Hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kanina, pakiramdam ko matagal ko na s'yang kakilala. Sino ba s'ya? Bakit n'ya ginugulo ang isipan ko.
“Iniisip mo pa din yung nangyari?” I heard Sheena's voice. Gising na pala s'ya. Hindi pa kasi ako nakakatulog dahil sa kanina eh.
I just nodded and look at the window again. Hindi ko maintindihan parang s'ya ang sagot sa mga pakiramdam kong kulang sa pagkatao ko.
“Malalaman mo balang araw, kagaya ka din namin Dash, may tinatago ka ding lihim na ikaw lang mismo ang nakakaalam” Umulit na naman sa utak ko 'yong sinabi n'ya kanina. Hindi ko maintindihan kung anong sinabi n'ya pero kinabahan ako ng sobra.
Habang nagiisip narinig kong may kumatok sa kwarto namin, agad namang binuksan ni Sheena ang pinto.
“Dashna.” He called my name, another sakit ng ulo.
“Bakit ka nandito?” I asked Irritatedly.
“Sungit naman, parang nung nakaraan inaalam mo pangalan ko ah?” He laughed, I just rolled my eyes. He's Sher yung tatanga-tangang nakabungguan ko sa dati kong school.
“Bakit ka ba nandito?”
“Iwewelcome kayo, Hi Sheena! Kumusta?” He asked Sheena, magkakilala sila?
“Kilala mo 'yan?” I asked curiously.
“Oo, kababata ko si Sher, bakit?” She replied. Gosh hindi ko alam.
“Paano?”
“Ahh papa n'ya kasi owner ng Bolivia Corp.” She replied. Bolivia? 'Yung isa sa pinakasikat na cake company dito, sobrang sarap ng mga cakes nila.
“Speaking of cake, may dala ako.” Napatingin ako sa dala dala n'ya. Speaking? Inisip ko lang naman yung cake ah?
“Naisip ko, baka gusto n'yo.” He smiled at me.
“Salamat.” Sheena's replied.
Madaling araw na pumunta dito si Sher kaya nagdecide kami na dito na s'ya patulugin sa may sofa bed, kasya naman s'ya doon. Pero hindi pa din maalis sa isip ko lahat ng nangyari kanina. Pilit n'yang ginugulo ang isipan ko, kaya lumabas nalang ulit ako da veranda para magpahangin.
“Occupied?” I heard Sher's voice but I refuse to answer.
“Ganun talaga si Carl sa mga bago.”
“Huh?” I stared at him, hindj ko s'ya maintindihan.
“Carl is one of the famous students here in VIS, lahat takot sakan'ya lahat dapat sumunod. Hindi ko alam pero may nagbago sakan'ya.” He explained.
“Kakaiba ang kinikilos n'ya simula nung malaman n'ya na isa ka sa mga papasok da school na ito, kaya ako ang nagpresinta na pumunta sa dati mong school. Dahil pinagutos n'ya.” He looks at me.
“Sino s'ya? Magkakilala ba kami?” I asked. Gulong-gulo na ako.
“S'ya lang ang makakasagot n'yan Dash, pero sa ngayon ikalma mo ang utak mo dahil naririnig ka n'ya.” He uttered.
“Naririnig? Paano?”
“Hindi sakin dapat manggaling, pero sa tingin ko ag espesyal ka, may natatangi kang pagkatao at malalaman natin 'yan sa oras na igawad na sa'yo ng pagkakataon na malaman 'yon.” He smiled and get back inside the room.
Sumakit yung ulo ko sa mga naririnig ko kaya napagpasyahan kong uminom muna ng tubig pero may napansin ako sa baba ng veranda, nakaupo s'ya sa damuhan at tinitignan ang buwan. Hindi ko mab nakikita mismo ang mukha n'ya, siguro akong s'ya 'yon, hindi ko na kailangan pang tignan ang itsura n'ya. Kakikilala lang namin kanina, pero para bang may parte s'ya sa nakaraan ko na diko maintindihan.
Papasok na sana ako nang mapansin kong lumingon s'ya dito. I saw his eyes it's red, parang lazer yung mga mata n'ya. He smiled, that smile was quite familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko unang nakita.
Sino ka ba talaga Carl?.
“Makikilala mo s'ya balang araw.” Nagulat ako sa boses ni Sher ng bigla s'yang magsalita.
“Bakit ka ba nanggugulat?” Iritang tanong ko.
“Curious ka kay Carl?”
“Hindi 'no, pakiramdam ko kasi ay pamilyar s'ya.” I looked at him again, pero hindi na s'ya nakatingin dito sa buwan ulit s'ya nakatitig.
Tinignan ko din ang buwan, ang ganda. Naalala ko tuloy si mama, paborito n'ya ang buwan palagi n'ya din itong tinitignan.
“Masaya ba ang pamilya mo?” I heard Sher's voice again.
“Oo, dalawa lang kami ni mama kasi only child ako at ang papa ko hindi ko pa nakikita kahit kailan.” Simula pagkabata wala akong nakilalang ama, naiisip ko kung tinakwil n'ya na ba ako o ano, kasi kahit anino n'ya di ko nakita.
“Ako di mo tatanungin?” He asked.
“Mayaman kayo, sigurado masaya sa pamilya mo.” He just laughed and looks at the moon.
“Masaya kasi maraming pera, kahit anong bilhin namin makukuha namin, pero alam mo kung anong mahirap? Para kaming namumuhay magisa, kasi palaging wala ang mga magulang namin. Ganun din ang nararamdaman ni Carl kaya s'ya palaging nand'yan, magisa.” He uttered and I looked at Carl again, walang bago nakaupo pa din s'ya doon.
“Kilalang kilala mo s'ya 'no?” I asked.
“Yeah, cause he's my step brother.” Nagulat ako sa sinabi n'ya, magkapatid sila? Paano?
“Yung papa n'ya tsaka papa ko is pareho, mas matanda nga lang s'ya.” He smiled.
“Kaya kung interasado ka sakan'ya, sabihin mo sakin reto kita.” Ngumiti s'ya ng nakakaloko kaya hinampas ko s'ya sa braso para bumalik na s'ya sa loob.
I looked at Carl again, I hope mas makilala pa kita. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang sikreto kong sinasabi mo
Nagulat ako ng bigla s'yang tumayo at tumingin sa veranda kung nasaan ako, naglabas s'ya ng papel at ballpen may sinulat s'ya doon at pinakita sakin.
“MALALAMAN MO BALANG ARAW KUNG ANO AT SINO KA TALAGA, SA NGAYON ANG DAPAT KO LANG GAWIN AY ANG INGATAN KA.” Hindi ko lubos maintindihan pero mas minabuti kong maniwala at magtiwala sakan'ya.
I nodded for response, at sa isang kurap ko nawala na s'ya sa kinatatayuan n'ya. Ang bilis n'ya naman.
“Magpahinga ka na.” I heard Sher's voice kaya mas pinili ko nalang magpahinga, humiga ako at nakatulog din agad.