Biglang tumunog ang cellphone ko at agad ko naman itong tinignan. Si nay Lita ang tumatawag at ang sabi nia at pinapapunta daw ako ni senor arnulfo sa mansion bukas.
Maaga akong nagising at naghanda upang pumunta sa mansion. Inabutan ko si senor Arnulfo na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo sa may garden. Lumapit ako at agad ko syang binata.
"Magandang umaga po senor, pinapaunta nio daw po ako dto ang sabi ni nay lita."
"Maupo ka iha!"
"Pinapunta kita dito dahil gusto sana kitang tulungan, aalukin kita ng trabaho. Nakatapos ka naman ng kolehiyo diba kaya sigurado akong kaya mong maging Personal Assistant ko." Ang sabi ng senor habang nakatingin sa akin.
"Sigurado po ba kayo senor!" Gulat kong tanong. Hindi ako makapaniwala na inaalok nia akong magtrabaho sa kanya.
"Kung papayag ka ay bibigyan kita ng malaking sweldo, pero bilang personal assistant ko ay dto ka din titira sa masion kasama ko at kahit saan ako magpunta ay kasama kita." Wika pa ni senor.
"Wala naman pong problema senor pero iniisip ko lang po ang mga kapatid ko wala po silang makakasama sa bahay namin kung hindi ako uuwi." Malungkot kong sagot.
Nag offer sa akin ang senor na ililipat ang mga kapatid ko sa isang condo na pag aari nia at sya na din ang magpapa aral sa mga ito, kung papayag daw ako sa alok niya na mging PA nia. Nag aalangan pa din ako kahit sa kabilang parte ng utak ko ay iniisip ko na makabubuti ito para sa amin. Magiging maayos ang buhay ng mga kapatid ko pag pumayag ako sa alok ng senor.
"Pwede ko po ba munang pag isipan ito ng mabuti senor. Hindi pa po kasi ako makapag desisyon ngaun gusto ko po munang pag isipan ang isasagot ko sa inyo."
"Cge iha pag isipan mong mabuti ang alok ko sayo. Gusto kitang tulungan na maging maayos ang buhay niyong magkakapatid. Alam ko na ikaw na lang ang inaasahan ng mga kapatid mo kaya gusto kitang tulungan para hindi kana mahirapan na maghanap ng trabaho." Ang paliwanag sa akin ng senor.
Pagkatapos namin mag usap ay agad din akong nagpaalam kay senor. Binilin niya na dumaan daw ako kay nanay lita dahil may ibibigay daw sa akin ang kanyang mayordoma.
Agad akong nagpunta sa kusina at naabutan ko si nanay lita na abalang nag luluto. Binati ko sya at agad niang iniabot sa akin ang isang eco bag na may lamang groceries. Tulong daw ito ni senor sa amin.
Nang makauwi ako ng bahay ay inihanda ko na ang aming pananghalian, half day lang kasi ang mga kapatid ko ngaun dahil may program daw sa school nila.
Pagtapos magluto sinunod ko naman ang paglilinis ng munti naming bahay. Tamang tama na patapos na ako ng marinig kong dumating na ang mga kapatid ko. Agad din kami kumain at pagkatapos namin ay kinausap ko silang 2 tungkol sa alok na trabaho sa akin ni senor.
"Arjay, Sam pwede ba tayo mag usap may mahalaga lang akong sasabihin sa inyo." Bungad kong sabi sa mga kapatid ko.
Pinaliwanag ko sa knila lahat ng sinabi sa akin ni senor tungkol sa trabaho na inalok sa akin pati sa balak niyang ilipat ang mga kapatid ko sa isang condominium at ang plano niyang pagpapaaral sa kanila.
"Ikaw po ate kung ano ang sa tingin mong makabubuti ay iyon po ang sundin mo." Sabi ng kapatid kong si arjay.
"Kaya na naman po namin ang mga sarili namin ate alam ko po na mahirap din po ito para sayo. Kasi inako muna ang responsibiladad samin ni kuya kaya tutulungan ka po namin hindi na po kmi magiging pabigat sayo." Nakangiting sagot naman ng amin bunso sa akin.
Tumulo ang luha ko kasi napaka maunawain ng mga kapatid ko. Ayaw din nila akong mahirapan, natutuwa ako kasi nagkaroon ako ng 2 kapatid na nakakaunawa sa sitwasyon namin. Alam ko naman na kaya nila dahil kahit nung nabubuhay pa si inay ay hindi aman sila nagpasaway at lahat ng bilin ni inay ay sinusunod naming dahil ayaw na naming dagdagan pa ang paghihirap ng aming ina.
Pinag isipan kong mabuti ang magiging desisyon ko, para sa mga kapatid ko ay papayag ako sa alok sa akin ni senor. Alam mong malaki ang maitutulong nito sa akin at sa mga kapatid ko. Pag tinanggap ko ang alok ni senor ay magiging maayos ang buhay namin hindi ko man makakasama palagi ang mga kapatid ko pero makakasiguro ako na magiging maayos naman ang buhay nila.
Kinaumagahan ay kaagad akong tumawag sa personal number ni senor na binigay nia sa akin. Sabi nia pag may kailangan daw ako ay doon ko sya tawagan pr agad ko siyang makausap. Habang hinihintay kong sagutin niya ang tawag ko ay kinakabahan naman ako.
Maya maya lamang ay narinig ko na ang boses ni senor sa kabilang linya.
'He- hello po senor, magandang umaga po, si Weng po ito. Gusto ko lang po sabihin na tinatanggap ko na po ang alok nio na maging personal assitant nio." Nhihiya kong sabi sa kausap ko.
"Ok then, just come to my office today, para mabrief ka ng secretary ko ng mga dapat mong gawin. I'll wait for you before lunch, dont be late ok." Ani ni senor sa kbilang linya.
Nakarating ako sa A. FELICIANO BUILDING sa may Taguig. "
Siguro ito na ung company ni senor ," bulong ko sa aking sarili. Sa labas pa lang ay nakakalula na ang taas. Lumapit ako sa guard at tinanong ako kung ano kailangan ko agad ko namang sinabi na pupunta ako kay senor Arnulfo. Pinapasok ako at dumiretso ako sa reception area.
"Yes maam may kailangan po ba kayo." Tanong sakin ng ns front desk.
"Itatanong ko lang po sana kung saan po ang office ni senor Arnulfo."
"Do you have an appointment maam?" Muling tanong nia.
"Yes maam nagkausap na po kami knina ng senor at pinapapunta nia po ako dto before lucnh." Ang magalang ko pa ring sabi.
"Ok maam, wait lang po tatawagan ko lang po ang secretery ng senor to confirm your appointment, just a minute po."
Mga ilang minuto din akong nag antay bago nia ako muling harapin.
"Cge po maam, ok na po hinihintay na daw po kayo sa office ni senor Feliciano. Doon po ang elevator 20th floor po ang office ni Senor." Ang mabait niyang tugon.
Pag pasok ko sa elevator ay biglang may humawak sa pintuan ky hindi ito natuloy sumara, sabay pasok ng isang matipunong lalaki.
"Ay shocks parang kilala ko siya, saan ko na nga ba siya nakita." Sabi ko sa aking isip.
Habang nag iisip ako ay pinindot ng lalaki ang 12th floor. Hindi ko namamalayan na tinatanong nia na pala ako kung anong floor daw ako. Dahil sa abala ako sa pag iisip kung saan ko na ba siya nakita.
"Miss may I ask kung anong floor ka? Hello! Miss do you hear me?" Ang tanong ng lalaki na nagpabalik sa aking ulirat.
"Ah! 20th floor po ako sir pogi," nakangiti kong sagot.
Biglang huminto ang elevator at bago lumabas si mr. Pogi ay muli itong nag salita.
"Miss next time wag nakatulala at naka nganga baka pasukan ng langaw yang bibig mo. Alam ko gwapo ako kaya easyhan mo lang wag masyado pahalata." Ang seryosong sabi nia habang palabas na ng elevator.Ako naman ay parang nasa alapaap dahil sa kilig na nararamdaman ko.