CHAPTER 1

1010 Words
Isang bagong araw na naman ang haharapin ko. Dalawang linggo na din ang nakakalipas simula noong malaman kong kailangan ko na palang lumipat ng eskwelahan, at ang eskwelahang 'yon ay ang isa lang naman sa pinakamagandang eskwelahan na nakatayo ngayon, dapat ba akong matuwa? Mas lamang yung takot ko sa bwisit na eskwelahan na 'yan eh. “DASHNAAA!!” I heard Sheena's voice, himala pumasok na s'ya sa bahay namin. Binilisan ko ang pagaayos at bumaba na agad. Baka mainip yung babaeng 'yon eh. “Aga mo ah.” “Excited ako eh, ikaw ba?” She smiled. “Oo naman.” I faked a smile. Nagpaalam ako kila mama bago kami umalis. “Magiingat ka doon ha? Bumisita ka dito.” She kissed me on my cheeks and smiled at me. Ngayon lang ako malalayo kay mama ng sobrang tagal, pero para sakan'ya ay gagawin ko ang makakaya ko para makapagtapos. Masaya naman ako sa totoo lang, iilan lang ang mga kagaya ko na nakakapasok sa eskwelahan na 'yon madalas nga wala pa. Kaya maswerte ako, pero di ko maiwasang mangamba dahil sa sinabi ni Sher. Anong malalaman ko sa school na 'yon? “Huy Dashna! Nagdaday dream ka na naman, tara na pasok na tayo.” Lumapit na ako sakan'ya at hinawakan n'ya ang kamay ko. Sumakay kami sa kotse nila, medyo malayo kasi ang school na 'yon madami pa naman kaming bitbit kasi doon na din kami titira simula ngayon, hindi kami pwedeng umuwi maliban nalang kung holidays at may consent ng teacher para makauwi kami. Mahaba ang byahe kaya naisipan kong umidlip muna, hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos neto pero naisip ko nalang na kailangan din namin 'tong gawin dahil wala kaming ibang papasukan na school, agad din naman akong nakatulog pagtapos ng pagiisip ko. — “Dash? Nandito na tayo.” I heard Sheena's voice kaya nagising ako agad, lumabas ako ng kotse at tumambad sakin ang tila kulay ginto at napakalaking gate sa harap na may nakalagay sa taas na “VENTOROUS INTERNATIONAL SCHOOL.” Hindi ko naisip na sobrang laki pala talaga ng school na ito. “Ready ka na?” I looked at Sheena when she uttered those words. I smiled and nodded at her for response. Pumasok kami sa malaking gate na 'yon at may dalawang babaeng nagaabang samin sa loob, teacher ba sila? Bakit ang bata nila tignan parang mga nasa 20 lang ang age nila “Good day Miss Sheena and Dashna welcome to the VIS.” She uttered. Ang cute n'ya, para s'yang japanese girl “Sobrang laki po pala talaga ng school na ito.” I uttered while looking around. “Sobra po, tara na? Dadalhin ko na kayo sa kwarto n'yo, sa kahilingan ni Miss Sheena magkasama po kayo sa iisang kwarto.” She explained while walking. Madami din s'yang binanggit tungkol sa school, hindi ko na nga naintindihan yung iba maliban doon sa may tinatago daw na sikreto ang school na kahit isa ay wala pang nakakaalam. “Bukas po ang starting ng klase n'yo, nand'yan na rin po ang uniform n'yo.” She uttered and ready to leave. “Wait!” I stopped her. “Yes?” “Are you a teacher po?” Masyado kasi s'yang magalang, baka mali ako ng akala sakanya. “I'm an English Teacher here but we always use po and opo even in our students, it's a sign of respect.” She smiled ang leave. Hindi ko maiwasang mamangha sa gandang taglay ng eskwelahan at mga patakaran, mukhang hindi ko naman siguro pagsisisihan na napunta ako sa eskwelahang ito. “Nagugutom na ako Dash.” Daing ni Sheena habang nagaayos ng closet namin. “Kain muna tayo?” “Oo, tara!” Tumayo s'ya at hinila ako palabas ng dorm, para akong aso sa pagkakahila n'ya. Naligaw pa kami dahil sa laki ng school na ito, sinundan nalang namin 'yong mga estudyante na papunta rin sa cafeteria. Pagpasok namin sa loob, para kaming nasa isang fancy restaurant. Sobrang ganda ng ambiance sa loob at mayroon pang pagkalaki-laking chandelier sa taas at maliliit na chandelier sa mga gilid. Fine dine-in din ang pagkain, tatawag ka ng waiter at ihahatid nila ang nais mo. Kasama sa binayaran namin ay ang pagkain sa school kaya walang bayad lahat ng kakainin mo. “Dash?” I heard Sheena's voice. “Oh?” “Tara na, tulala ka na naman.” I just nodded at her and smiled fake. Nakakabigla naman kasi itong eskwelahan na ito eh, sobrang ganda. Hindi ko na muna iisipin ang mga susunod na mangyayari, nagugutom na ako eh. “Go Dashna!” Ngayon kolang napansin na napalakas pala ang sabi ko at nakatingin na sa akin si Sheena, ay mali lahat mg estudyante sa loob ng cafeteria. P*ta nakakahiya naman, ngumiti lang ako sakanila ng pilit at sumunod kay Sheena. “Kung ano ano talaga pinag gagawa mo.” She uttered and I just smiled. Nahihiya ako sa nangyari. Habang hinahantay yung order may lalaking lumapit samin. “Newbies?” He asked. “Ah yes po.” Sheena's replied. Nakatingin lang ako sakan'ya kasi parang familiar s'ya, parang nakita ko na s'ya somewhere. “Dashna.” He uttered my name. “Paano mo ako nakilala?” I asked. “Malalaman mo balang araw, kagaya ka din namin Dash, may tinatago ka ding lihim na ikaw lang mismo ang nakakaalam.” He smiled, but that smile was make my heart beat faster. Kakaiba s'ya, alam kong kakaiba s'ya. “See you later.” He smiled and winked at us Hindi ko maintindihan bakit ganoon yung nararamdaman ko sakan'ya? Parang may kakaiba pero hindi ko mapaliwanag kung ano. Kailangan kong malaman 'yon. “Dash? Dashna?!” I heard Sheena's voice for me to cameback in reality.” I looked at her and take a deep breath. “Ayos ka lang? Alam mo ba 'yong sinasabi n'ya?” “H-Hindi.” Utal kong sagot. Balang-araw malalaman ko kung anong tinutukoy ng taong 'yon, kailangan kong malaman kung sino s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD