Sher POV.
Nandito pa din ako sa bahay nila Sheena, nakatunganga lang ako habang s'ya ay dakdak nang dakdak, kanina pa.
“Sher? Nakikinig ka ba?” I heard her voice, so I nodded and act like I did.
“Sige nga, anong sinabi ko?” Anak ng— nagtanong pa nga.
“Kung anong mangyayari kay Dashna kapag nalaman n'ya na isa s'yang bampira, kung matatanggap n'ya ba o hindi, aalis ba s'ya sa VIS o mananatili s'ya doon?” I uttered.
“Kulang pa ” She insist.
“Huh?”
“Kulang pa, may hindi ka nabanggit.” She uttered.
“Ano na naman?” I asked, wala akong maisip eh.
“Arghh Sher, kung anong magiging reaksyon ni Carl.” She response.
Oo nga pala, nakalimutan ko 'yong kay Carl. Hindi ba dapat matuwa s'ya na magkikita na sila ng babaeng gusto n'ya?
“Hindi Sher, mali ka.” I heard Sheena's voice so I looked at her immediately.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi talaga gusto ni Carl si Dashna.” She uttered.
Huh? Paanong? Eh diba umamin s'ya sa tatay ni Dashna?
“Balak n'yang patayin si Dashna, ilang beses n'yang pinagtangkaan ang buhay ni Dashna pero hindi natutuloy dahil nandoon ako.” Sheena's explained.
“What? Bakit naman?”
“Kasi sagabal s'ya sa mga plano ko.” Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon sa may bintana.
“Carl?!” Sheena's voice.
“Bakit d'yan ka naman dumaan tol” I asked.
“Sarado sa baba eh, nakaearphone yata parents mo, ayaw akong pansinin.” He explained and he asked a question. “Papasok na kayo sa VIS?”
“O-Oo, anong plano mo?” Sheena's replied.
“Wala pa, kayo?”
“Iingatan namin s'ya, nangako tayo kay Mr. Jeff.” I answered. Hindi namin kailanman tinutulan ang mga plano n'ya, pero sa ngayon mukhang kailangan.
“Wala na akong balak na saktan s'ya.” He uttered so we looked at him.
“Ilang beses nagkrus ang landas naming dalawa pero pinapawala ni Sheena ang ala-ala ni Dash, para hindi maisip ni Dashna na may nagtatangka sa buhay n'ya. Pero nitong mga nakaraang araw may nalaman ako.” He explained.
“What?” I asked.
“May nagtatangka sa buhay ng mga estudyante sa loob ng VIS, kailangan natin si Dashna, kailangan n'yang malaman kung ano at sino s'ya bago tayo mahuli.” He uttered.
“Huh? Nagbabanta? Sino naman?” Sheena's asked.
“Ayun ang kailangan pa nating alamin. Kailan ang pasok n'yo sa VIS?” Carl asked Sheena.
“After Class.”
“Hindi pwede, 2weeks from now pumasok na kayo sa VIS.”
“Ang bilis naman? Papayagan ba kami?” She replied.
“Alam mo na Sher.”
“Teka Ba—” kit ako? Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi lumabas na s'ya ng bintana.
I looked at Sheena, she's wearing a fitted sleepwear. Gosh she's so hot. Hahawakan ko na sana s'ya ng bigla s'yang magsalita.
“Let's sleep, I'm tired.” She uttered and go to bed.
Damot talaga ng babaeng 'to.
“Close your minds.” Pahabol na sambit n'ya kaya sinara ko na ang isip ko at nagpahinga na.
Carl POV.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung malaman na papasok na sa VIS si Dashna. Hindi naman talaga ako galit sakan'ya, akala ko lang ay ang pamilya n'ya ang nagbanta sa VIS.
“Carl?” I heard Mr. Jeff's voice. Pinuntahan ko s'ya dito sa bahay nila para ipaalam ang balita.
“Papasok na po sa VIS ang anak n'yo.” I uttered.
“Sa'yo ko s'ya ipagkakatiwala iho.” He uttered
“Opo, salamat po.”
“Alagaan mo ang prinsesa ko, dahil hindi ko 'yon nagawa. Nagkaroon ng di pagkakaintindihan sa pagitan naming mga bampira at lobo, kaya nagkaroon ng sagupaan. Kailangan ko s'yang iligtas dahil ang nanay n'ya ay nasawi sa sagupaan, ibinigay ko s'ya sa isa sa mga guro dito, si Miss—” Hindi ko na s'ya pinatapos dahil kilala ko ang tinutukoy n'ya.
“Desha.” Ang kinikilalang ina ni Dashna ngayon.
“Nagpaplano ho muli ang grupo ng mga lobo ng pag-ganti.”
“Alam ko, kaya pakiusap ingatan at alagaan n'yo ang anak ko.” Mr. Jeff uttered.
“Pangako po.” Huling sambit ko at saka umalis.
Pangako Dashna, hindi ko hahayaang masaktan ka ng kung sino d'yan, gagawa ako ng paraan para protektahan ka sa bawat taong magtatangka sa buhay mo.
Iyan lang ang kaya kong magawa para sa'yo. Marami pa kaming kailangang harapin ng mga kaibigan ko at sigurado ako na hindi din nila pababayaan si Dashna, lalo na si Sheena. Kasama n'ya yun simula pagkabata hanggang ngayong high school na sila. Kaya alam ko kung gaano kamahal ni Sheena si Dashna.