Dashna POV.
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, dahan-dahan akong tumayo at labis ang gulat ko nang mapansing hindi ito ang kwarto namin ni Sheena.
“Gising ka na pala.” I heard Sher's voice.
“Nasaan ako?”
“Sa dorm namin ni Carl, di ko ba nasabi? Magkasama kami ng kwarto cute 'no?” He uttered pero di ko na pinansin, inisip ko kung anong nangyari kanina at halos di ako makahinga nung maalala ko.
“Dash?!” Lumingon ako kay Sher nung tinawag n'ya ako.
“Ayos ka lang?” He asked.
“A-Anong nangyari kanina? Totoo ba 'yon?” I asked him. Hindi ako makapaniwala eh.
“Kanina? Kahapon 'yon Dash. Kailangan muna nating pumasok, ipapaliwanag namin sa'yo after class.” He explained.
Umaga na? So it means dito ako natulog buong gabi? What if?
“Wala kaming ginawa sa'yo. Dito din natulog si Sheena kagabi.” Sambit n'ya bigla.
“Nasaan si Sheena?”
“Nauna na. Sunod ka na lang daw, nasa cr na yung gamit mo... At saka nga pala, 'wag ka muna magisip ha? Sumasakit na ang ulo ko puro boses mo naririnig ko.” He explained.
“Huh? Paano mo maririnig eh nasa isip ko lang naman? I asked.
“Oo nga nasa isip mo lang pero nadidinig ko pa din. Ah basta stop thinking muna for a while, malalaman mo din lahat ng sagot sa tanong mo.” He uttered and I go to the bathroom.
Masyado yata s'yang seryoso? Pero dahil sa hiling n'ya hindi muna ako nagisip ng kung ano-ano.
—
“Dashnaaa!!!” Narinig ko yung boses ni Sheena. Napakaingay, kaya lumingon ako agad sakan'ya.
“Ang lakas ng boses mo.” Bulong ko sakan'ya.
“Hihi, kumusta ka na?” Pabebeng tanong n'ya.
“Ayos naman, ikaw ba?”
“Ayos ako, kasi ayos ka. Tara pasok na tayo!” Hinila n'ya ako kaagad papasok ng classroom.
Ngayon ang first day of class namin dito sa VIS kaya medyo kinakabahan ako. Maayos kaya way of learning nila dito? Nakakatakot naman, dagdag pa yung tingin ng mga estudyante samin ay hindi, sakin. Sakin lang sila nakatingin.
“Good morning everyone!” Agad na napukaw ang atensyon ng lahat sa harap nung dumating ang teacher namin.
“Oh? New classmate.” He's pertaining to me, ako lang ba bago dito? Si Sheena din naman ah.
“Introduce yourself miss.” He uttered and smiled at me.
“Dashna Brion, from a university near here, I won't mention the school name. Thanks!” I said and get back to my chair.
Bakit hindi tinawag si Sheena? Kilala na ba s'ya ng mga teacher dito?
“Stop thinking.” I heard a familiar voice in my head, I know it's him. hindi ako pwedeng magkamali.
“Dash?!” Lumingon ako agad kay Sheena nung tinawag n'ya ako.
“Hmm?”
“Ayos ka lang?” She asked.
“O-Oo ayos lang ako.”
“Stop thinking muna, focus on the class.” She uttered so I decided to focus on my class.
Natapos ang klase na wala talaga akong naintindihan. Sarado ang isip ko, ayokong magisip kaya halos wala na ding pumapasok.
“Dash?” I heard Sheena's voice for me to cameback in reality.
“Hmm?”
“Ayos ka lang?”
“Ayos lang.” I smiled at her for assurance.
Papunta kami sa cafeteria nandoon daw kasi si Carl at Sher na nagaantay. Hindi ko alam kung anong meron pero kinakabahan ako.
“Ayun na sila.” Turo ni Sheena kung saang table sila Carl nakapwesto.
Tumango lang ako at sumunod kay Sheena, may kakaiba akong nararamdaman, hindi ko alam pero parang uminit ang paligid kahit naka aircon sa buong cafeteria.
“Dash?!” Lumingon ako kay Sheena nung sumigaw s'ya.
“Bakit?”
“Dalhin natin s'ya sa clinic.” Carl's uttered at binuhat ako bridal style.
Hindi ko maintindihan gusto kong magreklamo pero walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko. Bakit mo ginagawa 'to?
Ipinikit ko ang mata ko, wala akong ginawa pero parang pagod na pagod ako. Nahihirapan din akong huminga.
“Poprotektahan kita hanggat kaya ko Dash, hindi ako papayag na pati ikaw mawala sakin.” I heard Carl's voice in my head. Ano 'yon? Nabasa ko ang iniisip n'ya?
“C-Carl?” Sa wakas ay may boses na lumabas sa bibig ko.
“Mahal na mahal kita Dash, kaya please kung ano man ang malalaman mo ay lumaban ka.”
I heard him but I don't see him uttered it. Sobrang sakit ng ulo ko sa mga nangyayari kaya napagpasyahan kong pumikit nalang at isawalang bahala ang nangyayari.
—
Carl POV.
Hindi ko alam ano pumasok sa kokote ko at naisip ko 'yon kahit alam kong maririnig n'ya.
Nagtataka na si Dashna kung anong klaseng tao s'ya. Alam kong may alam na s'ya pero natatakot lang s'yang siguraduhin 'yon. Bampira kami oo pero ayaw namin ng dugo ng tao, kadiri kaya 'yon, o siguro dahil di pa kami nakakasalamuha ng tao talaga maliban kay Sheena na nagaral sa normal na paaralan.
“Still thinking of her?” I heard Sheena's voice. Nandito kami sa tapat ng clinic ng school, hinahantay magising si Dash.
“Kumusta s'ya?”
“Nagpapahinga, mamaya gising na 'yan.” She smiled.
Sheena is indeed beautiful kaso maarte, nung mga bata kami we're expecting na wala ng lalaking magkakagusto kay Sheena kasi bukod sa maarte—maluho pa. Masyadong spoiled si iha.
Pero mali ako, nabighani si Sher. Palagi silang nagtatalo noon, kapag magkasama sila asahan mong may world war na magaganap, minsan nga ay ginagamit pa nila ang kapangyarihan nila sa isa't isa kahit alam nilang bawal, pero nagbago lahat nung tumuntong kaming tatlo ng junior high, nakita ni Sher kung gaano kabuti puso ni Sheena kahit pa maarte s'ya, at habang lumalaki kami paganda ng paganda si Sheena. Kaya ayun, nakupido si mokong.
“Carl? Gising na daw si Dash.” I heard Sher's voice.
“Sunod ako.” I uttered.
Hindi ko pa kayang makita s'ya ngayon, may mga kailangan muna akong asikasuhin. Babalikan kita Dash pangako