CHAPTER 4

1065 Words
Araw ng lingo maaga akong naghanda para makapunta sa mansyon.buti n lang at natapos ko nang gawin ang aking mga requirements na ipapasa bukas ky wala na ako aalalahanin pa. Hindi magtitinda si inay ngaun kaya hindi na ako nag abala na mag luto para sa kanila wala din pasok ang mga kapatid ko kaya may katulong din si inay dto sa bahay. Pagkabihis ko ay agad na akong nagpaalam para makapasok na sa mansion. Malaki laki din ang kikitain ko ngaun kasi dodoblehin daw ang sahod ko ang sabi ni senor. Pagkarating ko sa mansion ay agad akong pinagbuksan ng gwardya, naabutan kong abala ang lahat sa pag aayos sa garden malapit sa may pool area may ginawa din silang mini stage doon. Ang lahat ay napapalibutan ng magagarang dekorasyon, makikita mo talaga ang estado ng pamumuhay nila sa mga palamuting ikinakabit nila. Naging abala ang lahat katulong ako ni nanay Lita sa kusina, sila Cora naman ay abala sa pag sasaayos sa sala at si aling Belen nman ay nagpapalit ng kurtina. Madami din ang tumutulong dto sa mansyon may kinuha din si don Arnulfo na mag luluto. Siya daw talaga ang kinukuha sa mansyon na taga luto dahil nagugustuhan daw ng senor ang lahat ng putahe na niluluto niya. Sumapit ang alas sais ng gabi at unti unti ng nag dadatingan ang mga bisita, ito pala ay isang thanks giving party ng senor pr sa isang matagumpay na launching ng isa niyang negosyo. Puro mayayamang tao ang nakikita ko, magagarbo at magagarang kasuotan ang nasisilayan nang aking mata at nagmamahalang sasakyan ang isa isang pumaparada sa harap ng mansyon. Papunta ako sa may pool area para mag serve ng drinks ng may mabangga akong isang babae. "What the hell aren't you looking? You're a fool; you saw a lot of people, and you didn't pay attention." Ang mataray na sigaw sa akin ng magandang babae. "Im sorry maam, pasensya na po kayo hindi ko lang po kayo agad napansin." Hinging paumanhin ko sa bisita. "Sofie your here!" Agad na sabi ni senor Arnulfo pag lapit nia. "What happening here? Why are you yelling to Weng?" Muling tanong ng senor. "Congratulations, Dad! Of course, I'm here; I'm your daughter remember. I won't miss this big event? And sa tanong mo nman kung bat ko siya sinisigawan? Look what she did to me binangga nia ako kasi hindi sya tumitingin sa dinadaanan niya alam niyang madaming tao tatanga tanga siya." Ang mataray na sabi nang anak ni senor. "Maam, pasensya na po talaga hindi ko lang po kayo napansin, pasensya na po di na po mauulit." Hinging paumanhin ko sa sobrang hiya ko dahil nakakaagaw na kmi ng atensyon ng mga taong nandirito sa party. "Sofie thats enough! humingi na sya nang sorry nakakahiya na sa mga bisita. Hindi ka naman siguro pumunta dito para gumawa lang ng eksena." Galit na wika ng senor habang sinabihan ako na pumasok na sa loob ng masion at mag ayos. Sa sobrang hiya ko ay napaiyak na lang ako habang papasok sa kusina. Sa gilid n lang ako dumaan para hindi ako makita ng mga bisita na nasa loob ng masion. Nakita ako ni nay Lita na umiiyak at tinanong niya ako kung bakit. "Weng ano nangyari bakit ka umiiyak?" Tanong niya na may pag aalala sa kanyang boses. "Wala po ito nay medyo napagalitan lang po ako ni maam Sofie hindi ko po kasi sinasadya na mabanga ko siya kanina hindi ko po kasi napansin." Sagot ko habang humihikbi pa ako. "Sus! Si Sofie ba wag muna un pansinin naku ganun talaga ugali ng bata na yon. Hindi nag mana sa ama ang ugali na mabait, may pagka maldita talaga ang isang yon. Lagi mainit ang ulo kala mo lagi na lang may regla." Tumatawang sagot ni nay Lita. Sumapit ang alas nueve ng gabi ng unti unti ng mag uwian ang mga bisita at nagpaalam na din ako na uuwi na. Pero dahil gabi na ay nag sabi si senor Arnulfo na ipapahatid na lang ako sakanilang driver. Pinagbalot ako ni nay Lita ng pagkain pr daw may maiuwi ako sa aking pamilya. Pumasok si Cora sa kusina at pinapatawag daw ako ng senor sa sala. Nagpasalamat sakin ang senor at may inabot na sobre bilang pasasalamat daw nia. Agad kong tinanggap at nagpaalam na akong uuwi. Hinatid na ako ng driver at mabilis akong nakauwi sa amin. Pag pasok ko sa bahay namin ay agad kong nabungaran ang aking ina na nakaupo sa maliit naming sofa. "Mano po inay, bakit po gising pa kayo? Dapat po nagpapahinga na po kayo at maaga po kayo nagigising sa umaga." Ani ko sa aking ina. "Hindi pa kasi ako makatulog anak, bukod sa hinihintay kita ay nahihirapan din akong huminga kaya umupo muna ako dito." Wika ni inay. "Gusto mo po bang ipagtimpla kita ng maligamgam na calamansi juice. Makakatulong po iyon sa inyo para medyo lumuwag ang pag hinga mo inay." Ang malambing kong tugon. "Huwag na anak mabuti pang magpahinga kana at alam ko rin na pagod ka, kamusta pala ang pag tatrabaho mo sa mansyon nang mga Feliciano?" Ang mahinang tanong sa akin ng aking ina. "Mabuti naman po mabait po si senor arnulfo katunayan nga po ay may inabot pa lang sobre sa akin ang senor. Pasasalamat nia daw po sa akin." Sabay kuha ko ng sobre sa aking bag at binuksan. Nagulat ako nang makita ko ang laman ng sobre na puro tag iisang libo. Hindi ako makapaniwala na bibigyan ako ng senor ng ganito kalaking halaga ns sampung libo din ito. "Anak,sigurado ka bang binigay sa iyo iyan? Baka naman nagkamali lang ang iyong amo." Ang sabi ng aking ina. Kahit ako din ay nagulat wala naman dahilan pra bigyan ako ng ganito kalaking halaga dahil bayad naman ang aking serbisyo sa pagtatrabaho sa mansyon. Nakahiga na ako dito sa aking silid pero hindi pa din ako dalawin ng antok. Maaga pa ako bukas na pupunta sa coffee shop para mag pasa ng aking mga requirements. "Antok sumanib kana sa akin please!" Kausap ko sa aking sarili. Iniisip ko pa din ang binigay sa akin na sobre kailangan kong ibalik ito baka naman nagkamali lang talaga ng bigay sa akin. Ipinikit ko ang aking mata hangang sa unti unti bumibigat na ang talukap ng aking mata at tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD