FOUR

2728 Words
Halos mabingi na si Gabrielle sa sobrang katahimikan na bumabalot sa paligid niya, habang lulan ng sasakyan patungo sa kung saang lupalop na wala din siyang ideya, kasama niya si Wish ng mga oras na iyon. Wala siyang maisip na sabihin, at wala din naman siyang planong magsalita hanggang sa hayaan na lang siya nitong umuwi. Paminsan minsan ay napapatingin siya sa Lalaki, habang seryoso itong nagmamaneho sa ma traffic na daan. He's not even losing his patience, sa sobrang tagal ng pag-usad ng mga sasakyan. She was expecting that he would used some of his power para mawala ang mga sasakyan sa harapan nila, at upang wala ng magiging sagabal sa dinadaanan nila. But his eyes was fix on the road, at wala man lang siyang nakitang bakas ng inis o pagkadisgusto sa ekspresyon ng mukha nito. His grey colored hair was fix with a gel. katulad ng langit sa gabi ang kulay ng mga mata nito. He was not a human indeed. His eyebrows and eyelashes were one of those girls' dreams, mahaba at makapal. Pakiwari niya'y pwede na rin siyang maglaro ng slides sa tangos ng ilong nito, at sigurado siyang magiging memorable ang pag slide niya sa ilong nito kung mahuhulog siya sa maliit at tila kulay cherry nitong mga labi. He was perfect. Kung pagbabasihan lang sa panlabas na kaanyuan, but she knew he wasn't human kaya bawas iyon ng malaking puntos na sana ay ibibigay niya sa lalaki. Everyone can be deceived by his looks, ngunit hindi siya kasama sa everyone na iyon. Hindi siya maloloko nito. " "Naloko ka na nga!" sabad ng isang bahagi ng utak niya, dahilan upang mapabuntong hininga siya. She was being judgemental for thinking na may bawas ang puntos ng kagwapuhan nito, dahil lang hindi ito tao. That was so unkind of her. "Ganun na ba talaga ako ka gwapo?" basag nito sa katahimikan sa paligid. Binalingan siya nito, at seryosong tumingin. That kind of looked na tila ba, walang gana. "Hindi no!" singhal niya. Kaagad niyang binawi ang tingin niya dito at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "wag ka ngang magpacute, hindi bagay" muntik na niyang masabi ng malakas, mabuti at nanatiling nakasara ang bibig niya. Saan ba kasi sila pupunta? hindi man lang nito naisip na basa siya? at giniginaw dahil sa lakas ng aircon ng sasakyan nito, hindi nga talaga tao ang lalaki. Humalukipkip na lang siya upang maibsan ang ginaw na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. "Let's go to the nearest clothing store." sambit ng lalaki. Na kaagad naman ikinakunot ng noo niya, tumingin dito, bigla niyang naisip na baka naririnig pala nito ang iniisip niya kaya, alam nito ang ibang bagay na tungkol sa kanya. "Naririnig mo o nababasa mo ang laman ng utak ko?" tanong niya sa lalaki. "Not anymore. The moment we sealed the contract I, have no longer access to that little brain of yours, but I can feel your emotions, katulad ngayon giniginaw ka dahil basa iyang damit mo." sagot nito. So, naririnig pala nito noon ang iniisip niya, nang iligtas siya nito sa mga lalaking iyon na muntik nang gumahasa sa kanya? kaya pala noong unang na iyon, ay narinig nito ang tanong niya kung sino ito, kahit hindi naman niya iyon sinabi mismo. "Gusto ko lang talagang malaman, bakit ba ako nagkaroon ng kontrata sa'yo?, wala talaga akong maalalang ginawa kong makipagkontrata lalo na sa'yo?” tanong niya sa lalaki. at sa mga oras na iyon ay nais niyang sagutin nito ng maayos ang katanungan niyang iyon. "It's not you, who literally made the contract, you are just the payment for the contract that was made, at upang maging ganap na kabayaran ka ay nilagyan kita ng palatandaan." ininguso nito ang singsing na nasa daliri niya. "That is the proof na pagmamay-ari na kita. Just like all those things I have back home." bahagya niyang naintindihan ang mga bagay na sinabi nito, ngunit hindi niya maintindihan ang parteng naging kabayaran siya sa kontrata ng iba, ano iyon naging collateral lang siya ganoon? "Bakit ako ang kabayaran? hindi ko maintindihan at saka bakit ba nagpapabayad ka? Akala ko ba si WISH ka? You can grant any wishes ng walang bayad! At saka pwedeng bang sabihin mo nalang bakit ako naging kabayaran? At ano iyong hiniling ng taong humiling sa'yo para maging kabayaran ako?" sunod, sunod na tanong niya dito. Kaagad namang bumuntong hininga ang lalaki. Saka tumingin ulit sa kanya. Seriously, nagmamaneho pa pala ito ng sasakyan. "Una sa lahat human. Sinong nagsabi na walang kabayaran ang mga wish na tinutupad ko? Sa dinami dami ng wish sa mundo iilan lang ang nagkakaroon ng oportunidad na matupad ang wish na nila. Pangalawa, kailangan ko ng kabayaran sa mga kahilingan na ibibigay ko, wala ng libre ngayon. Nabubuhay ako sa bawat kahilingan, and I need something in return as a collection. And for your last question, naging kabayaran ka sa isang kahilingan na para sa kanya ay importante, humiling siya ng mas marangyang buhay at isa ka sa mga pinakaimportanteng bagay sa buhay niya. I think, that's why he chose you to be the payment. Of course, I don't take something na hindi mahalaga tumatanggap lang ako ng mahalaga upang mas maging memorable ang kahilingan na hiniling sa akin." mahabang paliwanag nito. Muli siyang bumuntong hininga. Hindi siya na inform na maging ang Wish ay may kailangan na rin pala ng bayad? May pangangailangan din ata ito sa pera? Hindi pa ba sapat dito ang libo libong coins na hinahagis sa mga wishing fountain at wishing well? Bakit siya nagpapabayad sa bagay na dapat ay ibinibigay naman talaga nito? He was Wish. Wasn’t he supposed to give iyt for free? "Alipin ka rin pala ng salapi?” umiling iling siya. Kasabay ng pagguhit ng pagkadisgustong ekspresyon sa kanyang mukha. "Salapi? Wala akong sinabing nagppabayad ako ng Pera. Kayong mga tao ang ganid sa pera At wala kang alam paano inabuso ng mga tao ang mga bagay na binigay ko, that's why I'm taking away something important from them. You are a living Proof that humans will do anything for what they want!” may bahid ng inis sa seryosong sagot nito. May kirot na gumuhit sa puso niya, sa parte na sinabi nitong naging kabayaran din siya sa isang kahilingan. kung importante siya sa taong iyon ay hindi sya nito ipambabayad lang. at dahil doon ay nandoon siya sa sitwasyon na iyon ng mga oras na iyon. "Sino? sinong humiling sa'yo na ang naging kabayaran ay ako?" Hindi na ito umimik, ngunit tila meron na siyang ideya kung sino iyon. Isang tao lang naman ang pwede niyang isipin ng mga oras na iyon. "Kaya ba niya ako nakalimutan? Parte ba iyon ng kasunduan?" Hindi pa rin ito nagsalita, at sa halip ay nagpatuloy pa rin sa pagmamaneho nito. May karayom na tumusok sa dibdib niya ng mga oras na iyon hindi pa naging sapat dito ang itapon lahat ng tungkol sa kanila? Ginawa pa siya nitong kabayaran? Muling nilusob ng sakit ang dibdib niya ng mga oras na iyon. Hindi na siya sigurado kung ano bang mas masakit na katotohanan ng mga oras na iyon. Ang gawin siyang kabayaran ng pinakamamahal niyang kaibigan o, ang katotohanang maging ang mga alaala nila ay tuluyan narin pala nitong kinalimutan. "Blaize.” tawag niya sa pangalan ng lalaking dahilan pa rin ng pagkirot ng kanyang puso. May hapdi sa dibdib niya sa bawat alala niya sa lalaki, at hindi niya alam kung paano niya ito maalis sa kanyang puso at isipan. "We're here!” anunsyo ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan. “Bibili lang tayo ng damit mo, at sasama ka sa akin." dinig niyang dagdag ng lalaki. Huminto ito sa harapan ng isang kilalang brand ng japanese clothing. Matapos nitong mag park ay kaagad na itong lumabas ng sasakyan, sumunod din siya ditong lumabas ng sasakyan. Ngunit wala siyang balak na sumama dito. She headed towards the other side of the road wala na siyang pakialam kung masagasaan siya. She just wanted to run away from him, from everything. She was about to cross the street ng mahagip ng kanyang mga mata ang isang sasakyang nakabaliktad sa daan umuusok pa iyon habang napapalibutan ng kumpol ng mga tao sa paligid. Sandali siyang natigilan, kaagad na bumilis ang t***k ng kanyang puso, kasabay ng kanyang paghakbang paatras those haunted memories flashed at her mind again. That day when her parents died, it was the same day na nagkaroon siya ng pangalawang buhay. But she lost both of her parents at hindi niya alam kung matatawag ba niyang swerte siya, dahil buhay ng mga magulang niya ang naging kapalit ng pangalawang buhay niya. Sinundo siya ng mga magulang niya mula sa eskwela ng araw na iyon like they always do. But she never thought na iyon na ang magiging huling sundo nang mga ito sa kanya. She blamed herself for what happened, kung hindi siya sinundo ng mga ito ay hindi siguro mamatay ang mga ito. She blamed herself for being the only one who survived, she was blaming herself everyday. "Blaize." muli niyang tawag sa pangalan ng lalaki. Isang mapait na realidad ang muli niyang napagtanto ng mga oras na iyon, ang pinakahuling taong karamay niya sa mga araw na bumabalik sa kanya ang mga alaalang iyon ay wala na sa tabi niya. Sa mga oras na iyon ay wala na ito sda tabi niya, and he would never remember her again, he would never be there to comfort her again like he would always do. Now the only one who can comfort her, is herself. Walang sinuman ang pwedeng gumawa nun kundi ang sarili nalang niya. But how can she possibly do that? Her whole body is falling apart at that moment, at pakiwari niya ay kakapusin siya ng hininga. "Gab. kumalma ka!" pilit niyang inaalo ang sarili. She managed to pull herself to stand at nang magawa niya iyon, ay kaagad na sumalubong sa kanya ang tila kulay itim na mga mata ng lalaking nakatayo sa harapan niya ng mga oras na iyon. Walang ekspresyon ang mukha nito, he was there the whole time she suffered, ngunit hindi man lang ito nag-atubiling tulungan siya. Mapait ang naging pagngiti niya. Ano bang inaasahan niya sa lalaki? May kailangan lang ito sa kanya kaya siya nito tinulungan kanina at noong nakaraan, wala itong pakialam sa kanya para dito isa lang siyang bagay na pagmamay-ari na nito. He can just throw her away kung gusto nito. Humakbang ang mga paa niya papunta sa kabilang bahagi ng daan. She no longer wanted to show him her tears. She no longer wanted to show anyone her weakness because everyone is leaving her. Iniwan lang siya ng mga ito, and now she left with nothing but a deep scar in her heart. Naisip niyang mas mabuti pang namatay na lang siya ng gabing iyon nang maaksidente sila ng mga magulang niya. She no longer has the will to leave, she just wanted to disappear from the cruel world. "Human!" isang kamay ang nagpahinto sa kanya sa paglalakad. Kaagad niyang nilingon ang lalaki na sa mga oras na iyon ay nakatingin lang sa kanya. She just wanted to disappear may diin ang bawat salitang iyon sa sistema niya. "Bitawan mo'ko!" singhal niya sa lalaki. Pilit niyang hinablot ang niya mula sa kamay nito, ngunit hindi ito natinag. Ni hindi man lang niya nagawang pagalawin ang kamay nito. "You're going with me!" anas nito at sa isang iglap ay nasa tuktok na sila ng isang mataas na gusali. "Anong ginagawa mo? tigilan mo'ko sa mga bagay na ito! Leave me alone!" singhal niya sa lalaki. "Para ano? Para magpakamatay ka? Go ahead wala akong pakialam! Pero hindi ikaw ang magdedesisyon kung mamatay ka o hindi! Hawak ko ang buhay mo kaya wala kang karapatang mamatay hangga't hindi ko sinasabi!" sigaw nito sa kanya. Muli siyang kiinapos ang hininga. Sa pangalawang pagkakataon ay pilit niyang hinablot ng sapilitan ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito. Hmakbang ang kanyang mga paa patungo sa edge ng naturang gusali, habang nakatingin pa rin sa lalaki. Isang bagay lang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. No one owns her ! Walang pwedeng magdikta kung kailan, at paano siya mamatay not even him. Not even Wish. "Talaga? Then try mo akong saluhin!" ipinikit niya ang kanyang mata at walang pagdadalawang isip na tumalon sa naturang gusali. Naramdaman niya ang malakas na hanging malayang humalik sa kanyang balat. Hinintay niyang umabot siya sa lupa upang matapos na ang lahat, ngunit hindi iyon nangyari and when she opened her eyes, ay natagpuan niya ang sarili niyang nakatayo sa harapan ng lalaki. "Paanong?..." "I told you hindi ka mamatay hanggang hindi ko sinasabi. Ako ang may hawak ng buhay mo and that ring is connecting us to each other, hindi mo kailan man maalis ang singsing na iyan unless I will give you the permission to do so, kaya pasensya human you are mine! At hindi mo magagawa ang mga gusto mo ng ganun lang kadali. Unless, something inevitable happens. Something that out of my reach” sagot ng lalaki. Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito saka muling nagsalita. “You can’t take away your life. I will do my best that you won’t” dagdag pa nito sa kanya. "Bakit ako! Bakit mo ako ginaganito! Palayain mo na lang ako! Kahit ano gagawin ko, basta palayain molang ako!" pagmamakaaa niya sa lalaki. Gusto niyang makalaya mula dito. Iyon lang ang tanging gusto niya. She doesn’t want to be his servant. Ayaw niyang may ibang may hawak ng buhay niya. "Then give me my freedom." seryosong tugon nito. Habang seryoso din itong nakatitig sa kanya. "Freedom? Paano ko magagawa iyon? Paano?" sunod, sunod na tanong niya sa lalaki. Hindi niya ito naintindihan. Anong kalayaan? Nakakulong ba ito? "I Chose you, because I thought that you could give me the feedom that I want. I am sure that it’s you. You can give me the freedom that I want. If you will kill me" anito sa kanya. Kaagad naman na nanlaki ang mga mata niya. How could she possibly do that?. Paano niya mapapatay ang nilalang na may hawak ng buhay niya? Hindi niya ito maintihan. "Nababaliw ka na ba! Hindi ko magagawa iyon!" "You wanted your freedom right? Then help me to be free, tinanggap kita bilang kabayaran dahil alam kong matutulungan mo ako. Kaya kung gusto mong maging malaya ka ay kailangan mo muna akong tulungan mawala sa mundong ito. It's not fun here anymore."sagot lang nito, gumuhit ang hindi niya mapangalanang ekspresyon sa mukha nito. "Paano ko gagawin iyon?" "Aalamin natin iyan ng magkasama. kaya simula ngayon magiging literal na akin kana, dahil magsasama na tayo sa iisang bubong. I have to make sur that you won’t do anything to yourself. I can’t get my freedom if you die.” seryosong sagot ulit ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya. Nanatili ang mga mata niya dito, saka napa buntong hininga siya he was serious about the last thing he said. He must be out of his freaking mind! "Paano kung hindi ako pumayag?" tanong niya sa lalaki. Ngumisi ito saka tinawid ang espasyong pumapagitan sa kanilang dalawa. "Then I’ll drag you, at ikukulong kita hanggang sa malaman mong pagmamay-ari kita, at wala kang karapatang tumanggi sa kagustuhan ko!” seryoso pa rin ang lalaki sa sinabi nitong iyon. Kailan ba ito hindi magiging seryoso? Seriously, he can be the cause of her death kung magtatagal pa silang magkasama. Nararamdaman niya ang malayang pagtangay ng hangin sa kanyang buhok at damit ng mga oras na iyon. Habang nasa ilalim sila ng maliwanag na sinag ng buwan sa tuktok ng gusaling iyon kung saan sila nandoon ng mga oras na iyon. At sa mga oras na iyon, she realized a painful truth. Hindi na magiging madali ang mga susunod na araw sa buhay niya. Wish was not a human. He was not a human, and he owned her, all of her for the rest of her life, ngunit hindi mangyayari ang rest of her life, kung tutulungan niya ito sa kagustuhan nitong makalaya. But how can she possibly kill WISH? Paano niya papatayin ang taong nagbibigay ng kasagutan sa bawat mga kahilingan? Paano niya papatayin ang isang kakaibang nilalang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD