CHAPTER 7

1366 Words
Pag dating ko ng 20th floor agad ko naman nakita ang OFFICE OF THE CEO ljmapit ako sa babaeng nasa malapit sa pinto at nagtanong. "Miss, excuse me itatanong ko po sana kung andyan si senor Arnulfo." "Ikaw po ba si Rowena?" Agad niang tanong sa akin." Pasok na po kayo maam kanina pa po kayo inaantay ni Sir Arnulfo. Kumatok ako at sabay bukas ko ng pinto. Pinapasok naman ako agad ng senor at sinabi sakin ang mga dapat kong malaman ng tapos na kaming mag usap ay pinapirmahan sa akin ang kontrata. "Read this contract and sign, if you have question don't hesitate to asked. My assistant will tell you the other things that you need to know," ang muling sabi ni senor. "By the way weng, after this pwede ka ng lumipat sa bahay. Nakausap mo na naman siguro ang mga kapatid mo. On weekend pwede mo silang dalawin para makasama mo din sila." 'Salamat po senor sa lahat ng tulong mo sa amin makakaasa po kayo na mag ttrabaho po ako ng maayos," sagot ko. Naging maayos naman ang usapan namin ng senor. Tinuruan na din ako ni miss Grace nang mga dapat kong gawin bilang Personal assistant ng senor ako ang makakasama nia sa lahat ng oras at mag bibigay ng lahat ng kailangan nia. Hindi lang sa opisina maging sa mga lakad niya sa labas. Lumipas ang mga araw at linggo naging maayos naman ang pag tatrabaho ko bilang PA. Nakalipat na din ako sa mansion at pati ang mga kapatid ko ay maayos nga nakatira sa condo na pag aari ng senor. Lahat ng ipinangako niya ay ibinigay nia sa akin. Naging maayos ang buhay namin, kaya laking pasasalamat ko sa taong ibinigay sakin para tulungan ako sa lahat ng problema ko. Araw ng lingo bumisita ako sa mga kapatid ko dahil may usapan kaming mag sisimba pagkatapos ay mamasyal sa mall. Maaga akong umalis sa mansion ng mga Feliciano ipapasyal ko naman ngaun ang mga kapatid ko dahil miss na miss ko na sila. Nadadalaw ko lang sila tuwing araw ng sabado o kaya lingo. Pagtapos namin mag simba ay dumiretso kmi sa isang shopping mall para mamili ng mga kailangan ng mga kapatid ko. Kahit dito man lang makabawi ako sa kanila sa mga araw na hindi ko sila kasama. Habang masaya kaming namimili, bigla kong naalala si inay kung sana buhay pa siya siguro mas masaya kami ngaun. Nanghihinayang lang ako, kung kailan kaya ko na sila bigyan ng magandang buhay saka naman siya nawala. Napangiti na lang ako habang tinitignan ang masayang mukha ng mga kapatid ko sabay ng mahina kong pag usal," Inay kung nasan ka man ngaun sana masaya ka na, wag muna po kami alalahanin ako na po bahala sa mga kapatid ko. Mahal na mahal po kita nay, patuloy mo po kaming gabayan." Nang matapos na kaming makapag bayad sa cashier ay napag napagkasunduan namin na kumain sa isang fast food chain. Nakayuko ako habang nag lalakad dahil biglang tumunog ang aking cellphone. Hindi ko namalayan na may kasalubong pala akong tao at bigla kong itong nabangga. "Naku, pasensya na po hindi ko po sinasadya," hingging paumanhin ko. "Parang kilala kita miss,Nagkakilala na ba tayo?" Tanong sakin ng gwapong lalaki. "Ah, sir parang kayo po yata ung nakabangga ko sa coffee shop at naka sabay ko sa elevator sa may A.FELICIANO BUILDING." "Oh! I see kaya pala you looks familiar to me, We've met twice but I haven't introduced myself to you yet, by the way Im Carl Ethan Sandoval somtimes they call me Carl but my friends call me Ethan and this is my friend Ivan and Lance." Ang pakilala nia sa akin. "And you are" "Weng po, Rowena Saavedra. Sila naman po ang mga kapatid ko, si Arjay at Sam." "Nice meeting you Weng, pano mauna na kmi. See you around," iniabot ni Sir Ethan ang kanyang kamay at nakipag hand shake sa akin. Masaya na kaming naglakad ng mga kapatid ko papunta sa paborito naming fast food chain. Habang kumakain kami ay kinamusta ko naman sila lalo na ang pag aaral nila. Kahit hindi ko sila madalas makasama ay sinisigurado ko na updated ako sa kanilang pag aaral. Gusto kong makasiguro na kahit wala ako sa tabi nila hindi nila papabayaan ang pag aaral nila dahil un lang ang pwede namin maipagmalaki sa lahat. Yung makatapos sila ay isang napakalaking achivement na para sa akin. Natapos ang isang araw namin na masaya, hinatid ko na ang mga kapatid ko sa tinitirahan nilang condominium. Kinumpleto ko na ang kanilang mga kailangan sa loob ng 1 week, nag stay pa ako ng isang oras at nakipag kwentuhan sa mga kapatid ko. Dahil isang lingo ko na naman silang mamimiss. "Arjay kamusta naman ang pag aaral mo, baka naman may girlfriend kana hindi mo lang sinasabi sakin. "Naku ate wag kang tamang hinala jan, hindi ba nangako ako sayo na uunahin ko ang pag aaral ko. Pag nakatapos na ako at naibigay ko na ang diploma ko doon pa lang ako mag gi-girlfriend sa ngaun ate study first muna ako saka na ang lovelife. "Aba! Very very good naman ang kapatid ko, natutuwa naman ako at yan ang mind set mo. Hayaan mo sisikapin ni ate na maibigay lahat ng mga needs mo sa school basta ung promise natin ha na magtatapos kayo. Kahit wala ng medal basta diploma lang masaya na ako dun. Ilang years na alng naman makakapag college kana." Naluluha kong ani sa kapatid kong si Arjay. "Ayan ate si Sam mukang may crush na," natatawang sumbong naman ni Arjay sa akin. "Kuya epal ka wala naman akong crush, saka kung meron man crush lang yun hindi naman ibig sabihin nun mag aasawa na ako ang OA mo kuya." Napipikon nmn na sagot ni Sam. "Wala naman masama sa crush normal lang yun basta wag nio lang seseryosohin. Basta uunahin ang pag aaral kc yan lang kaya kong ibigay sa inyo. Lagi nio tatandaan ang bilin ni Inay na ang pag aaral ang isang bagay na hindi mananakaw sa inyo. Kaya sikapin nio na makapag tapos. Nandto lang si ate para suportahan kayo hanggat kayo ko. Nang makasigurado ako na ok na sila ay agad na din akong nag paalam para bumalik na sa masion, pagabi na din kasi kaya kailangan ko ng makauwi. Iniwanan ko na din ng allowance ang mga kapatid ko para sa 1 week nilang baon. Ganoon lang lagi ang routine naming magkakapatid at naiintindihan naman nila ito dahil kailangan kong magtrabaho para sa kanila. Nakauwi ako nang masion pag bukas ko ng pinto ay nadatnan ko pang kausap ng senor ang anak niang babae na si ma'am Sofie. "Magandang gabi po Senor at maam Sofie." "Oh! Why are you here, aba at mukang asensado kana kumpara noong huli kitang makita." Ang mataray na sabi ni maam sofie. "Sofia dito na nakatira si Weng siya ang Personal Assistant ko." "Really dad PA mo sigurado ka, sa tingin nio ba maniniwala ako sa inyo. May secretary ka naman na pwede mong utusan anytime kaya hindi mo kailangan ng PA." Ang nakakainsultong sagot ni maam sofie kay senor. "Enough!" sigaw ng senor sa kanyang anak. "Do you mind if I hire my personal assistant? Besides, you are not the one who will pay him, and let me remind you, Sofia, that you are just my daughter. You have no right to question my decisions in life, especially when it comes to running my company." Ang galit na sabi ni senor arnulfo. Napatingin sa akin ang senor at pinaakyat na ako sa aking silid at may pag uusapan pa daw sila ng kanyang anak. Pagka akyat ko ay napaupo ako sa aking kama, hindi ko lubos maisip kung bakit ganoon na lang ang galit sa akin ni maam Sofie wala naman akong ginagawang masama sa kanya. At bakit hindi sila magkasundo ng kanyang ama. Mabait naman ang senor lalo na sa mga empleyado nia hindi ko pa siya nakikitang magalit sa kahit na kanino lalo na sa akin. Kaya nagulat ako kanina ng pagalitan nia ang kanyang anak nung pinagsasabihan ako ng hindi maganda ni maam Sofie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD