Sa isang bayan na mahigit sampung oras mula sa kanila ang naging destinasyon nila Gabrielle. Naging tahimik ang buong byahe. Hinayaan niya ang sarili niyang tignan ang mga puno at palayan sa paligid. Hindi na rin siya dinalaw pa ng antok, marahil ay dahil mahaba na rin ang naging tulog niya bago pa niya mapanaginipan ang pangit na panaginip niya na iyon. "We're here!" anunsyo ng lalaki. Matapos nitong iparada ang sasakyan nito sa isang maliit na kainan. It was just 8 am in the morning, ngunit masakit na ang init sa kanyang balat, at masyado iyong nanunuot sa mata niya. Marahil ay dahil hindi naging sapat ang tulog niya buong gabi. She never thought na sampung oras mahigit ang magiging byahe, ngunit nandoon na siya at siya din mismo ang namilit na sumama sa lalaki. "Good morning, Ma'am,

