Winner! Loser! Chapter : 4

1553 Words
Winner! Loser! Chapter: 4 Kyle’s POV   Nagising ako dahil sa alarm clock ko na nag iingay sa tabi ng kama ko. Pinatay ko yung alarm clock ko at umupo sa kama. Napatingin ako sa bintana ng aking kwarto at napansin ko na medyo madilim pa. Napatingin ako sa alarm clock ko at nakita ko yung oras. 5:30 pa lang. Na realize ko napaaga yung set ko sa alarm clock ko na dapat ay 6:30. Plano ko sana pagkagising ko maggi-gym agad ako, 7:00 kasi bumubukas yung gym didto sa condo sabi ni mamo.   Dahil gising naman ako, napagpasyahan ko na lang na magbasa ng mga manga books ko.   Bumangon na ako at nagtungo sa mini library ko. Nagpili ako ng manga books na babasahin, nong nakapili na ako, umupo ako dun sa table na nasa loob ng mini library ko at nagsimulang magbasa.   Maya-maya ni check ko yung phone ko para makita yung oras. 6:45 na pala kaya lumabas na ako ng mini library at nagtungo sa CR para magbihis. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto ko. Nong napadaan ako sa sala, napansin ko bukas na yung ilaw sa kusina at may tao.   Siguro gising na si mamo. Tumungo ako sa kusina at nakita ko nagluluto si mamo ng agahan namin.   Lumapit ako sa likod ni mama at nagkiss sa cheeks niya.   “good morning mamo.”   “ikaw lang pala anak, akala ko may nag kiss sakin na multo.”   “ikaw siguro yung multo, balat mo super puti mamo oh.”   “ upo ka muna diyan, hindi pa ako tapos magluto dito.”   “maya na mamo, punta muna ako sa gym.”   “ok anak pagkatapos mo mag gym, kumain ka agad lagay ko lang dito yung pagkain mo, lagyan ko lang ng takip.”   Tumango na lang ako at tuloyang lumabas sa condo.   Nasa harap ako elevator ngayon, naghihintay para sumakay. Pagkabukas ng elevator may nakita akong isang lalaki, ka edad ko lang pero ang liit niya, siguro nasa 5’5 siya. Kung ikumpara mo siya sa akin talagang maliit siya kasi sa height kong 5’9, malamang maliit siya tignan.   Pumasok na ako sa loob ng elevator. Pipindutin ko na sana yung floor kung nasaan ang gym pero nakita ko na sa floor na yun din pupunta yung maliit na lalaki na to, kaya yung close button na lng yun ni click ko. Mag gigym din siguro yung lalaki na to.   Napatingin ako sa lalaki, hindi halata sa katawan niya na nag gigym ah. Siguro picture lang gawa niya don.   “sa gym ka rin pupunta.” Tanong ng lalaki.   Napatingin ako sa lalaki at nag nodded na lang bilang sagot sa tanong niya.   “bago dito pare? Ngayon lang kasi kita nakita.”   Tahimik lang ako at wala akong balak na kausapin to.   Sayo na ng galing diba, ngayon mo lang ako nakita, ibig-sabihin bago lang ako dito. Sabi ko sa isip ko.   “pare mukhang magka edad lang tayo ah, ilang taon kana?” tanong ulit ng lalaki sakin.   Tulad ng ginawa ko kanina hindi ako sumagot sa tanong niya.   Alam ba nang lalaki to na ayaw ko maki pag usap sa kanya? Halatang halata naman ah.   Pagkabukas ng elevator, mabilis akong lumabas para makalayo sa lalaki na yun.   Nasa harap ako ngayon ng costumer’s station ng gym para mag register.   “sir mag reregister ka po ba?” tanong ng babaeng staff.   “yes miss.”   “residente kaba sa condo na to sir?”   “yes.”   “kung ganun sir. libre na po kayo sa gym na to. No need to pay membership fee. pero need mo mag fill up nito at isang valid ID.” Sabi ng staff, sabay bigay sakin ng form at ballpen.   Hinanap ko yung wallet ko sa bulsa ko para maibigay ko sa staff yung ID ko. Nagulat ako na wala sa dalawa kong bulsa ang wallet ko.   Sure akong nadala ko yung wallet ko at sa bulsa ko nilagay. Ni check ko yung bag ko, wala rin dun. Kinapa ko ulit sa mga bulsa ko pero wala talaga.   “Saan na yun dito ko lang nilagay sa bulsa kanina eh.” Sabi ko sa sarili ko.   “sir may problema ba?” tanong ng staff sakin.   “na iwan ko yung wallet ko eh. Babalik lang ako.”   “ok sir.”   Nagulat ako may biglang nagsalita sa likod ko.   “are you looking for this?” tanong ng nasa likod ko.   Lumingon ako at nakita ko yung lalaki na nasa elevator at hawak-hawak niya yung wallet ko.   Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong ng lalaki   “nakita ko to sa elevator nahulog mo. Bigay ko sana sayo bilis mong lumakad.” Sabi ng lalaki.   Sabi na nga na nadala ko yung wallet ko eh.   “ito oh.”sabi ng lalaki, sabay abot ng wallet ko.   “salamat”   “akala ko pipi ka, marunong ka palang magsalita.kanina pa ako tanong ng tanong ngayon ka lang sumagot.”sabi ng lalaki na akala mong gulat na gulat talaga siya.   “tinatamad akong magsalita kanina eh.”   “by the way nakita ko yung ID mo sa wallet mo sa ateneo ka rin pala nag aaral. Don din ako same course tayo business ad.”   Nagsmile ako at tumango bilang sagot sa sinabi niya.   “sige una na ako sa loob, kita na lang tayo mamaya sa school.” Sabi ng lalaki at pumasok na don sa gym.   Ang daldal ng lalaki non ah. Kong totoo man ang sinabi niya na same kami ng school at course sana wag siyang sunod ng sunod sa akin. Alam ko kasi kapag siya yung kasama ko hindi na tatahimik yung paligid ko.   Humarap ako ulit sa staff ng gym para mabigay ko na yung form at ID ko.   “miss ito na oh.”sabi ko at sabay abot ng form at ID.   “ok sir wait ko muna ng kunti lagay ko lang yung data mo sa system namin.” Sabi ng staff.   Tumango na lang ako at umupo sa upuan sa tabi ng costumer’s station at nag hintay. Maya- maya tinawag na ako ng staff.   “sir excuse me tapos na po.”   Tumayo ako at lumapit sa staff.   “sir ito po yung number ng locker mo at ito rin yung password. Ito naman sir is mga rules and regulation ng gym.” Sabi ng staff sabay abot sa akin ng maliit na papel.   “thank you” sabi ko at pumasok na ako sa gym.   Tumungo ako sa locker room ng gym at hinanap yung locker ko. Nong nakita ko, nilagay ko lahat ng dala kong gamit at sinara. Umalis na ako don at pumasok kung nasaan ang mga gym equipments para magsimula na akong mag exercise.   Habang ako’y nag exercise don napansin ko yung lalaking nasa elevator na nagseselfie. Akala ko gym to, bakit may nag pipictorial dito. Kung gusto pala nito mag picture- picture don na lang sana sa mini park ng condo na to. Nag fucos na lang ako sa ginagawa ko.   Nong natapos na ako, tumungo na ako sa locker room para magbihis.   Binuksan ko yung locker ko at nagkuwa ng damit para pangpalit sa basang-basa kong damit ngayon. Nong hinubad ko yung damit ko bigla may nagsalita sa tabi ko.   “friend ang ganda naman ng katawan mo. May abs kahit dalawalang.”   Napatingin ako sa tabi ko at guess kong sino yung nakita ko? Edi yung lalaki na nasa elevator ulit. Ano ba yung lalaki na toh sulpot ng sulpot.   “thanks.” Sagot ko sa kanya.   “paturo naman ng workout routine mo, para magka abs rin ako. Wala kasi akong abs eh.” Sabi ng lalaki sabay pakita ng flat niyang tiyan.   Nilagay ko yung isa kong kamay sa kanyang balikat at tinignan yung phone niya sa kamay niya.   “piece of advice, tagu mo yan kapag mag gigym ka.” Sabi ko.   “ok hehehe!” sabi ng lalaki sabay kamot sa ulo niya.   Nagpatuloy ako sa pag bibihis. Nong natapos ako umalis na ako sa gym. Bago pa ako makalabas ng gym may biglang tumawag sakin.   “kyle wait lang!”   Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa tumatawag sakin. Yung lalaki na nasa elevator pala  ang tumatawag sakin.   Tinignan ko siya na may pagtataka. pano nalaman ng lalaking toh yung pangalan ko?   “baka magtaka ka. Nakita ko yung ID mo kanina sa loob ng wallet mo kanina.”   “ganun bah.”   “bago ko makalimutan ako pala si alex.” Sabay abot ng kamay niya.   “ok.” Sabay kuwa ng kamay niya.   “by the way, diba sa ateneo ka rin nag-aaral nagyon. alam mo ba na may orientation yung mga bagong students mamayang 5:30?”   “ hindi eh. Pano mo nalaman na may orientation tayo mamaya?”   “don sa group page ng school natin.”   “group page? Ano yung group page.”   “group page yung nasa f*******:. Don’t tell me wala kang f*******:?”   Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.   “ bakit wala kang f*******:. Pano mo ma contact yung mga friends mo?”   “wala akong kaibigan.”   “kaya pala wala kang f*******:. Dahil ngayon friend na tayo need mo na gumawa ng f*******:. Kapag nakagawa kana add mo lang ako. Alex jerry caliente yung f*******: name ko.”   Akala ko madaldal lang toh, ang kapal din pala ng mukha nito. Sino nag sabi sayo na gusto ko makipag kaibigan sayo.   “ok try ko magcreate ng account mamaya.” Sabi ko.   “tara uwi na tayo maya-maya start na ng class natin. Sana classmate tayo sa ibang subject.”   “sana nga.”   Sana hindi tayo kaklase, gusto ko maging tahimik lang yung buong semester ko. Alam ko kasing hinding hindi talaga titigil yung bunganga mo sa kakasalita. Hindi pa ngatayo ganun ka kilala, ang daldal mo na, ano pa kaya kung close na tayo.   Lumabas na kami ng gym at nagtungo sa elevator para maka uwi.   Nasa loob na kami ni alex sa loob ng elevator at naghihintay na makarating sa mga floor namin. Nong nakarating na sa floor ko, bumukas na yung elevator kaya lumabas na ako.   “kyle see you sa school.” Sabi ni alex.   Hindi na ako lumingon sa kanya, tinaas ko na lang yung isa kong kamay at patuloy pa rin lumalakad patungo sa condo unit namin.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD