Winner! Loser!
Chapter: 5
Kyle’s POV
Kakalabas ko lang ng kwarto na naka uniform at handa na sa unang pasokan sa semester na to. Habang papunta akong pinto, nakita ko si mamo na nag yoyoga sa sala.
“mamo alis na ako.” Pagpaalam ko.
Napatingin si mamo sa deriksyon nong narinig niya yung boses ko.
“ok anak. Make friends ka don para may madala ka namang ibang tao dito, sawang-sawa na kasi sa mukha mo.”
Tinignan ko si mamo ng masakit.
“joke lang anak. Parang hindi ka naman mabiro. Ingat ka.”
“kk” walang gana kong sabi at nagsimulang lumakad papuntang pintuan.
Habang lumalakad ako papuntang school may napansin akong grupo ng kalalakihan sa isang kanto na pinapalibutan ang isang studyante rin ng ateneo. Masasabi kong studyante siya roon dahil sa uniform na suot niya na pareho sakin.
Napatingin yung lalaking sakin yung lalaki na pinapalibutan ng grupo nang kalalakihan sakin. Kitang kita ko sa mukha niya na nasa masamang sitwasyon siya ngayon. Ayaw kong masali sa gulo na yun kaya nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila.
Hindi pa ako nakalayo sa kanila, narinig ko na lang nag simula na siling magsalpukan.
“Kyle wag kana sumali sa gulo. Hindi mo naman yun kilala wala ka ng paki don.” Sabi ko sa sarili ko.
Pabagal ng pabagal yung lakad ko at nakokonsensiya ako dahil iniwan ko yung lalaki na yun na nag iisa nagsasalpokan sa limang lalaki.
“bahala na nga.” Sabi ko at tumakbo pabalik sa kanto na yun.
“may pulis! May pulis!” sigaw ko habang nagtatago sa isang sulok.
“pasalamat ka may pulis, babalik kami.” Rinig ko sabi ng isang lalaki at narinig kong natumakbo na sila.
Lumabas na ako sa tinataguan ko at tumungo kung saan ko kanina nakita yung lalaki.
Nong nakita ko yung lalaki, laking gulat ko na maayos yung mukha niya ni isang galos sa mukha wala. Paano nangyari yun? Rinig na rinig ko na nagsusuntokan sila ah. Don’t tell me kayang kaya niya yung lima nalalaki kanina?
“ikaw ba yung sumigaw kanina?” tanong ng lalaki habang inaayos niya yung sarili niya.
“hindi kaya. Bumalik ako kasi nahulog ko tong ballpen ko.” Sabi ko sabay pakita ng ballpen ko.
“wag kanang mahiya alam kong ikaw yung sumigaw.”
“alam mo naman pala eh. Bat kapa nagtatanong.”
Dahil sa sinabi napatawa siya.
“ang sweet mo naman mag salita.” sabi ng lalaki.
Wala akong plano makipag-usap sa lalaking ito, kaya napagpasyahan ko na lang na tumalikod sa kanya at mag umpisang lumakad papuntang school, baka malate pa ako.
“wait mo ko.” Rinig kong sabi ng lalaki.
Kahit tinawag niya ako hindi pa rin ako huminto sa nagpatuloy pa rin akong maglakad.
“wait lang ang bilis mo naman maglakad.” Sabi ng lalaki na ngayon nasa tabi ko na at sabay na lumalakad sakin.
“Miggy pala bro.” Pagpakilala ng lalaki sakin.
“kyle” pagpakilala ko rin.
“kyle that’s a nice name. Dahil tinulungan mo ako kanina sasamahan na kita pa punta ng school.” Sabi ni miggy.
Kahit wag mo na ako samahan. Wala akong paki.
Hindi ko siya sinagot , nagpatuloy lang ako sa paglakad. Mabuti nga eh, ang tahimik niya hanggang nakarating kami school. Kasalukuyang papunta na kami ng building ng business department.
“ business Student ka rin?” tanong ni miggy.
Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong niya.
“anong major mo? Ako kasi financial eh.” Tanong ni miggy.
“marketing” tipid kong sagot.
“mamayang lunch don ka pumunta sa main cafeteria. Libre kita dahil tinulungan mo ako.” Sabi ni miggy.
“kk.”
Akala mo pupunta ako don. No need mo na akong ilibre, may pera pa naman ako kaya ko namang bumuli ng pagkain ko.
“dito na ako, see you later na lang.” Sabi ni miggy sabay smile.
Tumango na lang ako. Tumalikod na siya at nag simulang maglakad palayo sakin. Ako naman ay nagpatuloy papunta sa business department.
Habang ako’y naglalakad patungo sa business department, may biglang bumangga sakin ng sobrang malakas kaya napatumba ako. Bulag ba to or sinadya niya talaga na banggain ako.
“watch where you going.” Sabi ng lalaking bumangga sakin.
Kasalanan ko pa pala siya yung biglang bumangga sakin. Ako po yung natumba dapat ako nga yung magsasabi niyan eh.
Kinuwa ko yung bag ko na kasabay ko ring bumagsak sa sahig at tumayo, nagsimula akong ayusin ang sarili ko. Tinignan ko yung lalaking bumangga sakin, nakita ko siya nag smirk. Don ko na realize na sinadsya niya talaga na banggain ako.
Pangiti-ngiti kapa diyan ah. Gusto mo pala nang gulo pwes pagbibigyan kita.
“ho--.” magsasalita sana ako pero biglang may tumakip nang bunganga ko.
“kyle my friend nandito ka lang pala tara na sa room, baka malate pa tayo.” Napatingin ako sa nagtakip ng bibig ko, dun ko nakita na si alex lang pala.
Hinila na ako palayo ni alex sa lalaking bumangga sakin. Nong nakalayo na kami binitawan na ako ni alex.
“akala ko walang plano na alisin yung kamay mo sa bibig ko.” Sabi ko.
“sorry. Hehehe!”
“bakit mo pala ako pinigilan don, may sasabihin pa naman ako sa gagong yun.” Galit na sabi ko.
“kyle kong gusto mo ng away wag sa lalaking yun sigurado patay ka don.”
“ano yung patay. Dahil ba mas malaki at mataas siya sakin, sa tingin mo wala akong laban don.”
“hindi naman kyle. Pero si Ariel yun eh.”
Eh ano naman kung si ariel siya.
“ bakit sino ba yang ariel na yan?” tanong ko.
“ school mate ko yan nong nasa high school pa lang ako. Siya yung tinatakotan sa school namin. Kahit nga mga athelete ng teakwondo sa school namin takot sa kanya eh.”
“bakit tinatakotan yun? Sikat na adik siguro yun noh.”
“hindi, magaling kasi makipag away yun. Lahat na naging away niya siya parati ang na nanalo.”
Eh ano naman kung never pa natalo yun sa away. Baka ako pa makatalo don eh.
“saan ka pala pupunta nagyon? Baka dun rin ako dadaan, sabay na lang tayo.” Sabi ni alex.
“business department.”
“business student ka?” tanong ni alex.
Parang narinig ko na yung tanong na yan kanina ah.Nong sinagot ko yung tanong na yan kanina sana nandito na yung lalaki na toh para isang sagot na lang. Tinatamad pa naman ako sumagot.
Tumango na lang ako bilang sagot.
“talaga anong major mo?”
“financial.” Tipid kong sagot.
Lumapit sakin si alex at pinatong yung isang kamay niya sa balikat ko.
“sabi ko na eh, magiging classmate tayo eh. Financial management din yung major ko.” Sabi ni alex habang nakangiti.
My peaceful college life that I have been dreaming of, is gone. Sigurado talaga ako na hindi na tatahimik yung buhay ko simula ngayon.
Kinuwa ko yung kamay ni alex na naka lagay sa balikat ko at nagsimula akong maglakad papuntang business department.
“hintayin mo naman ako.” Sabi ni alex na nasa tabi ko na sabay na lumalakad.
“patingin nga nag schedule mo para malaman ko kung saan tayo magkaklase .” sabi ni alex.
Kinuwa ko yung phone ko at pinakita sa kanya yung schedule ko. Kinuwa ni alex yung phone ko at tinignan yung schedule ko. Kinuwa niya rin yung phone niya para pagkumpera yung mga subject niya sakin.
“friend magkaklase tayo sa lahat. Ayos toh.” Sabi ni alex habang naka ngiti.
Ayos nga, ayos kung pabayaan mo na lang ako.
“ito na yung phone mo. Tara na baka ma late pa tayo.” Sabi ni alex at binigay sakin yung phone ko.
Pumasok na kami sa first subject namin pero wala pa yung teacher kaya bumabasa muna ako ng manga online. Mabuti naman pala tong si alex. Hindi naman pala maingay toh. Nasa tabi ko siya ngayon at may nilalaro sa phone niya at hindi ako iniistorbo. Kung ganito lang siya lagi siguradong magkakasundo pa kami.
Maya-maya ay dumating na ang teacher at nag simula na yung klase.