Mahabang katahimikan ang namayani sa paligid nang makauwi na sila ni Gabrielle. Nagkasya na lang siyang maupo sa malaking Couch ng lalaki sa salas nito. Habang ito naman ay umakyat na ng kwarto nito. Binabayo nang kaba ang dibdib niya habang hindi mapakali habang nakahiga sa Couch na iyon. Muli siyang napa buntong hininga. Hindi niya inaasahang gagawin ng lalaki ang ginawa nito sa kanya kanina. Muntik na siyang sagasaan nito. "Psycho talaga siya." bulong niya, habang pilit na pinapakalma ang puso niyang may balak na atang lisanin ang katawan niya sa sobrang bilis ng pagtibok. Nang mga oras na iyon ay hindi na niya alam kung dahil pa rin sa ginawa ng lalaki kanina sa kanya ang dahilan nang malakas na pagtibok ng puso niya o dahil sa katotohanang iba na ang t***k ng puso niya para sa lalak

