ako at mag tutupi. Hindi ko nga ba mawari mag isa lang naman dto ang senor pero napakadami kong labahin araw araw." Reklamong sagot ni aling lita. Nang matapos na akong kumain ay agad na din akong nagpaalam sa aking mga kasama na uuwi na. Paglabas ko ng kusina ay nakita ko pa ang senor na nasa sala at may kausap. Nang makita nia ako ay agad niang pinatay ang telepono at humarap sa akin. "Uuwi na po ako senor," agad kong paalam sa kanya. "Sa lingo nga pala ay pwede ka bang tumulong dto sa mansion para mag silbi sa mga bisita?" Balik na tanong sakin ng senor. Dodoblehin ko na lang ang sahod mo sa araw na un kung ok lang sayo iha?" Tanong ulit sa akin. "Naku wala pong problema maaga pa lang po ay pupunta na po ako dito." Ang nakangiting kong ani. Nang malapit na ako sa aming bahay ay naisipan kong daanan ang kaibigan ko na si chellie pr kamustahin. Maaga pa naman at may oras pa akong makipag kwentuhan. Inabutan ko siyang kausap ang manliligaw niya na si Troy. "Uy chel, ano na sinagot mo na ba itong si Troy? Pabiro kong sabi sa kanya. "Naku Weng magtigil ka nga wala pa sa isp ko yan alam mo naman na family first ako. Ewan ko nga ba dito kay Troy at ang kulit ayaw pa akong tigilan ilan beses ko na siyang sinabihan na mag hanap ng iba." "Chel sinabi ko na sayo na kaya kong mag hintay kung kailan ka magiging ready hindi naman ako nag mamadali."wika din ni Troy. "Ayieee, kinikilig naman ako sa inyo sana all hihintayin kung kailan magiging ready. Iba din naman ang ganda ng kaibigan kong ito, ang haba ng buhok abot hanggang Baguio. Ikaw na chel ang maganda." Tumatawa kong sabi. Nagpaalam na din ako sa kanilang dalawa at mukang ako ang istorbo sa pagliligawan nila. Kaya dumiretso na akong uwi ng bahay pagkatapos kong magpaalam sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD