CHAPTER 5

1274 Words
Maaga akong nagising at agad na pumasok sa banyo para maligo hindi naman ako nagtagal at lumabas din ako makapag ayos dahil ngaun ako magpapasa ng requirements ko sa coffee shop na inaplyan namin ng aking kaibigan. Di muna ako nagbihis ng pang alis dahil mag luluto muna ako ng aming agahan paglabas ko ng aking silid ay nakita ko pa si inay na nakaupo sa maliit naming sofa hindi pala sya lumipat sa kanyang silid. "Inay, gising na po bat di po kayo lumipat sa kwarto nio." Ang mahina kong sambit sa aking inay, pero hindi sya nagmumulat ng kanyang mata bagkus puro mahihinang ungol lang ang aking naririnig mula sa labi nia. "Inay ano po bang nangyayari sayo may masakit po ba, sabihin mo po sakin?" Kinakaban na tanong ko sa kanya. Pero kahit anong sabhin ko ay ungol lang talaga ang naririnig ko sa aking ina kaya kinakabahan na ako. Umiiyak kong tinawag ang 2 kong kapatid na nag hahanda na sa pag pasok nila sa eskwela. "Arjay! Sam!" Ang malakas kong sigaw. "Humingi kayo ng tulong sa labas at itatakbo natin sa ospital si inay" umiiyak kong utos sa 2 kong kapatid. Agad na nagpjntahan ang mga kapitbahay namin sa bahay para tulungan kaming itakbo si inay sa ospital. "Weng ano ba nangyari kay kumareng Tess" ang natatarantang tanong ni aling belen sa akin. "Hindi ko po alam aling belen, kagabi po nadatnan ko si inay na nakaupo lang jan sa sofa at nahihirapan daw syang huminga. Hindi ko namn po alam na magiging ganyan sya. Ang sabi nia po kagbi ay ok lang sya." Umiiyak kong sabi kay aling belen. Dumating ang ambulansya ng barangay at isunugod namin sya sa ospital. Ibinilin ko sa kapatid ko na sila n lang muna ang bahala sa bahay dahil ako ang sasama kay inay sa ospital. Sa emergency room na sinugod si nanay habang sinusuri sya ng doktor sa loob ay nakatanaw ako sa maliit na salamin sa pinto, walang tigil ang pagdaloy ng aking masaganang luha. Takot at kaba ang aking nararamdaman. Paano kung iwan na kami ng aking ina hindi ko kakayanin? Paano na kaming magkakapatid. Kasabay ng pagdaloy ng aking luha ay isang taimtim na dasal ang sinasambit ko sa aking isipan. "Panginoon, tulungan nio po si inay wag niyo po siyang pababayaan. Siya na lang po ang meron kami, wag mo naman po syang kunin samin. Lahat po kaya kong gawin para sa inay at mga kapatid ko. Maawa na po kayo sa amin!" Ang paulit ulit kong dasal. Sa Diyos na lang ako kumakapit dahil takot na takot ako ngayon. Isang oras na akong nag hihintay sa labas ng emrgency room para malaman ang kalagayan ng inay ng biglang lumabas ang doktor kasunod ng 2 nurse. "Dok, kamusta po ang inay ko?" Umiiyak kong tanong. "Kayo po ba ang kamag anak ng pasyente?" "Opo, dok nanay ko po siya. Ano pong lagay niya." Nanginginig ang boses kong ani. "Pasensya na po ginawa na namin lahat ang magagawa namin, pero hindi na po talaga kinaya ng iyong nanay. Nirevive namin sya ng ilang ulit pero di na kinaya ng puso niya." Ang malungkot na tugon ng doctor sa akin. Parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi ng doctor. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pàano na kami ngaun? Paano ko bubuhayin ang mga kapatid ko? Pumasok ako sa kwarto para tignan ang inay at sa huling pagkakataon ay niyakap ko sya ng mahigpit at puno ng pagmamahal. "Inay kung ito po ang kaloob ng Diyos ay maluwag kong tatanggapin. Salamat sa pagmamahal sa aming magkakapatid. Magpahinga ka na po ako na pong bahala sa mga kapatid ko. Sisikapin ko pong mapagtapos sila ng pag aaral kagaya ng pangarap mo.Pahinga ka na inay mahal na mahal po kita." Umiiyak kong bulong sa aking inay. Kakayanin ko ito, dapat kayanin ko ako na lang ang aasahan ng mga kapatid ko. Kung magiging mahina ako paano ko sila mabubuhay. Kausap ko sa aking sarili. Naiburol namin si inay ng 2 araw hindi ko na pinatagal pa dahil wala naman kaming hinihintay na iba pang kamag-anak. Nagbigay din ng tulong si Senor Arnulfo at sya ang sumagot sa pagpapalibing ni inay. Inalok din ako ng senor kung gusto ko ng mag trabaho sa kanya nia ng fulltime para daw may pang tustos ako sa mga pangangailangan ng mga kapatid ko. Matapos ang libing ni Inay ay inayos ko na ang mga gamit niya. Habang isa isa kong tinutupi ang mga damit niya nag uunahan naman sa pagtulo ang aking luha. Akala ko ok na ako pero hindi pa pala. Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang aking kapatid na bunso. Agad kong pinunasan ang aking luha ayaw kong makita nia na umiiyak ako. "Ate, pano na tayo ngaung wala na si inay?" Umiiyak na tanong ng kapatid ko, agad ko syang niyakap ng mahigpit para iparamdam na andto lang ako para sa kanila. "Sam, ngayong wala na si inay ako na ang bahala sa inyo. Mag tatrabaho ako para makapag aral pa din kayo ng kuya Arjay mo. Tutuparin pa din natin ang pangarap ni inay na makapagtapos kayo hanggang kolehiyo. Andto lang si ate para sa inyo aalagaan ko kayo at di ko kayo pababayaan." Umiiyak ko ding sabi sa aking kapatid habang pinupunasan ang kanyang luha. Narinig kong tumatawag ang kaibigan kong si chellie sa labas. "Weng, Tao po!" Tawag ng kaibigan ko. Pinagbuksan ko sya ng pinto at pinapsok sa aming sala. "Napasyal ka may kailangan ka ba." Ani ko. "Kamusta kana, ok ka lang ba?" Balik na tanong ng aking kaibigan. "Itatanong ko lang sana kung tutuloy ka pa ba sa coffee shop. Sinabi ko kasi nung monday kay maam Rita na may nangyari nga sa inay mo. Kaya ang sabi nia kung interesado ka pa daw ay bibigyan ka pa nia ng isa pang pagkakataon para ipasa lahat ng requirements mo." Ani sakin ni chellie. "Sa totoo lang hindi ko pa alam ang isasagot ko Chell kasi alam mo nman kakalibing pa lang ng inay. Wala pa akong maayos na plano ang alam ko lang sa ngaun ay kailangan ko magtrabaho pr buhayin ang mga kapatid ko. Pupunta ako bukas sa bahay ng mga Feliciano kasi may inaalok sa aking trabaho si senor arnulfo." Tugon ko sa aking kaibigan. "Ganun ba, cge pag isipan mo munang mabuti ayun lang naman ang pinapasbi sa akin ni maam rita at naikwento ko nga na pumanaw na si aling Tess." Ani ng aking kaibigan Pag alis ni chellie ay pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko sa kwarto ni inay. Habang nag liligpit ako isa lang ang naiisip ko kailangan kong magkaroon ng maayos na trabaho at stable income para mabuhay ko ang mga kapatid ko. Gagawin ko lahat para maibigay ang lahat ng pangangailangan nila. Walang ibang tutulong sa akin kundi sarili ko lang. Kaya laban self kakayanin mo yan bulong ko sa aking sarili. Hindi ako pwede panghinaan ng loob ngayon. Tatlo na lang kaming magtutulungan, sa akin kukuha ng lakas ang mga kapatid. Paano sila lalaban kung ako na ang manghihina. Pinahid ko ang mga luhang tumutulo sa aking mata kasabay ng taimtim na pag usal ko ng dasal na sana makayanan naming magkakapatid lahat ng pag subok na darating. Kung sana andito si itay hindi sana kami mahihirapang magkakapatid. Kaso iniwan nia din kami kaya inako ni inay lahat ng hirap maitaguyod lang kaming magkakapatid. Ngayong wala na din si Inay tanging ako na lamang ang pwedeng bumuhay sa mga kapatid ko. PANGINOON KAYO NA PO ANG BAHALA SA AMIN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD