CHAPTER 8

838 Words
Sher's POV. “Paano mo ieexplain kay Dashna lahat nang 'to? Nakakairita ka, wala ka man lang naisip na plano?” Sunod sunod na sermon nitong babaeng 'to. Sa totoo lang nagpipintig na ang tenga ko, sasaktan ko 'to. “Sasaktan mo ako? Kaya mo Sher?” “H-Hindi po.” I smiled widely. Hays nakakainis hindi ko din talaga alam paano ko ieexplain sakan'ya ito din kasing Carl na 'to. Umalis nang hindi sinasabi kung saan s'ya papunta. Flashback : “Sher naiintindihan mo ba ako?!” Nagulat ako nang bigla s'yang magtaas ng boses. “Hehe paulit naman bro.” Sambit ko nang nakangiti. “Ibigay kaya kita sa mga lobo para may pagkain na sila.” Inis na sagot n'ya. “Joke lang naman eh. Bakit pa kailangan mong umalis? Magaalala sayo si Dash.” “Ikaw na bahala magpaliwanag sakan'ya, matalino ka diba?” “Oo naman, diba nagtop ako nung grade school, tayo pa ngang dalawa nagpapasiklaban eh kasi—” Hindi ko na natapos yung sinasabi ko nang bigla kong marinig yung boses ni Sheena. “Nababaliw kana? Sino kausap mo?” “Si ano...” lumingon ako para sabihing si Carl ang kausap ko, kaso wala na s'ya. As usual umalis na naman s'ya habang nageexplain ako, may pagkabastos talaga. “Masyado ka bang baliw sakin, para mangyari sa'yo 'yan?” sambit n'ya at umalis. Wow, napakayabang naman po pala ng isang 'to. “May ipagyayabang kasi ako, close your minds.” she muttered and walked out. Wala akong matinong kausap, ikaw ba au— a/n : Don't, busy ako baka patayin kita ngayon na. Sabi ko nga stop. Hays, buti na lang gwapo ako. Ayos lang kahit hindi nila ako kausapin. “Sher! Dalian mo may nangyari kay Dashna.” I heard Sheena's voice kaya nagmadali akong pumunta sakan'ya. “Ano nangyari?” I asked Sheena, pero as usual hindi ako makakakuha ng magandang sahot sa girlfriend kong 'to. Pasalamat ka mahal kita. “Thank you.” she murmured. She read my mind again, pakiramdam ko wala na akong privacy dahil sa ability na ito. — Dali dali kaming naglakad palabas ng campus, nandoon lahat ng estudyante na nakikiisyoso. Nakisiksik kami para makita namin kung ano meron, and I saw Dashna with a red eyes and full of blood in her hands. Lalapit na sana ako pero pinigilan ako ni Sheena. “Hindi mo gugustuhing lumapit sakan'ya Sher.” she said and I looked at Dashna again. Sobrang lakas ng energy na bumabalot sakan'ya, ramdam na ramdam naming lahat na naririto. Tinignan ko s'yang maigi and her eyes is look like a blood, wala kang mababakas na takot sa mga mata n'ya. “Kakaiba talaga ang kapangyarihan ng mga estudyante sa VIS.” nabalik ang atensyon ko sa babaeng nagsalita. She's Hera the princess of wolves. Kalaban n'ya si Dashna? Pero paano? Hindi pa alam ni Dashna ang kapangyarihan n'ya. “Dashna, daughter of one and only Mr. Jeff Brion.” Hera's uttered. “Saan mo nakuha ang pangalan ng daddy ko?” Dashna's answered. Hera's laughed. “Dahil ikaw ang sisira sa mga plano namin Dashna, IKAW!” Alam namin sa simula pa lang na si Dashna ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa buong VIS dahil s'ya ang hinahanap ng mga wolves. Kaya s'ya inilayo sa VIS para hindi s'ya masangkot sa gulo pero hindi s'ya pwedeng itago habang buhay, kailangan n'yang malaman ang kapangyarihan n'ya. “Hindi dito nagtatapos ang ating pagkikita Dashna, hanggang sa muli.” Hera's laughed at bigla na lamang s'yang naglaho. Naiwan si Dashna na hanggang ngayon ay naglalabas ng malakas na enerhiya, sinapak n'ya ang sahig at nahati ito sa dalawa. Sobrang lakas n'ya maaari n'yang gibain ang VIS sa saglit na oras. Lumapit si Sheena at inalo si Dashna kaya lumapit na din ako. “Ano nangyari?” I asked. “Dumating s'ya dito habang nageensayo ako ng kapangyarihan ko.” She answered. Ay nagpapractice na s'ya? Bat di ko alam? “Pinipilit n'yang ilabas ko ang kwintas eh hindi ko nga alam kung anong kwintas 'yon.” Ang Royal Necklace, ayun ang isa sa pinakamalakas na kwintas na tinatago ng VIS mismong kami nila Carl ay bigong malaman kung nasaan ang lokasyon no'n. “Dash kailangan mong magpahinga, ang daming alagad ni Hera ang nakalaban mo.” Sheena's said to Dashna. Tumango lang si Dashna at tumayo, nakikita kong nanginginig ang tuhod n'ya kaya nagpresinta na akong buhatin si Dashna. “Sa palagay mo ang Royal Necklace lang ba ang pakay ni Hera?” Sheena's asked. Napansin kong tulog na din si Dashna. “Hindi siguro,” I exhale a large breathe. “Ang puso din ni Dashna ang kailangan nila, may natatanging kapangyarihan ang puso nito na magbibigay sakanila ng malakas na enerhiya.” “Delikado ang buhay ni Dashna.” “Kailangan natin s'yang protektahan.” I uttered. Nasaan na ba kasi si Carl? Kailan mo balak bumalik tol? Nahihirapan na kami dito oh naiistress ang pagiging gwapo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD