Chapter 1
Malamig na sahig at nakakabinging katahimikan na bumabalot sa paligid ang bumungad sa 'kin nang ako'y nagising. Marahan kong binuksan ang mga mata at nagtaka dahil nasa hindi pamilyar na silid ako. May kalumaan na ang silid, maalikabok, magulo ang mga kagamitan at ang mga upuan ay nagkapatong-patong lang sa gilid.
Anong nangyari? Nasaan ako?
Sa pagkakaalala ko ay nasa classroom lang ako kanina. Nakatulog ako sa kalagitnaan ng klase dahil masama ang pakiramdam ko at hindi ko na maalala kung bakit ako nandito.
"Seven, okay lang ba 'tong ginagawa na 'tin? Huwag na lang kaya nating ituloy? Kinakabahan ako eh."
Agad na nagpantig ang magkabilang tainga ko nang may narinig na pamilyar na boses sa labas. Hindi lang isa, marami silang nag-uusap sa labas at hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang mga boses na 'yon.
"Ano ka ba Warren, ngayon pa ba tayo titigil? Kung kailan nagawa na natin ang plano. Ikaw ba, Mark?"
"Tama si Seven, Walt. Ayos lang naman siguro kung ikulong natin dito ang werdong 'yan. Tutal sanay na naman 'yan sa matatahimik na lugar nang mag-isa."
Huh? Teka lang. Inilibot ko ang tingin sa paligid at ngayon lang pumasok sa isip ko ang nangyayari. Kung gano'n sila ang may kagagawan kung bakit ako nandito. Lumapit ako sa pinto at akmang kakalampagin nang marinig ko ang sinabi ni Seven.
"Tuturuan lang natin ng leksyon ang Shion na 'yon. Ang lakas ng loob ng kupal na 'yon na kalabanin tayo. Ngayon tingnan natin kung hanggang saan aabot ang tapang niya."
"Oo nga loko 'yun ah. Ano na lang kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang nakakulong dito sa lumang classroom ang prinsesa niya?"
Ano na naman ba ang ginawa ng ungas na 'yon? Akala ko ba magbabago na siya? At nasaan siya ngayong kailangan ko siya? Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Tahimik lang akong sumandal sa pader at umupo sa sahig.
"Tingin ko mali 'to. Paano kung may mangyari kay Ms. Nerdy? Lagot tayo sa nanay niya at sa Principal."
"Sus. Hindi 'yan. Baka nga hanggang ngayon tulog pa rin ang prinsesa kaya hindi niya malalaman kung sino ang nagkulong sa kanya rito. Walang mangyayari sa 'tin hangga't walang magsusumbong, maliban na lang kung may traydor sa grupo natin. Tsaka kahit naman alam niya at magsumbong siya, walang maniniwala sa kanya. Werdo kasi hahahaha."
"Eh kasi–"
Napayuko na lang ako at niyakap ang sariling mga binti. Hindi ko na napigilan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Bakit ba ako ganito? Bakit ba ang hina ko? Bakit hinahayaan ko lang silang ganituhin ako?
"Ba't ba ang ingay mo Walt? Huwag mong sabihing naaawa ka sa babaeng 'yon? Tandaan mo pangganti natin 'to kay Shion. Pinahiya niya tayo sa tambayan. Pero kung gusto mo naman, pwede mo namang samahan si Nerdy sa loob."
"Huh? No freaking way! Tara na nga bago pa may magpakitang multo. Haunted pa naman daw ang room na 'to."
Gano'n na lang ang paglakas ng kalabog ng dibdib ko nung narinig ko ang mga yabag ng mga paa nila papaalis. Hindi maaari. Ayokong maiwan mag-isa sa lugar na 'to!
"T-Teka lang..." Sa wakas ay nagawa ko ring magsalita pero huli na. Nakaalis na sila.
Wala na akong naririnig na kahit anong ingay sa labas. Ngayon ako na lang mag-isa sa malamig, tahimik at nakakatakot na lugar na 'to. Gustuhin ko mang sumigaw at kalampagin ang pinto pero wala na akong lakas para gawin 'yon. Isa pa, pinangungunahan ako ng takot at awa sa sarili.
May darating kaya para tulungan ako?
-
"Flare, anak gising. Binabangungot ka."
Sunod-sunod na mararahang tapik sa pisngi at pagyugyog sa balikat ang gumising sa 'kin. Nang buksan ko ang aking mga mata, bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni mama.
Bumangon ako at inilibot ang tingin sa paligid. Nandito ako sa kwarto ko. Nakabukas ang mga ilaw at malayang pumapasok at sinasayaw ng hangin ang kurtina ng bintana. Huminga ako nang malalim at napahawak sa dibdib, kulang na lang mabingi ako sa malakas na pagkalabog ng puso ko. Dala-dala ko pa rin ang takot at kaba sa dibdib ko mula sa bangungot na 'yon.
Sunod akong napatingin sa puting kumot nang may patak ng tubig na tumulo dito. Sandali akong natulala at nang matauhan ay agad kong pinahiran ang mukha ko.
"Shh.. It's alright," pagpapakalma sa 'kin ni mama at niyakap ako nang mahigpit habang hinahagod ang likod ko. Halata sa boses niya ang lungkot at pag-aalala. "It's just a nightmare, okay? Everything's gonna be alright."
Ilang taon na ba ang lumipas simula nung nangyari ang insidenteng 'yon? Ibinaon ko na nga 'yon sa limot pero ngayon bumabalik na naman. Pati sa pagtulog dinadalaw ako nito.
"You don't look fine. Wanna skip class for today? I'm worried. I think you need some rest."
""I'm fine, ma. No need to worry about me." I forced a smile to convince her but it's obviously not working. Aish. Ayoko talaga sa lahat 'yung nakikita siyang malungkot at nag-aalala dahil sa 'kin.
She knows how I love studying. I can't skip the class just for a lame reason. Right. It was nothing but just a lame nightmare. It's a fragment of my past that I don't want to recall. Most importantly, I'm no longer that weak Flare that I used to before. The little girl who used to be the target of bullies is no longer in me. She's already dead.
"Fine, if you say so." Inipit niya sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko at hinimas ang pisngi ko. "You're the one and only treasure that Flavio had given me. I love you so much, anak. Just tell me if you're not feeling well, okay? You know I can stay home and skip my work to nurse you."
"That's a lot of trouble. Ayos lang talaga ako ma." Tumawa ako nang pilit kahit sa totoo lang gusto ko nang masuka sa kakorhinan ni mama.
The clock says 'Monday, 5:47 AM'. Tumayo na ako at nagsimulang ayusin ang higaan ko.
"Okay, okay. What do you want for breakfast?" She asked and walked towards the door.
"Wag na, ma. Sa cafeteria na lang ako kakain tutal mali-late na rin naman ako."
"But it's still 5 and as far as I can remember your class starts at 7:30 AM," nakapameywang na tugon niya habang nakakunot ang noo. "There's no way you will be late."
"Yes and by six nasa waiting shed na dapat ako at nag-aabang ng masasakyan. We don't know what's gonna happen along the way so might as well go in advance and maximize my time."
20 minutes lang naman ang byahe papuntang school pero lagi akong naglalaan ng isang oras. It's a sign of respect and assurance sa driver na maihahatid niya ako sa tamang oras kahit na may aberyang mangyari. It really bothers me everytime they wear a worried expression while asking me a question if makakaabot pa ba ako sa school on time.
Initiative na rin siguro kasi hindi lang naman ako ang pasahero na ihahatid ng driver. Kung straight lang ang byahe at maaga akong makakarating sa campus eh 'di maganda. Makakapag-study pa ako sa extra time ko. Walang mawawala sa 'yo kung aagahan mo ang pagpasok mo.
I don't know what's the point of saying this when this doesn't really apply to me kasi bus naman lagi sinasakyan ko. Wala, nabasa ko lang sa isang blog na Life of an Average Student. Even though I don't really relate to the author, I still find her idea meaningful. It does makes sense that's why I started practicing it na rin.
"Oo na sige na, maligo ka na. Nag-mo-monologue ka na naman diyan." Umirap pa siya sa hangin, kunwari hindi ko nakita, bago tuluyang bumaba.
Usually 3:00 AM ako gumigising at ginagawa ang morning routine ko pero ngayon hindi ko na nasunod. Just because of that stupid dream. It's been four years. Hindi ko alam kung anong nag-trigger sa utak ko at bigla na lang nagpabalik ng ganung memory. Maybe I ate something unpleasant last night? Well, that's impossible. I didn't eat last night. This is making me curious that I want to do research about this.
Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at ngayon nasa harap na ako ng salamin at nakatitig sa sarili kong repleksiyon. Suot ko na ang school uniform ng Sacred Heart Academy. It is mainly colored with crimson red, gold and black which are also the representative colors of the school.
Sa upper part, I'm wearing a three-fourth white blouse na pinaresan ng kulay pulang necktie na may apat na stoke ng golden lines bilang palatandaan ng year level ko. So basically, I'm currently in fourth grade. Sa lower part naman, red plaid pleated skirt na hanggang tuhod at black school shoes na pinaresan ng black knee socks.
Sunod kong isinuot ang crimson red na blazer na may logo ng SacHea sa left chest at kung saan sa ibaba mismo nito nakaipit ang Aster pin. I smirked by the thought that only few students can hold this thing and I'm one of them. The first time I laid my eyes on this pin, I already knew I am meant to be a holder of this.
This is not an ordinary pin but a pride of every students in SacHea. Only those who belong to Special Class are eligible to possess this pin and there are only twelve of us in our batch. Once you have this thing, you're blessed with the 3P's: Power, Position, and Privilege. You will always have a special place inside or outside the campus and everyone will look up at you like you're the most precious thing ever existed in this world.
I'm smiling like an i***t as I comb my hair, wear my eyeglasses and prepare the things that I need in school especially books. I was about to exit my room when I noticed that one of my pen is not in the right place. I heaved a deep sigh. Call me meticulous but I want everything to be in proper arrangements and in order.
Tumagal pa ako ng ilang minuto sa loob dahil may ibang mga maliliit na bagay pa akong inayos pero bumaba rin kaagad pagkatapos. Sumalubong sa 'kin si mama na may hawak na lunch box.
"These are sandwiches. Grab a bite and don't forget to take your medicine on time, alright? Eat on time, books can wait. And if ever you're not feeling well, go straight to the Infirmary and don't forget to call me, okay? Take care baby Flare, I love you." She hugged me tight and kissed me on the cheeks.
Napa-pokerface na lang ako at napatitig sa kisame. Ang dami pang serimonyas, halos memorize ko na nga eh. I'm not complaining tho. Even though she's the most cringe person I know in this planet, she's also the greatest mother that the universe had given to me. Simula no'ng pumanaw si papa, siya na ang tumayong ama at ina para sa 'kin. I know how hard it is for her to accept what happened to papa. It's so sudden and painful na kahit ilang taon na ang lumipas, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat ng nangyari. I've witnessed how she cry every night and how she's silently fighting those battles that she won't tell me about. She's the bravest and I admire her for that.
She loves papa so much. Lagi niyang kinukwento sa 'kin kung paano sila nagkakilala ni papa at kung gaano kahirap ang pinagdaanan nila para lang sa pag-ibig hanggang sa nabuo ako. As an only child, she values me as her precious jewel. She worked hard just to give me a better life. Even if she has her own busy schedule, still, she never failed to take care of me and provide my daily needs.
That's why as her child I'm also doing my part, I'm doing my very best in studies to help her in the future. We may not be abundant in wealth but that's only for now. I promise, all her efforts and sacrifices will be paid off. I just have to get higher grades, graduate with tons of medals and achievements, get recommended to an elite universities in college, and have a stable and high paying job to secure a bright future.
As I monologue here and foreseeing my successful life in the future, napansin kong bigla na lang tumahimik si mama at nakatitig lang sa mukha ko.
"May problema ba, ma?"
Hindi naman siguro ito tungkol sa mga bayarin sa kuryente at tubig. Hindi pa rin naman kami nauubusan ng stock dito sa bahay. O baka naman na-bankrupt na ang pinagtatrabahuan niyang bakery?
Sabi ko naman kasi kay mama mag-apply na lang siya sa mga business agency or engage herself into corporate world tutal college graduate naman siya at may background siya sa field na 'yun pero ayaw niya naman. Ayaw niya rin galawin 'yung scholarship ko kasi para sa pag-aaral ko lang daw 'yun. Gusto niya talagang pahirapan ang sarili niya kahit na may madaling solusyon naman. Minsan hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa isip ni mama.
"Actually, I have something to tell you." Bigla na lang akong kinabahan sa ekspresyon ng mukha niya. Napalunok ako ng sariling laway at tumango.
"This is about Shion, your childhood best friend."
As I heard the name, I suddenly felt a lighting struck in my chest. Agad na nagbagsakan ang mga balikat ko at walang emosyong sinalubong ang tingin ni mama.
"I heard from your tita Kaori that she sent her son back here in the Philippines. Last week pa."
Mariin akong napahawak sa strap ng bag at nakagat ang ibabang labi ko. Parang nandilim bigla ang paningin ko. So that nightmare I had last night was already a sign of a devil's return? I don't want to hear anything anymore.
"I'm sorry if I brought this up so suddenly. I just couldn't help it and I thought you may want to know about thi–."
"Do I?" Hindi ko na napigilan ang panlalamig ng boses ko kahit sa totoo lang gusto ko nang sumabog sa inis. "I already cut ties with him a long time ago. I no longer care about that jerk and his whereabouts. Akala ko ba napag-usapan na natin 'to ma?"
"Flare, don't talk to me like that. I know you're mad at him but there are some things that you still don't know. Don't you think it's about time to fix everything between the two of you?"
"There's no need to fix. He's a total jerk who's only good at toying other people, period." Para akong mauubusan ng hangin sa bilis ng pagsasalita ko. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili.
"I'm sorry, ma. I'm getting late, I have to go now. Ingat sa trabaho," walang ganang sambit ko at lumabas na ng bahay. This is supposed to be a nice day pero umaga pa lang sirang-sira na ang araw ko.
Shion my foot. Who cares about that i***t. I don't even know him anymore. I do remember having a boy playmate when I was still a kid but that's just that. He's just nothing. He's just a stranger to me. If anything, I never had a childhood best friend.
I don't want to hear anything from him. May our paths won't cross, it'll save us both. Philippines is a small country but it's wide enough for our worlds that meeting him is like the probability of a crow turning into white. It won't happen.
Or so I thought.