Binabayo ng malakas na hangin ang paligid. Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan nang matapos ang shift ni Gabrielle sa Spiral Cafe. She heaved a sighed hindi niya inaasahang magiging malakas ang ulan ng araw na iyon. Hindi pa naman siya nakapagdala ng kanyang payong sa pag-aakala niyang magiging mainit ang buong araw. "Wala akong choice." bulong niya sa sarili. Balak sana niyang sullungin ang ulan ng isang kamay ang nagpatigil sa kanya. "Where are you going?" nakaguhit sa ekspresyon ng mukha nito ang pagka disgusto. Kailan pa ba naging masaya ang mukha nito? "Nandito ka pa?" gulat na tanong niya sa lalaki. Buong akala niya ay umuwi na ito. Buong akala niya ay naghihintay na ito sa bahay dahil sinabi nitong mag-uusap sila. Meron silang dapat pag-usapan, kaagad na binalot ng kaba ang

